Chapter 48

2.3K 47 0
                                    

KASALUKUYANG kumakain ng hapunan si Angeline kasama ang pamilya ni Stefen,kina Stefen narin siya nanatili habang wala pa siyang mapupuntahan.Lingid sa kanyang kaalaman ang bahay na tinitirhan niya ngayon ay bahay ng kaibigan ng Papa niya na si Mr.Steve Versoza at asawa nitong si Mrs.Janet Simon Versoza.Alam narin ni Stefen kung sino talaga si Angeline na nagpakilalang Anne sa kanya ngunit sinabi ng kanyang Papa na huwag ipaalam kay Angeline na kilala niya ang Papa nito.At palihim narin nagtatawagan sina Steve at Martin at binalita na si Stefen nga ang tumulong sa anak nito.Nakita niya si Angeline sa photo pero hindi sa personal kaya wala din itong alam.
"Hija huwag ka sanang magagalit sa amin"ani ng Tito Steve.
Dahil balak niya ng sabihin kay Angeline na kilala niya ito,at alam narin nila kung ano talaga ang dahilan kung bakit naglayas ito dahil nasabi na sa kanya ni Martin.
"Bakit po Tito Steve?tanong niya.
Nagkatinginan silang tatlong sabay nagsalita ulit si Tito Steve.
"We know you Angeline"ani ng Tito Steve.
Nabitawan pa niya ang hawak niyang kutsara sabay diretsong napatingin sa mga ito,bigla tuloy siyang natakot ngunit muling nagsalita si Tito Steve.
"Don't worry hija you're safe here"aniya dahil nakita niyang biglang namutla si Angeline.
"P-paano nyo po ako nakilala?mahina niyang tanong.
"Matagal na kaming magkaibigan ng Papa mo at palagi ka niyang kinukwento sa akin nung nasa Canada ka pa.I had seen your photos also and when your missing sa akin nagpatulong si Martin para hanapin ka and yon nga si Stef ang nakakita sayo that time"aniya dito.
Bigla tuloy siya napahiya dahil nagsisinungaling siya sa mga ito.
"I-I'm sorry po I didn't mean to lied at you guys it's just because gusto kong magtago at lumayo"aniya.
"It's alright hija no worries naintindihan ka namin at alam narin namin kung anong dahilan"ani ni Tita Janet.
"All those time po alam nyo at kilala nyo na ako?
"Yes hija at hindi namin sinabi sayo na lihim narin namin tinawagan ang Papa mo para hindi siya mag alala"ani ni Tito Steve.
"Po?gulat niyang wika.
"Don't worry hija hindi niya sinabi kahit kanino at wala daw siyang balak sabihin kahit kanino"sagot niya kay Angeline.
Saka naman siya nakahinga ng maluwag at sa isip niya mabuti naman kung nalaman na ng kanyang Papa na nandito lang siya basta huwag lang malaman ni Josh.Dahil kahit lumayas siya inisip parin niya ang kanyang ama,pero bakit ganon?lumayas siya upang maglaho pero natulungan pala siya ng anak ng kaibigan ng kanyang ama at kinupkop sila nito.
Tumango lamang siya saka tumingin kay Stefen at medyo nakaramdam siya ng hiya dahil sa pagsisinungaling niya.Tila naman naiintindihan ng binata ang tingin ni Angeline kaya nagsalita ito.
"It's okay Angeline as my Mom said naintindihan ka namin and we are sorry for what happened to you Angeline"ani ng binata.
"Thank you Stefen at salamat sa pagkupkop nyo sa akin"aniya sa mga ito.
"It's okay hija you're family now,anyway pupunta daw dito ang Papa mo to see you"
"Thank you po Tito Steve"sagot niya.
"You're welcome..finish your food now para makapag pahinga ka na"
Tumango lamang siya at tahimik ng sumubo ng pagkain,pagkatapos nilang kumain ay hinatid na siya ni Stefen sa kwarto kung saan siya natutulog this past few days.
"Good night Anne"ngiting wika ng binata.
"Ang kulit!Sorry talaga Stefen"
"No..I'm kidding...don't worry I understand you okay?
"Thank you and good night"
"Yeah okay good night"sagot ni Stefen saka tumalikod na ito.
Sinundan niya ng tingin ang binata at panatag ang loob niyang ang mga ito ang kumupkop sa kanya at sa isip niya sana nga hindi sasabihin ng kanyang Papa kahit kanino na nandito siya.Pero sa isip niya malayo din naman ang lugar na ito kung saan siya nagmula.
Diretso si Josh sa bahay ng kanyang mga magulang pagkatapos niyang maghanap at magtanong tanong sa mga tao tungkol kay Angeline pero tulad ng inaasahan bigo parin siyang matagpuan ang asawa.Agad siyang sinalubong ng kanyang ina,matamlay siya't malungkot at hindi din kumain buong araw.Wala siyang gana at halos hindi niya malunok ang pagkain.
