Chapter 8

5.5K 99 1
                                    

UMUWI si Luke sa hotel na hungkag ang pakiramdam,pagdating niya sa parking lot ay nakita niya ang kotse nila na palaging ginagamit ng driver kung may lakad ang kanyang ama.Meaning nandito ang kanyang ama?Mabilis siyang lumabas ng kotse at diretsong pumasok sa loob.Pagdating niya sa kanilang suite ay nag buzz ito at ilang sandali pa ay binuksan ito ni Ysa.Hindi niya alam ngunit pagtingin niya kay Ysa ay si Rhian kaya pinilig niya ang kanyang ulo upang iwaksi muna si Rhian at tumuloy na siya sa loob na walang salita.Nadatnan niyang nakaupo sa sofa ang kanyang ama habang umiinom ito ng juice at agad siya lumapit sa ama.
"What brought you here Dad?aniya sa ama.
Tumingin naman sa kanya ang Don kaya nag-iba siya ng tingin dahil ayaw niyang may mahalata ang kanyang ama.
"Where have you been?tanong ng Don.
Pinakiramdaman muna ang kilos ng ama kung may alam ba ito kung saan siya galing.
"Nag unwind lang Dad"mahina niyang sagot.
"I see"sagot naman ng ama at muling uminom ng juice.
"Ysabelle hija?tawag nito sa dalaga.
"Yes po Dad?sagot naman ni Ysa na nakaupo ito sa may dining area.
"Come sit with us"ani ng Don.
Lumapit naman ang dalaga at umupo sa kabilang pwesto.
"Hija nagpaalam ba si Luke sayo bago siya umalis kanina?tanong ng Don na bigla niyang ikinalingon sa dalaga.
Tumingin din naman ito sa kanya at nagbawi siya ng tingin na medyo kinabahan.Ng marinig niyang sumagot ang dalaga.
"Nagpaalam naman po Daddy"sagot ni Ysa.
Napalunok siya at hiniling na sana hindi na magtanong pa ang ama.Pero na wow mali yata siya dahil muli itong nagtanong.
"Saan daw siya pupunta?
"A-ah sinabi pong mag a-unwind lang"muling sagot ng dalaga at tiningnan niya ito.
"Siya lang mag-isa?bakit hindi ka sumama ayaw niya ba?muling tanong ng Don.
Napapikit na lang siya ng mga mata dahil sa daming tanong nito.
"Ahm no Dad hindi naman po sa ayaw ni Luke,napagod po kasi ako kaya minabuti kong hindi na sumama"ani ulit ng dalaga.
Naisip niya tuloy ganito ba kagaling magdahilan ang dalaga?well favor naman siya kung ganito ba ito palagi edi wala silang problema kay Ysa.Sa mga tauhan nalang ng ama siya may problema.
"So are you okay now hija?
"Yeah okay na po ako napagod lang po siguro ako kahapon"aniya sa ama"anyway Dad magtatagal ba kami dito?muli niyang tanong.
Nakikinig lang din siya sa dalawa at gusto niyang batukan ang dalaga kung bakit itatanong pa iyon.Saka niya naisip na may iniwan nga pala siyang note baka dahil doon kaya gusto na nitong umuwi kaya nilingon niya ang dalaga.Pero hindi ito tumingin sa kanya.
"Just for three days hija at makakauwi na kayo sa bahay"sagot ng ama.
Nakita niyang medyo nalungkot ang mukha ng dalaga kaya napangiti siya ng lihim.Sa isip niya buti nga sayo at magdusa ka sa loob ng tatlong araw na pananatili natin dito.Ng maya't maya ay nagpaalam na ang kanyang ama.
"I'll go ahead now dahil pupunta pa ako sa opisina"anang Don.
"Is Mommy there Dad?tanong niya sa ama.
"Nasa office ni Ysa ang Mommy niyo pero baka dadaan siya dito mamayang pag-uwi niya"ani ng Don.
"Okay Dad no problem"aniya sa ama at hinatid na sa pinto kasama ang dalaga.
Muli silang naiwang dalawa ni Ysa at wala itong salita kaya nagsalita siya.
"Why did you do that?tanong niya kay Ysa.
"Hindi ko alam,nasanay na siguro akong palagi kang pinagtatakpan kay Daddy"sagot ng dalaga sa kanya.
"Then stop doing that anymore Ysa dahil hindi mo na ako kapatid ngayon,asawa mo na ako and I don't need your help from now on!
"Anong gusto mong gawin ko ang sabihin kay Daddy ang totoo na hindi ka naman talaga nagpaalam?
"Excuse me? I told you na aalis ako didn't you heard that?
"Narinig ko,sinabi mo ngang aalis ka bakit alam ko ba kung saan ka pupunta di ba hindi?
"Do you expecting na sasabihin ko sayo kung saan man ako pupunta?ni sabihin nga sayong aalis ako nahihirapan na akong gawin yon dahil hindi ko obligasyong sabihin sayo ang lahat!asik ng binata.
"Pwes kung yan ang gusto mo sige pagbibigyan kita,sasagutin ko ng totoo kung magtanong sina Daddy at Mommy"sagot din ng dalaga.
Ngumisi siya dito at lumapit sa dalaga saka hinawakan sa leeg sabay tulak patungo sa dingding.
"Aarayy Luke ano ba!?ani ng dalaga sabay hawak sa kamay niyang nakapulupot sa leeg nito.
"If I were you Ysabelle much better narin kung ipagpatuloy mo nalang ang ginagawa mong pagtakpan ako sa mga taong umampon sayo otherwise mapipilitan akong saktan ka huh!?ani ni Luke na bahagya pang hinigpitan ang pagsakal sa kanya.
"Ukh..o-okay"sagot ng dalagang medyo namumula na ang mukha.
"Good"aniya saka binitawan na ito at tumungo sa bathroom.
Narinig pa niyang napapaubo ang dalaga pero wala siyang pakialam,magtiis siya kahit anong gusto niyang gawin dito.
Kinahapunan ay bisita nga nila ang Doña dahil pauwi na ito sa bahay at dumaan lang ito sa hotel.
"Hijo maayos lang ba kayo dito?hija wala ka naman bang problema maayos ba ang pakikitungo sayo ni Luke?sunod sunod na tanong ng ina.
Gusto tuloy mairita ni Luke dahil palaging si Ysa ang tinatanong nila kung okay ba ito kung maayos ba ito?Sino ba talaga ang ampon sa kanilang dalawa si Ysa o siya?dahil mas concern pa ang mga ito sa dalaga eh.
Sumagot naman ang dalaga habang nakatingin ito sa kanya kaya nagbawi siya ng tingin.
"Okay naman po ako dito Mommy atsaka maayos din po ang pakikitungo ni Luke,maayos po kami Mom don't worry"sagot niya sa inang medyo kinakabahan.
"Thanks God kung ganon"anang ina sa dalaga at nilingon siya"hijo you okay right?tanong ng ina sa kanya.
See?hindi pa nga siya nakasagot sasabihin ng right edi right na kung right kelan ba concern ang mga ito sa damdamin niya?
"Yeah I'm fine Mom"sagot niya sa ina.
Niyakap sila ng ina at siguro masaya para sa kanila ni Ysa,pwes siya hindi masaya at kailanman hindi siya magiging masaya sa sitwasyon nila ngayon.Hindi nagtagal nagpaalam narin ang ina upang umuwi na sa bahay at nagbilin lang na alagaan kuno ang isa't isa.Nungka naman niyang gagawin yon sa dalaga.
Pag-alis ng ina ay hinarap niya ang dalaga upang pagsabihan ito.
"Ysabelle I just want to remind you na huwag kang kampante dahil sayo naka focus ang mga magulang ko,gagawin ko parin kung anong gusto ko sayo at huwag kang magkakamaling magsabi o magsumbong sa kanila kundi tatamaan ka sa akin get it!?aniya sa dalaga.
Tinalukaran siya ng dalaga at hindi siya nito sinagot kaya hinawakan niya ito sa braso at marahas na pinaharap sa kanya.
"Luke ano ba!?wika niya dito.
"Huwag kang bastos Ysa huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!!singhal niya sa dalaga.
"Ano bang gusto mong sabihin ko?sinabi mong ikaw ang masusunod edi ikaw na kung ikaw"sagot ng dalaga.
"Sinasagot mo ako ng pabalang ha!?aniya sabay lalong hinigpitan ang paghawak sa braso nito.
"L-Luke okay na nagkakaintindihan na tayo"mahina niyang wika para lubayan na siya nito.
Pabalya siyang binitawan ni Luke at hinimas niya ang brasong nasaktan.Dumaan pa ang araw ganon parin ang trato sa kanya ng binata na singlamig ng yelo.
PAGKATAPOS ng tatlong araw nilang pananatili sa hotel ay umuwi na sila at tulad din ng naunang gabi nila sa hotel eh ganon parin ang sitwasyon nila.Natutulog siya sa carpet na may maliit na kumot,pinagsisilbihan ang binata at inaayos ang higaan nito,palagi siyang mag-isa sa suite kapag araw dahil madalas lumalabas ang binata.
Kaagad sila sinalubong ng kanilang mga magulang na abot langit ang ngiti sa mga labi nila.
"Welcome back mga anak!masayang wika ng Doña sabay yakap sa kanila.
"Tayo na sa loob Ysa,Luke"ani naman ng Don.
Sabay sabay silang pumasok sa loob ng bahay at kasunod ang mga katulong na bitbit ang kanilang mga gamit.
Umupo sila sa sofa pero nagpaalam ang dalaga na papasok muna sa kwarto niya at pumayag naman sila.
"Yaya Marie pakikuha nga po ng malamig na tubig"utos ng binata sa yaya.
"Okay hijo"anang yaya at humakbang na.
"What do you have in your mind Luke?tanong ng Don.
"About what Dad?ganting tanong niya habang nakatuon ang mata sa TV.
"Haven't planning about your trip yet?
"Dad I guess we don't need to go for the trip isn't necessary anyway"sagot niya sa ama.
"Hijo it's very important especially for a newly wed like you and Ysa"sagot naman ng ina.
"I don't find anything important about it Mom"aniya sabay kuha ng baso ng tubig na inabot ng yaya.
"Luke mahalaga yon para sa ikaliligaya ng asawa mo come on make up your mind"ani naman ng ama.
Napapikit nalang siya ng mariin dahil ayaw niyang makipagtalo pa sa mga magulang.
"Okay fine,kayo na po ang bahala kung saan nyo kami gustong itapon"aniya sabay tumayo ito.
"What did you say Lucas!?medyo mataas ang boses ng ama kaya naalarma siya.
"I meant Dad kayo na ang bahala kung saan kami mag honeymoon trip ng asawa ko"aniya sa ama.
Dahilan sa napangiti ang kanyang mga magulang kaya nagpaalam siya na papasok sa kanyang kwarto.
"I'm going to my room now"aniya sa mga magulang.
"Okay sasabihin ko nalang sa mga katulong na ilipat ang mga gamit ni Ysa sa kwarto mo hijo"sabi ng ina.
"Mom please not today baka pwede after ng trip namin?this time hayaan nyo muna ang mga gamit ni Ysa sa kwarto niya is it okay Mom,Dad?
Nagkatinginan naman ang mag-asawa saka tumingin sa kanya"sige kung iyan ang gusto mo hijo no problem"sagot ng ina niya.
"It's okay Luke"sagot din ng kanyang ama.
Saka siya nakahinga ng maluwag dahil may iba siyang plano para sa kanila ni Ysa at natitiyak niyang papayag ang kanyang mga magulang so in that case walang makakahadlang sa kanya sa gusto niyang gawin sa asawa niya kuno.Wife my ass!
Ngumiti siya sa kanyang mga magulang saka tumalikod na kasabay ng mala demonyong ngiti sa labi niya habang tinitingnan ang pintuan ng kwarto ng dalaga at humakbang na papunta sa kanyang sariling kwarto.
Sa silid naman ni Ysa ay saglit lang siyang nag half-bath at nagmamadaling magsuot ng damit saka humiga sa kama niya,how she really miss her bed.At hindi niya namalayang nakatulog pala siya dahil feeling niya ang sarap sa katawan ang muling makatulog sa maayos na higaan.
Habang ang binata naman ay nagmamadaling maligo dahil balak niyang lumabas ngayong araw,ilang sandali pa ay nakapag bihis na siya at lumabas na sa kanyang kwarto.
Nakita niya ang kanyang inang nakaupo sa sofa habang nanonood ito ng TV at kaagad siyang tinanong kung saan siya pupunta.
"Where are you going son?tanong ng ina.
"Mom lalabas lang po ako for a while"sagot niya habang hinanap ng mata niya ang ama.
"Hindi sasama si Ysa?
"Mom it's not a couple outing I need to do something for our nearly trip"aniya sabay ngiti sa ina.
Nakumbinsi naman siguro niya ang ina dahil ngumiti ito sa kanya"okay hijo no problem"anang ina.
"Uhm Mom nasaan po si Daddy?tanong niya.
"Nasa office niya sa taas hijo,do you need your Dad?
"Ah no Mom,okay I have to go"aniya sa ina sabay halik sa pisngi nito.
"Okay take care"pahabol ng ina.
Kumaway lang siya at tuluyan ng lumabas saka diretso sa kotse niya at mabilis na pinasibad palabas ng kanilang gate.Muli siyang nagtungo sa lugar ni Rhian at hindi muna umibis ng kotse habang tinitingnan ang daang patungo sa bahay ng dalaga.Actually this is his third times na pumunta rito pagkatapos niyang makasal pero hindi siya nagpapakita dahil malinaw ang usapan nilang hindi pa sila pwede sa ngayon.Pero heto siya ulit nandito parin at ngayon gusto niyang magpakita sa dalaga dahil pakiramdam niya gustong gusto niya na itong makita dahil miss na miss niya na ito kaya nag decide siyang umibis ng kotse saka naglakad papunta sa bahay ni Rhian.
Kumatok siya sa pintuan ng bahay ng dalaga,ngunit maka ilang pagkatok ang ginawa niya wala paring nagbukas ng pinto.Ng may nagsalita sa likuran niya kaya nilingon niya ito.
"Sino po ang hinahanap ninyo Sir?tanong ng babae sa kanya.
"Ahm yung may-ari po ng bahay sana"
"Ah wala na po sila dyan Sir umalis na po kahapon pa"sagot ng babae.
"What!??wait...ahm saan sila pumunta alam ninyo po ba?
"Hindi ko po alam Sir"sagot ulit ng babae at akmang aalis ito pero pinigilan niya.
"Sandali lang po,hindi na po ba sila babalik dito?tanong niya ulit.
"Malamang hindi na po Sir kasi dala na nilang lahat ang mga gamit nila,sige po Sir mauna na ako"paalam ng babae.
Naiwan siyang natulala dahil hindi nita inaasahang malaman na wala na dito ang dalaga.At kung bakit umalis ang mga ito iyon ang hindi niya alam pero isang tao ang pwede niyang tanungin dahil natitiyak niyang may kinalaman ito sa pag alis ng dalaga at ang ina nito.Kaya mabilis siyang bumalik sa kotse at agad sumakay saka pinasibad ulit ang kotse pauwi sa bahay nila dahil gusto niyang makausap ang kanyang ama.
"Damn it!!damnnnn iiittt!!!mura niya habang pinaghahampas ang manibela.
Hindi nagtagal ay dumating na siya sa kanilang bahay ngunit wala sa living room ang mga magulang niya at nakita niya ang katulong.
"Yaya Lorna nasaan po si Daddy at Mommy?
"Nasa silid po ni Ma'am Ysa ang Mommy nyo at nasa office niya po ang Daddy nyo Sir"sagot ng katulong.
Mabilis siyang umakyat patungo sa office ng kanyang ama at kaagad siyang pumasok na hindi na nagawang kumatok.
"Dad!?kaagad niyang tawag sa ama.
"At talagang pati respeto ay nawalan ka na rin ng dahil sa babaeng yan Lucas?agad ding tanong ng kanyang amang nakaupo sa swivel chair nito.
Lumapit siya sa mesa ng ama at itinukod ang magkabila niyang kamay sa ibabaw ng mesa saka tiningnan ang amang tumingin din sa kanya.
"Where is she Dad?tanong niya dito.
Tumayo ang kanyang ama saka buong lakas siya nitong sinampal.Napabaling ang kanyang mukha dahil sa sampal.
"How dare you seeing that woman kahit kasal ka na!!may asawa ka na Lucas kaya dapat hindi ka ng makipagkita sa mga babae mo!!!singhal ng kanyang ama.
"Kay Rhian lang ako nakikipagkita Dad because I love her at siya lang ang babaeng minahal ko sa buong buhay ko!sagot niya sa ama.
"Sinabihan na kita dati pa na kalimutan mo na siya dahil hindi siya ang gusto ko para sayo at ngayon kailangan mong tanggapin na si Ysa ang asawa mo!!muling wika ng kanyang ama.
"May kinalaman ba kayo Dad kaya sila umalis?tanong niya sa ama.
"Kung ginagawa mo ang lahat para makipagkita sa kanya kahit may asawa ka ng tao,gagawin ko rin ang lahat para ilayo ka sa kanya!ani ng ama saka lumabas na ito.
Napapikit siya ng mata dahil sadyang naguguluhan siya kung bakit ito ginagawa ng kanyang ama.Mahirap bang intindihin ng kanyang mga magulang ang nararamdaman niya?bakit pakiramdam niya makasarili sila?Iba ang gusto niyang babae pero ibang babae ang ipinakasal sa kanya.Does it make any sense?No!Saka niya namalayang tumulo na pala ang kanyang luha at hindi niya alam kung kanino siya maaawa,sa sarili niya o sa babaeng pilit inilalayo sa kanya o kay Ysa na isang ring biktima?Pagsagi ni Ysa sa kanyang isip ay bigla na naman siyang nakaramdam ng galit para dito.
Pagsapit ng hapunan ay sabay sabay silang kumain,wala silang kibuan ni Ysa habang ang kanyang ama naman malamang inoobserbahan lang sila kaya para hindi ito mag isip ng kung ano ano ay bigla niyang hinawakan ang kamay ng dalaga na siguro kinagulat nito.
"Babe nasabi naba sayo ni Mommy about sa honeymoon trip natin?masaya niyang tanong sa dalaga.
"H-ha?ahm.."
Marahan niyang sinipa ang paa ng dalaga sa ilalim ng mesa.
"Ah hindi pa naman"sagot ni Ysa na naguguluhan siya.
"By the way hijo sinadya kong hindi sabihin kay Ysa surpresahin ko sana pero nabanggit mo narin kaya ikaw na ang magsabi"ani ng kanyang ina.
"Yeah sure,babe may trip tayo this week so prepare yourself okay?malambing niyang wika sa dalaga sabay hinalikan ito sa ulo.
"O-okay"mahina niyang sagot na nakatingin sa mga magulang.
Tahimik lang din ang kanilang ama at kumain lang ito habang nakikinig sa usapan nila.Pagkatapos nilang kumain ay tumungo na silang dalawa ni Ysa sa silid niya at naiwan ang kanilang mga magulang sa living room maaaring manonood muna ang mga ito bago papasok sa sarili nilang kwarto.
Pagkapasok na pagkapasok nila sa silid ay agad sinara ang pinto kasabay ng pag lock nito at binalingan ang dalagang nakatayo lamang.
"Don't think about it Ysa it's just a part of my drama"aniya sa dalaga.
"Pati yung tungkol sa trip?
"Bakit excited ka?eh di mag trip kang mag isa!sagot ng binata at umupo ito sa may computer at ini-on ito.
Nakatayo lang din siya ng lumingon ang binata sa kanya"bakit hindi ka pa kumilos?magpalit ka na ng damit kung gusto mo at matulog ka dyan sa baba"utos ng binata.
"Kukuha lang ako ng damit sa kwarto ko"ani ng dalaga.
Tumayo siya sabay nagsalita"No! No need,yung shirt ko nalang ang susuutin mo"anang binata at tumungo sa drawer nito sabay kumuha ng damit at binigay sa kanya.
"Ano to?tanong niya.
"Bulag ka ba?sympre damit yan,sige na magbihis ka at matulog ka na dahil ayokong mag ingay ka"anang binata sabay bumalik sa may computer.
Sumunod na lang siya at tumungo sa bathroom ng binata at doon nagbihis ng damit,ilang sandali pa ay lumabas na siya dahil malaki naman ang damit sa kanya kaya hindi siya makikitaan ni Luke.Saka humiga na siya sa lapag may carpet naman at may unan din saka kumot kaya ayos na siya dito.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ

Alipin ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon