Chapter 46

2.5K 53 2
                                    

PAGKATAPOS siya i-check ng nurse lumabas narin ito ulit at muli silang naiwan ng lalake.
"So you okay now where do I send you now?and may I know your name?tanong ulit ni Stefen.
"I'm Ange--Anne Reyes"pagpapakilala niya sa lalakeng Stefen ang pangalan.
"Oh I see nice name!Glad to meet you Anne"aniya sabay lahad ng kamay.
Inabot niya naman iyon at bahagyang ngumiti sa lalake.
"So where do I send you?I meant your home?
Napalunok siya at hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa lalakeng kaharap.Tumingin siya dito at parang inaarok kung mabait o mapagkatiwalaan ba itong tao.Sa tingin niya mukhang mabait at desenteng tao atsaka maayos pang pomorma atsaka the way magsalita parang hindi alanganing tao lamang.
"Huwag kang matakot you can trust me Anne"muli nitong wika.
"Ikaw ba ang tumulong sa akin?tanong niya.
"Uh-huh! It was heavy rain and suddenly you fainted kaya lumabas ako sa kotse at tinulungan kita,what happened anyway?
Napabuntong hininga siya at tumingin sa kawalan,iyong pakiramdam niyang gusto niya na talagang ilabas lahat lahat ng naka ipon sa kanyang dibdib para hindi na siya mahirapan.Pero nag alanganin parin niyang magtiwala sa lalake dahil hindi niya pa ito lubusang kilala.
"Takot kasi ako sa kulog at kidlat"aniya dito.
Na iyon naman talaga ang totoo,simula pagkabata iyon na ang natatandaan niyang kinatatakutan niya ang makarinig ng kulog at kidlat.At nadala niya hanggang sa lumaki siya,wala naman daw dahilan basta iyon natatakot siya sa tuwing makarinig ng ingay na nagmumula sa langit.
"Oh I'm sorry to heard that it's kinda weird pero baka may iilang tao sigurong ganyan"
Tipid siyang ngumiti sa lalake at medyo gumagaan narin ang loob niya habang kinakausap niya ito.
"Hindi mo pa nga pala sinabi kung saan kita dapat ihatid?kulit parin nito.
"Wala na akong pamilyang uuwian"pagsisinungaling niya.
Nakita niyang nagulat ang lalake kaya nag iwas siya ng tingin baka mahalata niyong nagsisinungaling siya.
"Again I'm sorry,so saan ka pupunta ngayon?
"Bahala na"maikli niyang sagot.
"No!wait...you can come with me if you want?
"Ha?bigla niyang wika.
"No I meant isasama kita sa bahay pansamantala then kung alam mo na kung saan ka pupunta then you can go anytime"
"Ano pala ang trabaho mo?
"Doctor!
"What!??gulat niyang tanong.
"Why?
"A-ah wala nabigla lang"
Ngumiti naman ito sa kanya sabay nagsalita ulit"so are you coming with me?
"Ayos lang ba sayo?
"Yeah sure"
"Pero paano ang bill dito wala pala akong pera"
"It's okay I paid it already"
"Agad agad?tanong niya ulit.
"Yeah why not?
Parang may mali dito ah anang kanyang isip,hindi kaya...
"Ikaw ba ang may-ari ng hospital na to?hindi niya napigilang magtanong.
"Ang Mama ko ang may-ari nagtrabaho lang ako dito"ngiting wika ni Stefen.
Wow!napaka humble naman nito eh pareho din kaya yon ito din ang may-ari ng hospital.Napangiti naman siya bigla.
"Pareho din yon ikaw din ang may-ari"
"Okay whatever!so kaya mo na ba ang sarili mo?
"Yeah kaya ko na"
"So let's go home"ngiting wika ni Stefen saka inalalayan siya nito.
Bigla tuloy niya naisip si Josh kung paano siya nito alalayan noong magkaibigan pa sila at hindi mag asawa,kaya agad niyang nahila ng marahas ang kanyang kamay na hawak ni Stefen.
"Why?
"Ahm w-wala"mahina niyang sagot.
"Sorry kung nangahas akong hawa..."
"No Stefen ayos lang yon,ikaw nga ang tumulong sa akin,and thank you pala sa pagtulong mo"
"It's okay no problem"
Hinayaan niya ng alalayan siya ni Stefen palabas ng ward at tumungo sila sa kotse nito,pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse at hindi niya alam kung bakit palaging sumisingit sa eksena si Josh.Kaya hindi niya tuloy maiwasang matulala,hanggang kailan niya makakalimutan ang binata?Iniwan niya upang kalimutan na ito pero parang kasama yata naiwan ang kanyang puso kay Joshua.
Tahimik siyang nakaupo sa unahan ng kotse at nakatingin sa labas habang nagmamaneho si Stefen.Hindi rin siya nito kinausap bagay na iyon ang gusto niya dahil ayaw niyang makipag usap kahit kanino.Alam din niyang malayo ang lugar na ito kung saan siya nagmula sa isip niya malayo pala ang napuntahan niya sa kakatakbo nung gabing yon.Muli ay napabuntong hininga siya at muling naglandas ang luha mula sa kanyang mga mata,naramdaman niyang may tumapik sa balikat niya at paglingon niya inabutan siya ni Stefen ng tissue.Nahihiya man siyang kunin iyon ay wala na siyang nagawa at bigla na lang siya napa hagulgol ng iyak na kanina ay pilit niyang tinago upang hindi makita ni Stefen pero hindi niya na kaya eh sumabog na talaga siya sa sobrang bigat ng dibdib niya.
"It's okay to cry Anne keep crying hanggang sa gumaan na ang dibdib mo"ani ni Stefen sa kanya.
Totoo ba yon na nakakagaan ng dibdib kung iiyak ka?pero bakit siya hindi?Halos araw araw siya umiyak sa piling ni Josh pero bakit lalong nagpapabigat sa kanyang dibdib?Kahit anong iyak niya upang maibsan ang bigat ng dinadala niya,nandon parin..nararamd
aman parin niya ang bigat ng dibdib niya.O baka siguro marami siyang gusto sabihin na hindi niya nasasabi kahit kanino?marami siyang hinanakit na hindi niya nailalabas,marami siyang sama ng loob na hindi niya nasasabi kahit kanino dahil wala siyang makausap at mapagsabihan.Ganon siguro kaya hindi sapat ang pagluha niya upang maibsan ang bigat na dala dala niya.
Namalayan niyang huminto sila sa harap ng malaking bahay at lumingon siya kay Stefen na tila tinatanong niya ito,mukhang nakukuha naman ni Stefen ang tingin niyang iyon kaya nagsalita ito.
"This is our home Anne"
"With your wife?
Napatawa naman ito sabay umiling atsaka ito nagsalita"mukha na ba akong may asawa?
Napahiya naman siya dun kaya nagyuko siya ng ulo"I'm sorry"aniya dito.
"It's okay...kasama ko ang Papa at Mama ko"
"Wala kang kapatid?
"Nope!
Natuwa naman siya sa isiping wala din itong kapatid katulad niya pati si Josh..God si Josh na naman! Bakit hindi niya mawaglit sa isip niya si Josh?She want to forget him but Josh keep popping on her mind everytime.
"So let's go inside"untag ni Stefen.
Tumango lamang siya at nagpaubaya ng alalayan siyang muli ni Stefen at sabay silang pumasok sa loob ng malaking bahay.
PAUWI na si Luke galing sa opisina ng may mamataan siyang maraming taong nagkukumpulan sa gilid ng kalsada,ewan niya pero parang may nagsasabi sa isip niyang puntahan ito upang alamin kung anong nangyayari.Kaya nag park siya sa gilid ng kalsada saka bumaba ng kotse upang alamin ang nangyari.Habang palapit siya ng palapit patindi naman ng patindi ang kabang nararamdaman niya dahil parang pamilyar sa kanya ang taong nakahandusay at duguan.Gayon na lamang ang pagka gulat niya ng makilala ito na walang iba kundi ang kaibigan niyang si Joshua.
"Josh!?Joshua!?tawag niya sabay dinaluhan ang kaibigan.
Inangat niya ang ulo ni Josh sabay tinapik tapik ang mukha nitong puno ng dugo.
"Josh?Oh my God Joshua what happened!??tanong niya kahit alam niyang hindi siya masasagot ng kaibigan sabay tumingin sa mga taong naroon.
"Nasagasaan po siya ng kotse Sir at hindi po huminto yung nakabangga sa kanya"anang isang babae.
"Damn it!!mura niya sabay binuhat kaagad ang kaibigan at mabilis tumungo sa kanyang kotse.
Gusto niya ng liparin ang kalsada upang marating lamang agad ang hospital,nag aalala siya para kay Josh dahil sobrang namumutla na ito at sobrang dami ng dugo ang nawala dito at hanggang ngayon patuloy parin nagdudugo ang sugat sa ulo nito at maraming galos sa mukha at kamay ni Josh.
"God!please save my friend"usal niya.
Agad inasikaso ng mga nurses si Josh pagpasok pa lamang nila at diretso ito sa ER.Naiwan siya sa labas sabay napahilamos ng mukha at hindi na alintana ang dugo sa kanyang damit.
Tinawagan niya ang number ng Villa ng kaibigan upang ipaalam sa asawa nito ang nangyari kay Josh pero makailang tawag na siya walang sumasagot.
"Damn!!what happened!??mura niya at tinawagan ang number ng Grand House ng kaibigan.
"Yes po?sagot ng katulong.
"Yaya Sema where's Angeline?Tito Rolando and Tita Alison where are they?come on tell me!aniya dito.
"Sir out of town po ang mag asawa at si Ma'am Angeline malamang nasa Villa nila ni Sir Joshua"sagot ng katulong.
"Oh my Goodness!!out of town sina Tito and Tita?at walang sumasagot sa Villa nila Angeline"
"Opo,at hindi ko po Alam Sir kung bakit walang sumasagot sa Villa"
"Kailan babalik ang mag asawa?
"Bukas pa po ang balik nila Sir"
"Okay thank you"aniyang pinatay na ang tawag.
"What happened?bakit wala si Angeline sa Villa?aniyang nag aalala na para sa kaibigan at para sa asawa nito.
Hindi naman niya maiwan ngayon dito dahil gusto niyang malaman ang kalagayan ni Josh.Kaya naisip niyang tawagan si Brix upang sabihin dito na puntahan ang asawa ni Josh sa Villa nila.Hindi rin kasi niya alam ang number ng bahay ni Angeline kaya hindi niya matawagan.
"Yes dude?sagot ni Brix.
"Dude please do me a favor puntahan mo si Angeline sa Villa nila ngayon na"agad niyang wika.
"Wait..why?
"Come on dude mamaya ko na sasabihin just please check her asap"aniya dahil kinutuban siya ng masama na maaaring nag away ang dalawa.
"Okay..okay..I'm going now"anang kaibigan.
"Thanks dude"aniya sabay pinatay ang tawag.
Napapabuntong hininga siya sabay tumingin sa ER at muling napahilamos ng mukha.Hindi niya alam kung ilang oras matatapos ang mga nurses at doctor.Kaya tinawagan niya ang kanyang asawa para sabihin dito na baka matagalan siyang umuwi.At ayaw pa muna niyang sabihin kung anong nangyari kay Joshua.
"Yes baby?sagot ni Ysa sa kabilang linya.
"Baby I'm coming home late okay?
"Why may overtime ka ba?
"Uhm kinda like that baby"
"Okay baby no problem,just take care okay?
"Yeah okay I love you baby and give my kiss to baby Luke"
"I love you too baby..okay I will..bye"anang kanyang asawa.
Sabay pinindot na nito ang end button,at dahan dahang napapaupo sa bangko.Nag aalala siya sa kalagayan ni Josh at sa asawa nito na hindi niya alam kung nasaan ito ngayon.Huwag sana tama ang kanyang hinala na baka naglayas si Angeline at hinahanap ito ni Josh dahilan sa naaksidente ito.Bigla siyang nakaramdam ng galit para sa asawa ni Josh kung totoo man yon huwag na huwag itong magpapakita sa kanya habang nasa panganib pa ang kanyang kaibigan kundi baka hindi nito magustuhan ang kanyang gagawin.Naikuyom niya ang kanya kamao saka nginatngat niya ang kanyang sariling ngipin.Pero...natigilan din siya sa isiping...anong dahilan? Marahas siyang napabuga ng hangin dahil kailangan din pala nila malaman kung anong totoong dahilan o nangyari.
Ilang sandali pa ay tumunog ang kanyang cellphone at si Brix ang tumawag.
"Yes?sagot niya.
"Dude no one in the Villa and I found something"pagba
balita ni Brix.
Kaagad siyang napatayo at sobrang kabog ng kanyang dibdib dahil sumagi sa isip niya hindi kaya pinasok ng masasamang tao ang Villa at may masamang nangyari kay Angeline?No God please!
"W-what is it?nautal niyang tanong.
"Where are you Luke we need to talk and we need to find Joshua asap"ani ni Brix.
"I'm here in the hospital please come over"aniya sa kaibigan.
"Which hospital and why are you there?
"Saint Simon hospital,come over and you will know"aniya sabay patay ng tawag.
Pagkatapos nilang mag-usap ni Brix siya namang paglabas ng Doctor galing sa ER kaya agad niya itong tinanong.
"Doc kumusta po ang pasyente?
"He is in unstable condition as of now,dahil sa tinamo niyang sugat sa ulo he's not responding yet"
"Makakaligtas ba siya Doc?
"We will pray for that hijo,dahil masama ang tama sa kanyang ulo at hindi natin alam kung hanggang kailan siya magkakamalay"
"Doc please do everything you can to save my friend"
"No worries hijo we will do our best"
"Thank you Doc"
Tumango at tinapik lamang siya ng Doctor at umalis na ito,sinilip niya si Josh sa loob naka oxygen ito at balot ng benda ang ulo.Naaawa siya sa sinapit ni Josh ng biglang may tumapik sa kanyang balikat,paglingon niya si Brix ang nakita niya at nakatingin din ito kay Joshua.
"Sad!very very sad at kung bakit nangyayari ito kasalanan din ni Joshua"wika ni Brix.
Biglang nagpanting ang kanyang tainga kaya kaagad niyang kinuwelyuhan si Brix sabay isinandal niya ito sa dingding.
"How dare you saying those words Brix!!!!gigil niyang wika.
Hindi sumagot si Brix at binigay sa kanya ang hawak nitong envelope atsaka sulat sabay inalis nito ang kanyang kamay na nakahawak sa kwelyo ng damit ni Brix.
Dahan dahan niya iyong kinuha sabay tumingin kay Brix at nagsalita ito.
"Read it Luke para malaman mo kung anong katarantaduhan ang pinag gagawa ng kaibigan mo sa sarili niyang asawa!ani ni Brix sabay nag martsa palabas ng hospital na wala itong pakialam sa kaibigan nila.
Napalunok siya habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Brix at ng mawala na ito sa paningin niya saka niya binuksan ang sulat na si Angeline ang gumawa.Marahas siyang napabuga ng hininga pagkatapos niyang mabasa ang sulat ni Angeline na puno ng pighati at pagdurusa sa bawat salitang sinusulat nito para sa asawa nitong si Josh.Ramdam na ramdam niya ang sakit sa bawat katagang sinusulat nito.Ang pobreng babaeng nanglilimos ng pagmamahal sa sarili nitong asawa,ang babaeng nagsasakripisyo ng matagal makuha lamang ang puso ng lalakeng minamahal nito.Hindi man niya alam ang puno't dulo kung bakit nakasal ang dalawa maliban sa aksidente lamang ang lahat pero nagugunita niyang maaaring pinikot ni Angeline si Josh upang makasal sila.Nagawa niya yon dahil sa pagmamahal nito kay Joshua.At pilit pinagtulakan ni Josh ang asawa dahil sa totoong nangyari sa kanila at malamang hindi nito matanggap na pinikot lang siya ni Angeline,kaya sinasaktan niya ito.Pride! Ngayon niya naisip na mas mataas pa nga pala sa Eiffel Tower ang Pride ni Joshua.Damn that Goddamn Pride...anang isip niya.
Ayaw niyang iwan si Joshua sa ganitong kalagayan,at alam niyang walang pakialam si Brix sa kaibigan nila at iyon talaga ang pinakaayaw ni Brix ang manakit ng damdamin ng babae.Marahas siyang napabuga ng hininga ng maalalang ginulpi din siya ni Brix noon dahil sa ginawa niya kay Ysa at malamang kung wala sa loob ng ER si Joshua makakatikim din ito kay Brix dahil nakikita niya ang galit sa mga mata nito kanina.Muli siyang lumingon at pinagmamasdan si Joshua mas nangingibabaw ngayon ang awa kesa sa galit niya kay Josh dahil sa kalagayan nito.Dahil ganon pa man naiintindihan niya ang side ni Josh masakit talaga yung bigla ka na lang ikakasal na hindi ka nag proposed sa babae.Nagyuko siya ng ulo dahil ayaw niya ng maalala kung saan din sila nagsimula ng kanyang asawa,kinalimutan niya na yon dahil mahal na mahal na niya si Ysa.At nagpapasalamat pa nga siya sa kanilang ama na kinasal sila ni Ysa dahil ito lang pala ang babaeng magpapaligaya sa kanya.
"I've told you at your wedding day don't be too harsh to her but you didn't listen at all"usal niya sa sarili.
Dahil inisip niya malamang mahal din ni Joshua si Angeline dahil hindi nito pinirmahan ang annulment form na iniwan ni Angeline dito.Ilang sandali pa ay nilipat na sa ward si Joshua at sumunod siya dito.
Maya maya narinig niya ang tunog ng kanyang cellphone kaya kinuha niya mula sa bulsa at si Ysa ang tumawag.
"Yes baby?sagot niya agad.
"Baby it's almost midnight wala ka pa rin sa bahay"nag aalalang wika ng kanyang asawa.
"Baby nandito ako sa hospital na aksidente si Josh at kailangan ko siyang samahan dahil nag out of town sina Tita at Tito at wala siyang kasama"
"What!??na aksidente?okay lang ba siya maayos lang ba?teka nasaan si Angeline?sunod sunod na tanong ni Ysa.
"Unstable pa ang lagay niya ngayon and baby...Angeline is gone"
"Whaaattt!??wait what's wrong?baby I don't understand"
"I'll tell you when I get back home baby so for now take a nap don't wait for me okay?
"No Luke baby please tell me which hospital are you right now?Gusto kong makita si Josh"
"Baby you can come tomorrow"
"No I want now right now come on tell me"
Wala na siyang magawa dahil alam niyang magpupumilit parin ang asawa na pupunta dito kaya sinabi niya na.
Ilang minutong lumipas humahangos na ngang dumating si Ysa at sinalubong niya ito saka hinalikan sa labi.
"How is he baby?tanong niya sabay tiningnan si Josh.
"Hindi parin nagkamalay"sagot niya at pinaupo ang asawa saka tinabihan.
"What about Angeline you told me earlier?
Binigay niya ang sulat ni Angeline kay Ysa at inabot naman nito saka tahimik nitong binasa ang sulat.Narinig niya ang paghikbi ni Ysa kaya hinagod niya ito sa likod hanggang saka tuluyan ng nga itong umiyak at niyakap niya ang asawa.Babae nga talaga ang bilis umiyak.
"A-all those time she sacrifice a lot begging for Joshua to love her back?
"Probably yes baby"
"Yes she did!Oh my God! I can't believed na magagawa ni Joshua yon!Angeline is so nice to be treated that way she don't deserved it at all Luke!
Ewan niya pero parang nakikita niya ang kanyang sarili kay Angeline at masakit yon ramdam na ramdam niya ang pinagdaanan ni Angeline sa kamay ni Josh base sa sulat nito and it's really breaks her heart.Dahil ramdam niyang mas mahirap siguro ang pinagdadaanan ni Angeline kesa sa kanya.Poor Angeline nagmahal sa maling tao.
"I'm sorry baby"ani ni Luke.
Bigla naman siya napatingin sa asawa at inisip niya marahil nababasa ni Luke kung anong nasa isip niya ngayon,hinaplos niya ito sa mukha at ngumiti dahil kahit nahirapan siya noon kay Luke kinalimutan niya na yon dahil sobrang mahal na mahal siya ng asawa.
"I'm okay baby,I'm sorry"aniya dito sabay dinampian ng halik sa labi ang asawa.
Nagpasya silang doon matulog sa hospital upang hintayin magising si Joshua.Nakatulog ang asawa sa bangko at nakaunan ito sa kanyang hita habang hinimas himas niya ang braso nito dahil gustong gusto iyon ni Ysa.Nakaupo lang din siya at hindi natutulog at isinandal lang ang ulo sa headrest ng bangko.Hanggang sa nag umaga na dilat na dilat parin siya dahil maraming katanungan ang pumapasok sa kanyang isip tungkol kina Joshua at Angeline.
Ng bigla niyang nakitang kumilos si Joshua kaya agad niyang ginising si Ysa.
"Baby?aniya sabay mahinang tinapik tapik ang pisngi ni Ysa.
"Uhmm"ungol ni Ysa na feeling nito nasa kama lang.
"Baby wake up nagkamalay na si Josh"
Bigla naman bumangon si Ysa at nakita nga niyang dahan dahang bumangon si Josh kaya kaagad ito pinuntahan ni Luke.
"Josh you alright?tanong niya sa kaibigan.
"M-my wife..I need...to find...my wife...Angeline"putol putol nitong wika sabay bumaba.
Pero alam ni Luke mahina pa ito kaya inalalayan niya si Josh.Kahit nagpupumiglas itong hawakan niya.
"Josh you're still weak come on have some rest"
"Noooo!!!sigaw ni Josh habang pilit tinulak si Luke dahil mahina siya kaya hindi niya matinag si Luke.
"I need my wife!! I want to find my wife Angeliiiineeee!!!sigaw muli ni Josh at biglang bumagsak sa sahig.
"My God!sambit ni Ysa sabay tinulungan si Luke buhatin si Joshua.
"Baby call a Doctor now please"ani ni Luke.
"O-okay"sagot niyang ninerbiyos dahil sa nakita at mabilis lumabas ng ward upang tawagin ang Doctor.
Ilang sandali pa ay humahangos na ang Doctor at dalawang nurse pumasok sa ward.
"What's going on?tanong agad ng Doctor habang sinuri nito ang pasyente.
"Doc bigla po siyang nagising at bumangon saka bumagsak bigla"sagot ni Luke.
"Did he say anything?
Nagkatinginan sila ni Ysa saka tumingin siya sa Doctor.
"He wanted to find his wife"
"He wasn't awake yet..his body still unstable but his mind didn't stop thinking about something or someone important to him"anang doctor.
Muli silang nagkatinginan ni Ysa sabay napahawak si Ysa sa kamay niya at parang nanginginig.Kaya hinawakan niya iyon saying it's alright.
"What do you mean Doc?tanong niya.
"I can say na malamang bago nangyari ang aksidente sobrang naka focus ang kanyang isip sa isang bagay hanggang sa nangyari ang aksidente iyon parin ang laman ng kanyang isip at hindi na ininda ng kanyang katawan ang sakit dahil mas gumagana ang kanyang isip during that time"
"And what happened now is not actually his body moving?
"No isip niya na ang nagdala at hindi ang katawan niya,he is very weak para kumilos,but because he wanted to do what his mind tells kaya nagagawa niyang kumilos"
Naisip niya kaya pala para itong lantang gulay at kahit nagpupumiglas ito parang hangin lang.Sa isip niya sobra nga siguro nitong inisip ang pagkawala ng asawa nito.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ

Alipin ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon