NAGULAT din si Aling Ofelia pagkakita kay Veronica ang kanyang pinsan na tinakasan niya.Pero kay Eliza hindi na siya magugulat dahil inaasahan niya ng magkrus at magkrus muli ang landas nilang dalawa dahil sa mga anak nilang magkakaibigan at may ugnayan kumbaga hinintay na lamang niya ang takdang panahong mangyari ngang magkatagpo silang muli at marahil ito na iyon.Pero sa pinsan niya wala siyang kaalam alam na nandito na pala sa Pilipinas.
"Ofelia?tawag ni Doña Eliza.
Napakunot ng noo si Doña Veron kung paanong kilala ng Doña ang kanyang pinsan.At ganon din ang Don,si Luke,si Ysa at si Brix nagulat din kung paano kilala ng Doña si Aling Ofelia.Dahil wala naman talagang alam si Don tungkol sa tinatawag nitong Ofelia na ina ng babaeng kinahuhumalingan ni Luke dati.
"Mi paano mo siya nakilala?siya ang ina ni Rhian"ani ni Don Manolo.
Na hindi naman nagagalit dahil maging siya ay nakalimot na sa mga nangyayari.Hindi maaaring magkaanak si Ofelia at si Benjie ang tunay na ama ni Luke.At yung anak nilang dalawa ay kinahuhumalingan dati ni Luke ang anak nilang dalawa ni Benjie.Hindi maaari!
"Siya ang dahilan kaya ako tinakbuhan ni Benjie noon at sinabi niyang magkakaanak narin silang dalawa"sagot ng Doña.
Naninindig ang balahibo ng lahat maliban kay Tita Veron na walang alam tungkol sa sinasabi ng Doña Eliza.Sa isip ng lahat..si Luke at Rhian...ay...magkapatid...sa ama!?tapos...Diyos ko. Mahabaging Emre este Mahabaging Panginoon! This is insane!
"S-sandali lang hayaan nyo akong magpaliwanag"ani ni Aling Ofelia.
Dahil nakikita niya sa mga mata ng mga ito ang galit at panghuhusga na hindi dapat maramdaman ng mga ito dahil walang alam ang mga ito kung ano ba talaga ang nangyayari.
"Magpaliwanag ka ngayon din Ofelia!asik ng Doña Eliza.
Tiningnan ni Aling Ofelia si Veronica at nakatingin lang din ito sa kanya na hindi nagsasalita kanina pa.Wala ding imik si Luke at Ysa pati si Brix na masyadong naguguluhan sa mga nangyayari at nakiayon din ang batang paslit na walang pakialam sa tensyong namagitan sa mga ito basta siya nag dede lang kay Ysa.
"Eliza alam kong galit ka sa amin ni Benjie dahil sa ginawa niya sayo,pero sana maniwala ka sa akin kung sasabihin ko ngayon na hindi ginusto ni Benjie na iwan ka noon"simula ni Aling Ofelia.
Naguguluhang napatingin si Eliza kay Aling Ofelia at gustong gusto nitong malaman kung anong dahilan at kung bakit.
"Ngunit,sa mga panahong iyon wala siyang mapagpipilian kundi ang lumayo sayo at takasan ang anak ninyo dahil..."ani ni Aling Ofelia huminto muna sa pagsasalita.
"Dahil ano Ofelia?tanong ni Eliza.
"Dahil may taning na ang kanyang buhay ng mga araw na iyon Eliza!
"A-ano?hindi kita maintindihan Ofelia"ani ng Doña.
Hinagod hagod lang din ng Don ang likod ng asawa dahil alam niya kung gaano nasaktan si Eliza noon..at hinawakan ni Ysa ang kamay ni Luke upang ipabatid na nandito lang siya.
"Pinatay siya ng sakit niyang cancer in brain! At sa mga panahong yon ako ang nilapitan niya at ipalabas na may relasyon kami dahil iyon ang gusto niya ang magalit at kamuhian mo siya upang madali mo siyang makalimutan.Sa una hindi ako pumayag dahil ayokong magalit ka sa akin pero nagmamakaawa siyang tulungan sa ganong paraan at dahil matalik kaming magkaibigan wala akong nagawa kundi ang pagbigyan siya kahit sa nalalabing araw niya sa mundo.Sa pagkaalala ko dalawang linggo mula ng tinakbuhan ka niya ay namatay din siya na ang bilin lamang sana daw mapatawad mo siya!ani ni Aling Ofelia.
Sunod sunod ang ginawang paglunok ni Doña Eliza sa rebelasyong naririnig.Kung ganon hindi tamang nagkimkim siya ng galit sa taong walang ginusto kundi ang hayaan niya itong maglakbay ng mapayapa dahil sa may taning na ang buhay nito.
Sa kabilang banda nabunutan naman ng tinik sa lalamunan ang mga ito ng mapagtantong walang ugnayan si Luke at Rhian kung wala namang relasyon si Aling Ofelia at ang ama ni Luke.
"Kung ganon kayo po ang may alam sa lahat lahat ng sekreto namin Aling Ofelia?Alam nyo po simula pa noon kung sino ako at sino ang mga magulang ko?tanong ni Luke.
Napalunok si Aling Ofelia dahil alam nga niya at kilalang kilala niya kung saan nagmula at galing si Luke at kung sino ang mga magulang nito.
"Alam ko..at kilala na kita noon pa Luke at alam ko na noon pa kung sino ka at ang mga magulang mo"pagtatapat ni Aling Ofelia.
"Oh my God! Oh my Goodness! Akala ko pa naman isa kayong inosente at walang alam Aling Ofelia yon pala pinagtatawanan mo pa kami dahil alam mo ang lahat lahat?sita ni Luke.
Nakikinig lang din ang mga ito at naghihintay sa kung ano pang sasabihin ni Aling Ofelia.
"Hindi! At hindi ko rin naman inaasahang mangyayaring muli kaming magkatagpo ng pinsan ko"
"Pinsan?tanong ng Don.
"Si Veronica ang pinsan ko na naging magnobyo sila ni Manolo noon"ani ni Aling Ofelia na kay Veron nakatingin.
Napatda ang mga taong naroon dahil sa ugnayan ng dalawa dahil maging si Manolo wala itong alam tungkol sa pinsan ni Veronica.
"Siguro sinadya na ng tadhanang ipagbuklod buklod niya tayo dahil sa isa pang mahalagang katotohanan ang dapat nyo pang malaman na ako din ang may gawa"ani ni Aling Ofelia.
Biglang nabuhayan ng loob si Veron sa tinuran ng pinsan kaya mataman siyang nakikinig at para bang gusto niyang utusan ang pinsang sabihin na nito kung ano yon dahil sabik na siyang malaman.
"K-katotohanan Ofeng?mahina niyang tanong na halos ayaw lumabas ng kanyang tinig.
"Patawarin mo ako Verong kung nagawa ko iyon sayo"simula niya.
Napatingin si Veron kay Don Manolo at kay Eliza saka muling tiningnan ang pinsan niya.
"A-anong ginawa mo?tanong niya.
"Dahil naaawa ako sayo..sa inyo ng anak mo,dahil nakikita ko kung paano ka nahihirapan,kung paano ka magtrabaho para lang sa anak mo na dapat hindi lang ikaw mag isa ang gumagawa nun"ani ni Aling Ofelia.
Napakunot ng noo si Veron sa sinabi nito.
"Anong nangyari Ofeng sabihin mo!
"Dahil sa kagustuhan kong makatulong kaya tinakas ko ang anak mo at kunwaring nasusunugan tayo ng bahay at nandoon ang anak mo para maniwala ka!
Biglang napaupo ulit sa bangko si Veron at hinagod hagod ang kanyang dibdib dahil pakiramdam niya naninikip ang kanyang dibdib dahilan sa nahihirapan siyang huminga.Dinamayan naman ito ni Doña Eliza upang palubagin ang kalooban nito.
"Veron"pansin niya dito.
"I-I'm okay"mahina niyang wika.
"Pagkatapos anong nangyari sa anak namin ni Veronica saan mo siya dinala at inilayo mo ito sa kanya?tanong ni Don Manolo.
Tumingin si Aling Ofelia kay Ysa na katabi ni Luke at kalong nito ang munting anghel nila.Ngumiti siya at tumingin kay Veron at Don Manolo.
"Inalagaan nyo siya Manolo at Eliza simula noong tatlong buwan pa lamang siya.Ang batang nakita nyo sa labas ng kapilya dahil sinadya ko siyang iwan doon.Hindi ako umalis hanggang hindi nakikita ng dalawang mga mata ko na bitbit nyo siya at mula din noon tiniyak ko munang maaampon nyo ang bata bago ako nawala"ani ni Aling Ofelia.
"A-ano?tanong ng Don kahit alam niya na ang tinutukoy nito.
"Si Ysa ang tinutukoy ko Manolo siya ang anak nyo ni Veronica.Siya ang batang si Veanica Marie!
Hindi nakapagsalita si Eliza,ganon din si Veron at Don Manolo,pati si Luke at Brix pero mas higit hindi nakahuma si Ysa sa narinig mula kay Aling Ofelia.Si Don Manolo ang taong umampon sa kanya ay siya nitong tunay na ama?At si Tita Veron ang taong tumulong sa kanya dati ay siya nitong tunay na ina?God! Panaginip lang ba ito?nagugulat siya at hindi makapaniwala pero naroon sa sulok ng kanyang puso ang saya at tuwa dahil sa nalaman.Buong akala pa naman niya ay sadya siyang iniwan ng kanyang tunay na mga magulang at sinisi pa ang mga ito dahil sa nangyari sa kanya,yon pala...surprisingly indeed!
Hindi niya namalayang napaluha na pala siya habang tiningnan ang Tita Veron at si Don Manolo na tumingin din ang mga ito sa kanya.
"Baby"mahinang pansin ni Luke sabay pinahid ang kanyang luha.
Napalingon siya kay Luke at sinalubong ang mga mata nitong tumingin din sa kanya.Para bang inaarok niya ang sasabihin o maramdaman ni Luke dahil sa narinig nito.Ngunit...kaligayahan ang nakikita niya sa mga mata ni Luke at nakapaskil ang munting ngiti sa labi nito,nagsasabing tanggap nito ang katotohanan.
"L-Luke?mahina niyang usal habang lumuluha parin.
"I'm happy baby very much happy na ikaw ang tunay na anak ni Daddy..ang taong nagpalaki at nagbigay ng magandang kinabukasan sa atin!ani ni Luke sabay niyakap si Ysa.
Muling napalunok si Ysa at naghiwalay lamang sila ng yakap ng umiyak ang bata saka kinuha ito ni Doña Eliza mula kay Ysa.Hudyat na bigyan daan ang Don at si Veron upang makalapit kay Ysa.Dumistansya si Luke ng dahan dahang lumapit si Tita Veron kay Ysa,naghihintay lang din itong makalapit ang tunay niyang ina na tinatawag niyang Tita sa loob ng maraming buwan.
"A-anak..anak ko!wika ni Veron at niyakap agad si Ysa.
"M-M...Mama!usal ni Ysa at gumanti din ito ng yakap.
Humagulgol ng iyak si Tita Veron habang mahigpit niyakap si Ysa,hindi siya nagsalita basta niyakap niya lamang ito na tila bang sa pamamagitan nyon ay mababawasan ang maraming taong nangungulila siya sa anak.Ang anak na buong akala niya a lumisan na sa mundo pero...yon pala nasa maganda itong kamay at nagisnan pa ang tunay nitong ama.Saan siya magpapasalamat sa pinsan niya?paano?dahil hindi din biro ang pinagdaanan niya noon..noong inakalang patay na ang anak niya..ang anak nila ni Don Manolo.
Ganon din si Ysa na hindi magawang magsalita dahil sa sobrang kaligayahang nadarama ngayon.Ang mayakap ang tunay niyang ina na hindi niya nayakap mula pagkabata ay sobra sobrang galak ng kanyang puso.Walang pagsidlan ang tuwang nadarama at kung panaginip lamang ang lahat ng ito naway hindi na matapos pa.
"Mama!muli niyang wika.
Napakasayang bigkasin ang salitang 'Mama' na ang tinatawag mo ay ang tunay mong ina,thought hindi naman nagkulang ang ina ni Luke upang ipadama ang pagiging ina nito sa kanya pero iba parin talaga ang pakiramdam kapag tunay mong ina dahil laman at dugo at iisa ang pitik ng inyong puso.
Napaluha din ang mga naroon kabilang na si Aling Ofelia at si Rhian na kakapasok lang at alam narin nito ang buong katotohanan at kung anong nangyayari sa mga ito,dahil nasabi na ng kanyang ina ang lahat sa kanya,nung araw na tinanong niya ang tungkol sa pinsan ng ina at kalaunan ay sinabi rin nito sa kanya.
"I'm sorry anak! I'm sorry!ani ng kanyang ina.
"Hindi Mama wala po kayong kasalanan"ani ni Ysa sabay pahid ng luha ng kanyang ina.
Muli siyang niyakap ni Tita Veron na halos wala ng masabi p dahil sa sobrang ding nadarama.Maging si Manolo man ay hindi makapaniwala sa nangyari kaya pala iba ang nararamdaman niya kay Ysa,marahil ampon nila itong matatawag pero nandon sa kaibuturan ng kanyang puso na minsan gusto niyang isiping anak niya si Ysa..na sa kanya nagmula si Ysa pero dahil nga sa napulot niya lamang ito sa kung saan kaya nandong naramdaman niya ang panghihinayang.Na sana nga tunay niya itong anak..and look what happened anak niya nga si Ysa anak nila ni Veronica.Masarap sa pakiramdam at hindi niya alam kung magagalit ba siya o magpapasalamat dahil all those years kasama pala niya ang kanyang kaisa isang anak.
Matapos ang iyakan at yakapan at unti unti na silang bumalik sa mundo ng mga tao dahil galing sila sa mundo ng tensyon dahil sa rebelasyong kinalalagyan ay saka pa nila hinarap si Aling Ofelia lalo na si Veronica.
"Patawarin nyo ako sa nagawa ko dahil sa kagustuhan kong tulungan si Veronica hindi ko alam na nakagawa na ako ng mali,at nasaktan ko kayong lahat"ani ni Aling Ofelia.
Lumapit si Tita Veron sa kanya at agad niya itong sinampal,nagulat ang lahat pero inaasahan na iyon ni Aling Ofelia,kaya hindi siya umimik at tumingin lang kay Tita Veron saka ito nagsalita habang umiiyak dahil hindi naman talaga niya gustong saktan ito.
"Alam no bang hinanap kita kung saan saan Ofeng?Alam mo bang labis labis akong nag-alala sayo kung anong nangyayari sayo?Hindi mo ba alam kung paano akong nag alala dahil sa pagkawala mo?Inisip ko noon na nawalan na nga ako ng anak nawalan pa ako ng pinsan na naging kasama at karamay ko!!asik ni Tita Veron habang umiiyak.
Naisip ni Aling Ofelia na hindi ito galit sa nangyari nagalit lamang dahil bigla nalang siyang naglaho parang bula at batid niya kung gaano siya kamahal ni Veronica.Kaya mabilis niya itong niyakap sabay napahagulgol narin ng iyak.
"Verong!usal niya.
"Ofeng!wika din Veronica habang nagyakapan sila"Napakasama mo talaga Ofeng dahil nang iiwan ka!sumbat parin nito.
"Patawad pinsan ko!patawarin mo ako!aniya dito.
"Mapapatay talaga kita ngayon matanda ka!himig biro ni Tita Veron.
Instead na nag iyakan sila eh natatawa nalang sila sa dalawa,at magkatabi lang din si Rhian at si Brix,si Luke at Ysa naman kasama ang anak nila.At si Manolo at ang Doña na naluluhang nangingiti sa mga kaganapan.
Wala namang problema kay Eliza dahil batid niyang tumulong lang din ito kay Benjie gayon din kay Luke tanggap niyang may isang dakilang taong naging tagapangalaga ng kanilang brilyante lol..sekreto at katotohanan.And for him Aling Ofelia did an amazing job for keeping all those secrets behind their back and made a revelations on time for telling them the truth.A heavy role for an old woman living in guilt for all those years!But wait...is Rhian and Ysa/Veanica are second cousins? Oh-ow!
DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!
AJ❤
BINABASA MO ANG
Alipin ng Pag-Ibig
Narrativa generaleMULA pagkabata ay magkasama na sina Luke at Ysa dahil sa iisang bahay sila nakatira.Anak ni Don Manolo si Luke at si Ysa naman ay ampon lamang ito ngunit itinuring nilang tunay na anak at kapatid ang turing ng binata dito.Dahil alam naman nilang par...