"Hijo you're here"salubong ng ina.
"Mama hindi ko na kaya!aniya sa ina.
Gusto niyang sumbatan si Josh pero inisip niya hindi makakatulong sa anak kung susumbatan niya ito dahil sa nararamdaman ngayon.Gusto niyang palakasin ang loob ng anak.
"Nagagalit ako Joshua sobra akong nagagalit sayo,pero hindi ko yon magagawa sayo ngayon dahil higit kailangan mo ng karamay ngayon"
"Please Mama I want to see my wife..I need to find my wife..Mama mababaliw na ako kapag hindi ko pa nakita ang asawa ko!hagulgol niya habang yakap ito ng ina.
"Son tinutulungan ka namin ng Papa mo para hanapin si Angeline kaya huwag kang mawalan ng pag asa..huwag kang susuko okay?
"I'm so sorry Mama! I'm sorry!aniyang hindi na nahiyang umiyak sa harap ng ina dahil sobrang bigat na ng dibdib niya.
"Sshhhhh this is not the right to blame anyone all we need to do now is to find your wife,come here get some food and eat huwag mo ring pabayaan ang sarili mo hijo kailangan mong maging malakas okay?aniya sa anak.
Tumango lamang ito atsaka tumayo siya upang ipaghanda ng pagkain ang kanyang anak.Maya't maya pa ay muli niyang binalikan si Josh at inaya sa dining area upang kumain,sumunod naman din ang anak at pinaupo niya ito.
"Josh huwag mo rin sanang pabayaan ang sarili mo,kailangan ng katawan mo ang pagkain at sapat na pahinga,ipahinga mo ang katawan mo lalong lalo na ang isip mo"paalala niya sa anak dahil nakikita niyang pinabayaan na ni Josh ang sarili nito.
"It's all my faults Ma!kasalanan ko kung bakit nangyari to,I don't deserve to be treated this way because I should be punish.Punish until I die Mama I swear!aniya sa ina.
"No hijo please don't say that,Josh everyone deserve a second chance,yes it's all your faults,your mistakes but it doesn't meant you have to pay your life for it,ang kailangan mo ay humingi ng tawad sa mga kasalanan mo,ituwid ang pagkakamaling nagawa mo at mangakong magbabago.Josh people change!
"Mama paano kung hindi ko na makikita ang asawa ko?Ma paano kung tuluyan na akong lalayuan ni Angeline at hindi na kami magkikita habang buhay?Ma mababaliw ako kapag nangyari yon because I love my wife I don't want to lose her forever Ma she's my life!
"Ssshhh don't think negative hijo we'll find your wife soon I promise we will do everything to find Angeline"
Mahina siyang tumango sabay nagpahid ng luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata.Nagsisisi siya,sobra niyang pinagsisisihan ang lahat lahat ng ginawa niya at ngayon ang tanging gusto niya ay ang mahanap niya na ang kanyang asawa.Upang humingi ng tawad..hingin niya ang kapatawaran ni Angeline at bumalik na ito sa kanya dahil kailangan niya si Angeline...mahal na mahal niya ang kanyang asawa.Hindi niya kakayaning mawala ito,mababaliw siya at ngayon pa nga lang sa isiping wala ang asawa pakiramdam niya mababaliw na siya.Miss na miss niya na si Angeline,gustong gusto niya na itong makita,yakapin,halikan at....
"Aaaaaaaahhhhhhhh!!!sigaw niya sabay tinapon ang mga pagkaing nakalagay sa mesa.
"J-Joshua hijo"natakot tuloy ang kanyang ina.
"Mama pleeaaasseeee I need my wife!aaaaaahhhhhhhh!!aaaaaahhhhhhh!!pagwawala niya at binasag lahat ang makikita niya.
"Hijo calm down please!ani ng inang natatakot lapitan ang anak.
Humagulgol ng iyak si Josh habang unti unting napapaluhod na hindi alintana ang maliliit na sugat sa kanyang kamay.
"Angeliiiiiiinneeeee!!!tawag niya sa pangalan ng asawa.
"H-hijo"mahinang wika ng ina sabay marahang hinawakan sa likod ang anak.
"I-I love her Mama at hindi ko kayang tanggapin sa sarili ko yon because of my bullshit pride!damn it!!
"You still have time to prove it hijo don't lose hope"
Hindi ito sumagot at tahimik lang umiyak,inaya siya ng ina sa living room upang gamutin ang sugat sa kamay niya at nagpaubaya naman ito sa ina.Habang ginagamot ng ina ang kanyang sugat ay dahan dahan siyang humiga sa sofa atsaka niya naramdaman ang pagod ng kanyang katawan at ang mga mata niyang walang tigil sa pag iyak.Marahan niyang pinikit ang kanyang mga mata at si Angeline parin ang nasa isipan niya.
Nahabag siya sa nakikita ngayon,ang kanyang anak lumuluha kahit nakapikit ito.Ngayon niyang batid na sobrang mahal ni Joshua si Angeline.Napabuntong hininga siya sabay pinahid ang luha sa pisngi ng anak atsaka kinumutan ito.
"Nasaktan ka noon sa nobya mo dahil mahal mo siya pero ramdam ko ngayon na mas nagdurusa ka,mas masakit pa kesa sa una"anas niya habang pinagmamasdan ang anak na payapang natutulog pero lumuluha parin.
Tumalikod siya dahil hindi niya kayang makita ang anak sa ganong kalagayan,naninikip ang kanyang dibdib.Naisip niyang minsan ng nasaktan si Josh pero hindi niya akalaing doble dobleng pagdurusa at pasakit ang nangyari ngayon sa anak dahil sa pagkawala ng asawa nito.Sa sofa na natulog si Josh at hindi na ito inistorbo pa ng mga magulang kaya hinayaan nilang magpatuloy sa pagtulog ang anak ng sa ganon magawa man lang nitong matulog.
KINABUKASAN bisita nga ni Angeline ang kanyang ama dahil pinuntahan talaga siya ng kanyang ama sa bahay ng Tito Steve niya.
"Papa I'm so sorry"hingi niya ng tawad sa ama.
Niyakap siya ng ama saka hinalikan sa ulo"I'm so worried about you hija and thanks God you're safe"ani ng kanyang ama.
Umiyak siya habang niyakap ng mahigpit ang ama at ngayon lang din niya nagawang umiyak sa harap ng ama sa haba ng pagtitiis niya sa piling ni Joshua.
"I'm sorry Angel kung masyado akong naging kampante at labis nagtitiwala sa asawa mo"
"Kasalanan ko rin Pa dahil sobra ko siyang minahal na pati sarili ko hindi ko na inisip"
"Anong plano mo ngayon hija?
"Nais ko pong lumayo,iyong hindi na kami magkikita pa kahit kailan"
"Susuportahan kita sa anumang disisyon mo hija"
"Thank you po Papa"
"This is the annulment form from Joshua"ani ng ama sabay binigay sa kanya.
Napalunok siya habang kinuha iyon mula sa kamay ng kanyang ama atsaka dahan dahan niyang nilabas mula sa envelope.Gusto niyang umiyak dahil sa nakita,pero inisip niyang dapat niya ng tanggapin na hanggang doon na lamang kung anumang meron sila ni Josh.She's happy kahit masakit sa puso niya,masaya siya sa bagong buhay ni Josh na wala siya sa buhay nito.Naramdaman niyang niyakap siya ng kanyang ama sabay hinagod ang kanyang likod.
"I'll always be here for you hija I am the only man who will never hurt you and I love you unconditionally,me your father"ani ng kanyang ama.
"P-Papa..."aniyang hindi kayang magsalita dahil masakit parin para sa kanya.
"I will take you far away from here Angel for you to live peacefully and to forget everything that makes you cry because I don't wanna see you crying hija"ani ng kanyang ama.
Nagpahid siya ng luha atsaka tumingin sa kanyang ama sabay marahan itong tumango.Pagkatapos nilang mag-usap ng ama ay nagpaalam din ito upang umuwi sa Mansion nila at aasikasuhin ng ama ang kakailanganin nila upang lumabas ng bansa na iyon ang gusto ng ama para sa kanya at pabor din naman sa kanya dahil gusto niyang makalimot,gusto niyang kalimutan si Josh at ang naging karanasan niya sa piling nito.At iyon ang dapat niyang gawin ang umalis sa bansa upang tuluyan ng makalimutan ang lalakeng sobra niyang minahal ngunit labis labis siyang sinaktan.
THREE YEARS LATER
HANGGANG sa mga araw na ito hindi pa rin tumigil sa kakahanap si Joshua kay Angeline,walang araw na hindi siya bumabalik sa Mansion ng Papa ng asawa kahit paulit ulit siyang ipagtabuyan ni Señor Martin.
"Paulit ulit kong sinasabi sayo Joshua na huwag ka ng pumunta dito,dahil wala kang mapapala sa akin!galit na wika ni Señor Martin.
"Hindi po ako naniniwala hanggang ngayon na wala pa kayong alam kung nasaan ang asawa ko Papa"
"Sinabi ko rin sayo noon na kung ako ang makahanap sa anak ko hinding hindi ko siya ihaharap sayo!
"Parang awa nyo na po Papa ilabas nyo na po ang asawa ko gustong gusto ko na siyang makita at makausap"
"Hindi ko pa siya nakikita at kung natagpuan ko man siya malamang may alam ka na ngayon"
"Papa please hirap na hirap na ako sobra sobra kong pinagsisisihan ang lahat ng ginawa ko,Papa bigyan mo ako ng pagkakataong maituwid ko ang aking pagkakamali at pagbayaran ko ang mga kasalanan ko sa asawa ko"
"Tigilan mo na ang kakahanap sa kanya Joshua hindi mo mahahanap ang taong pinagtataguan ka,iniwan ka na niya bilang asawa at iniwan niya narin ako bilang ama.Kung matagpuan ko siya magpapasalamat ako pero kung hindi masaya narin ako!
"Papa..."
"Umalis ka na!
"Papa please sabihin mo kung nasaan si Angeline!Papa sabihin mo kung nasaan ang asawa kooooo!!!sigaw niya sa biyenang tinalikuran siya nito.
"Kulas ilabas ang lalakeng yan sa pamamahay ko!utos nito sa hardenero.
Hinawakan siya ng hardenero sa braso at gustong palabasin pero pinalis niya ang kamay nito.
"Papa maawa kayo sa akin ibalik nyo na sa akin ang asawa ko parang awa nyo na pleaseeeee!!aniya parin dito.
"Wala akong alam Joshua kung gusto mo huwag kang tumigil sa paghahanap sa anak ko kung makita mo..iyo na siya kung matatanggap ka niya pero kung hindi ka niya matanggap akin ang anak ko!matigas na wika ni Señor Martin habang nakatalikod ito kay Joshua.
"Hinding hindi ako titigil sa paghahanap sa asawa ko Papa Martin at kung malaman kong may kinalaman kayo sa tuluyan niyang pagkawala haharapin ko kayo ng galit ko!!!asik ni Joshua saka mabilis ng umalis.
Napalunok si Señor Martin habang sinusundan ng tingin ang papalabas na manugang.
"Kung iyon ay malalaman mo Joshua!usal niya sa sarili.
NEVADA CARSON CITY USA
"Hon ikaw ba ang magsusundo kay Jonas sa school?tanong niya sa nobya.
Humigop muna ito ng kape bago sinagot ang nobyo"pwede ikaw na lang ngayon kasi ang grand launch ng art exhibit namin"
"Oh I see,it's okay no problem"ngiti niyang sagot.
"Thank you honey"
"Anything for my girl"
"So paano mauna na ako ha take care of yourself and Jonas"aniya sabay hinalikan sa labi ang nobyo.
"Yeah okay you too bye!sagot niya.
Nagmamadali na siyang maghanda upang sunduin sa school ang anak,ilang sandali pa ay tapos narin ito atsaka diretso na sa garage sumakay sa kotse at pinasibad na ito.Dahil malapit lang sa Condo nila kung saan nag aaral ang anak kaya madali lang siya nakarating.Naghintay pa muna ng ilang minuto at maya't maya ay namataan na niyang naglabasan na ang mga estudyante kaya umibis siya ng kotse atsaka tumayo lang doon,habang tinitingnan ang mga batang naglabasan mula sa loob.
"Daddy!malayo pa lamang ay tinawag na siya ng anak.
Kaya mabilis siyang naglakad upang salubungin ito atsaka kaagad binuhat at pinaghahalikan ang anak.
"My little boy I miss you baby!aniya sa anak.
"I miss you too Daddy"sagot ng anak saka hinalikan din siya sa magkabilang pisngi at niyakap ng mahigpit.
"How so sweet my little boy is,so where do you wanna go now huh?tanong niya habang karga ang anak at hunabakbang patungo sa kotse nila.
"Can we play in fun world Daddy with Mommy?ani ng anak.
Pinaupo muna niya ang anak sa front-seat atsaka sinuot ang seatbelt at gumawi sa driver seat.
"Baby Mommy is busy today so I don't think na makakasama natin siya"lingon niya sa anak.
"Hmm okay Daddy maybe next time if Mommy is not busy anymore"
"Don't be upset okay?
"Okay Daddy but buy me a lot of foods"natutuwang wika ng anak.
Ginulo niya naman ang buhok ng anak,mabubuhay talaga ito kung pagkain ang pag uusapan kaya sobrang taba ng anak,dahil kahit walang toys basta may pagkain ayos na dito.
"Sure anything for my fatty boy"kulit niya sa anak.
Napasimangot naman ito atsaka matalim ang titig nito sa kanya sabay nagsalubong ang kilay nito.
"Oh no! Sorry baby Daddy is just kidding okay?ngiti niyang wika.
Hindi ito sumagot at inirapan lang siya nito saka halukipkip tumingin sa labas ng bintana.God nagtatampo eh dahil ayaw talaga nitong tinatawag siya fatty hindi lang talaga niya mapigilan ang sariling tawagin ito ng ganon dahil nga sa sobrang taba nito at nakakagigil.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ

Alipin ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon