HINIHINGAL na nagising si Angeline dahil sa masama niyang panaginip,pinagpawisan siya ng malapot na animo'y totoong totoo ang nangyari.Nagpapasalamat siya panaginip lang pala,pinahid niya ang kanyang luha dahil totoong ngang umiyak siya kung gaano niya iniyakan si Josh sa panaginip.
"Lord please I'm begging you to save my husband,huwag nyo po muna kukunin sa amin ang asawa ko!usal niya sa sarili at kaagad tinawagan ang biyenan.
"Hello hija?
"Mama kumusta po si Josh?
"Tulad pa rin kanina ng iniwan mo Angeline hindi pa rin nagbago"
Nakahinga siya ng maluwag sa kaalamang walang nangyari kay Josh.
"Ganon po ba...baka po maaga akong babalik sa hospital Mama"
"Kung yan ang gusto mo hija sige hahayaan ka namin"
"Sige po salamat"aniyang sabay pinutol na ang tawag.
Kahit naman din dito siya sa bahay hindi rin makapagpahinga dahil na kay Josh pa rin ang isip niya at nag aalala siya dito.Tumungo siya sa bathroom atsaka naligo,pagkatapos maligo ay nagsuot na ng kanyang damit,sinuklay lang ang buhok saka bumaba na ito.
Nadatnan niyang naglalaro sa living room ang anak kasama ang yaya nito,naaawa siyang pinapanood ang anak hindi niya kayang maagang mawalan ng ama si Jonas lalo pa't bago lamang magkasama ang mag-ama.Muling naglandas ang kanyang luha sa isiping iyon sabay kaagad pinahid ang luha at lumapit sa anak.
"Baby"pansin niya dito.
"Mommy are you going again?
"Uhm yeah dahil babantayan at alagaan ko si Daddy,okay lang ba sayo kung kay yaya ka muna?
"It's okay Mommy don't worry,and if you let me Mommy I wanna go also to see Daddy"
"Thank you!yeah sure baby no problem..I will take you to Daddy next time okay?aniyang hinalikan ang ang anak.
"Okay Mommy"sagot din ng anak at hinalikan siya sa buong mukha.
Ngumiti siya at least may anak siyang nagpapawi ng kanyang kalungkutan pansamantala,pagkatapos ibinilin sa yaya ang anak ay lumabas na ito ng bahay diretso sa kotse niya.Ilang minuto pa ay nasa hospital na siya at nagtataka siyang mukha nabulabog ang mga nurses at Doctors,bigla siyang kinabahan kaya nagmamadaling tumungo sa room ng asawa at nakita niyang naglabas pasok doon ang mga nurses at Doctor kaya lalong bumundol ang kabang nararamdaman.
"Mama,Papa anong nangyari?kaagad niyang tanong sa biyenan na nasa sulok ang mga ito.
"Hija si..si Josh biglang nag straight line ang heart pulse monitor niya!ani ng Mama ni Josh.
Abala ang Doctor sa pag pump kay Josh,natutop niya ang kanyang sariling bibig dahil pinipigilang huwag umiyak ng malakas,naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Mama Alison sabay hinagod ang kanyang likod.
"J-Josh..."mahina niyang usal at sinabayan ng taimtim na dasal.
"Be strong hija be strong Josh will be okay"mahinang wika nito pero umiyak din naman at hindi sigurado.
Nakita niyang unti unting bumalik sa dati ang pulso ni Josh kaya napatingin siya sa biyenan at narinig niyang magsalita ang Doctor.
"He's responding now"anang Doctor.
"T-thanks God!thank you Doc!aniyang sabay nilapitan ang asawa.
Habang nag-uusap sandali ang biyenan at ang Doctor ilang saglit pa ay lumabas na ang Doctor at naiwan na sila sa silid.
"Naaawa na ako sa anak ko Angeline sobra na ang ginawa niyang pagtitiis"ani ng Mama Alison.
"I'm sorry Mama pero kailangan pa natin si Josh,ako at ang anak namin.I want him to fight for his life Mama whatever it takes!umiiyak niyang wika.
"Doctor said...masyado na siyang mahina dahil matagal ng kinakain ng sakit ang kanyang lakas,katulad mo rin ako noon na gusto kong lumaban si Joshua dahil ayoko pang mawala siya,but seeing him right now in pain nadudurog ang puso ko Angeline bilang ina niya!umiiyak nitong wika.
"Mama please no...kailangan ko pa si Josh kaya huwag nyo sanang pahintulutang mawala siya,kailangan pa namin ni Jonas ang asawa ko Mama Alison!
"It's been a long time already hija na sinukuan niya ang kanyang buhay"ani ng Papa Rolando.
"Hindi!hindi maaari Papa utang na loob huwag muna ngayon gusto ko pang makasama si Josh kahit hindi niya na ako maalala Mama,alam kong lalaban si Joshua kaya umaasa akong hindi pa siya mawawala..hindi pa mawawala ang asawa kooo!!!hinagpis niyang wika at niyakap si Josh.
Umiyak din naman ang mga ito,dahil sinabi sa kanila ng Doctor na siguro mas makabubuti sa pasyente ang hayaan na itong susuko dahil kung hindi man ito inoperahan ay mamamatay din sa sakit nito dahil napakalala na upang mailigtas pa kung noon pa sana ginawa ang operasyon malamang maliligtas ito kapalit ng pagkawala ng alaala nito so now what use of saving his life kung mismo katawan nito ay sumuko na?Masakit at mahirap para sa kanilang hahayaang mamatay ang anak kung may magagawa nga lang sila upang ipaglaban pa ang buhay nito gagawin nila.Pero marahil tama ang Doctor na matagal na nitong sinukuan ang buhay nito.
"Josh please lumaban ka pa para sa amin ng anak mo,kahit ang kapalit ay hindi mo na kami maalala.Hindi ko kayang mawala ka Josh not this time kaya nakikiusap ako,huwag ka muna susuko please Josh!aniya dito.
"Parang awa mo na Josh kung talagang mahalaga kami sayo hindi mo kami iiwan,lalaban ka pa para magkasama tayong muli kaya please I'm begging you..fight for your life para sa amin ni Jonas!muli nitong wika sabay hinalikan ang palad ni Josh.
Umiwas ng tingin si Alison dahil hindi niya kayang makita na ganon si Angeline,naaawa siya kay Josh pero naaawa din kay Angeline.
"I'm sorry hija kung nasabi ko iyon sayo I didn't mean it,hindi ko naisip ang mararamdaman mo dahil ang inisip ko ay naaawa na ako sa anak ko"
"It's okay Mama at salamat sa inyo Papa Rolando Mama Alison"aniya sa mga magulang ni Josh at niyakap ang mga ito.
Nasa ganon silang tagpo ng may kumatok sa pinto ng room.
"Bubuksan ko muna baka mga kaibigan ni Josh"ani ni Rolando.
Sila naman ay tinabihan si Josh habang si Angeline ay ayaw ng bitiwan ang kamay ng asawa.Sina Luke at Brix nga ang bisita nila at kaagad humalik sa ina ni Josh at sa kanya.
"Tita Alison,Angeline kumusta na kayo?tanong ni Luke sa kanila sabay tiningnan si Josh.
"We are fine hijo somehow"sagot ni Alison.
"Thank you sa pagdalaw nyo Luke at Brix"ani ni Angeline.
"No problem kaibigan namin si Josh,anyway kumusta na siya?ani ni Brix.
"Naghihintay pa rin kami ng milagro hijo at sana nga may milagro"ani ni Rolando.
"He suffered a lot of pain already!nalulungkot na wika ni Brix.
"Hindi basta basta susuko si Josh I know it lalo pa ngayon nandito na si Angeline at ang anak niya,lalaban siya para sa kanyang pamilya"ani ni Luke.
Na nagpapalakas sa loob ni Angeline dahil maging siya man iyon ang gusto niyang isipin dahil masakit man aminin may bahagi sa kanyang puso na gusto niya na rin niyang mawalan ng pag asa at hayaan ng kusang susuko si Josh,pero ayaw pa niyang mawala ito kaya gusto pa rin niyang umasa.Umasang mabibigyan pa ng isang pangalawang buhay si Josh para sa kanila ng anak nila.
"Thank you Luke kahit papaano may nagpapalakas ng loob namin"sagot niya dito.
"Let's pray for his fast recovery Angeline don't worry God is good naniniwala akong hindi pa niya kukunin si Joshua sa inyo"
Tumango siya at bahagyang ngumiti sa mga kaibigan ng asawa.Mahabang sandali din ang inilagi nila sa hospital at pagsapit ng hapon ay nagpaalam na ulit ang mga ito.
"Tito,Tita and Angeline we'll going now"paalam ni Luke.
"We'll visit here often Angeline"ani naman ni Brix.
"Thank you Brix and Luke"sagot niya.
"Thank you sa inyo mga hijo napakabuti ninyong kaibigan sa anak ko"
"No problem Tita Josh is like a brother to us"ani ni Luke.
"Sige hijo mag-ingat kayo"ani ni Tito Rolando.
"Thank you po Tito so paano maiwan na muna namin kayo"ani ni Luke.
"Sige mga hijo at ikumusta nyo narin kami sa asawa't anak ninyo okay?
"Makakaasa po kayo Tita"sagot ni Brix.
Na may isang taong gulang na silang anak na lalake ni Rhian at si Luke naman ay kasalukuyang buntis ang asawa nito sa pangalawa nilang anak.Ysa is seven months pregnant and this time ay babae ang anak nila dahil nagpa ultrasound na si Ysa.
Pag-alis ng dalawa ay muli silang binalot ng kalungkutan habang nakatingin lang kay Josh.Ang hirap hirap ng ganitong kalagayan na hindi mo alam kung saan ito nakatapat sa mamatay ba o sa mabubuhay.They're still hoping for miracle.
Kinagabihan ay muling nagpaalam ang mag-asawa at naiwan siya sa hospital.Nakaramdam siya ng pangungulila kay Josh,namimiss na niya ang halik nito,ang yakap nito at namimiss na niyang marinig na sasabihin kung gaano siya nito kamahal.She misses everything about Josh kahit na napaka sadista nito sa kanya.
"I miss you so much baby!usal niya sabay ginawaran ng halik ang maputla nitong labi.
Ngumiti siya pagkatapos at hinaplos ang mukha nito"when you wakes up ipagluluto kita ng mga paborito mong pagkain para madali kang bumalik sa dati,you know what?mas lalo ka palang gwapo noon...noon yung wala ka pang iniindang sakit.You've changed a lot nung pagbalik ko dahil may sakit ka na pala nun,and I'm sorry kung hindi man lang kita kinumusta baby!aniya at unti unti na namang napapaiyak.
"Josh nahihirapan na ako...seeing you like this is really breaks my heart...no not just my heart...it's really breaks all of me.Ikakamatay ko kung hindi mo ako bibigyan ng pagkakataong makasama ka Josh dahil hanggang ngayon sa mga oras na ito inuusig pa rin ako ng konsensya ko,Josh hindi ko kayang mabuhay na nababalot ako ng matinding pagsisisi sa nagawa ko sayo!muli niyang wika at hindi na napigilang umiyak.
Habang si Stefen ay nakatayo lang sa likod ng pintuan dahil hindi ito tumuloy dahil nga naririnig niyang malamang kinausap ni Angeline si Josh.Naaawa siya kay Angeline,at naaawa din kay Josh dahil kahit may hindi sila pagkaunawaan ng asawa ni Angeline tao pa rin naman siya may awa sa kapwa lalo na kung buhay na ang pag uusap,nagsisi tuloy siya sa mga sinasabi niya kay Josh ukol sa nararamdaman niya sa asawa nito.Hindi rin kasi niya alam ang kalagayan ni Josh kung alam lang sana niya malamang tutulungan niya pa ito kay Angeline,pero masaya na siya dahil bago nangyari ang lahat ay nagkaayos pa ang mga ito.Nalaman niya sa ama ni Angeline at masaya siya para sa dalawa kahit para sa kanya ay seryoso siya kay Angeline.Well baka nga ang dalawa talaga ang meant to be.
Ng wala na siyang narinig na nagsasalita ay kunwari kumatok siya sa pinto at ilang saglit bumukas ito at kaagad niya nakita ang pamumula ng mga mata ni Angeline.Bigla siyang niyakap nito sabay umiyak,ginantihan din niya ng yakap dahil alam niya kailangan ni Angeline ng karamay sa sandaling ito.
"Tahan na Angeline...Josh will be fine okay?aniya sabay hinagod hagod ang likod ni Angeline.
"Ang sakit sakit Stef...kung kailan nagkita na kami muli saka pa nangyari to!sagot ni Angeline sabay kumalas.
"Isipin mo na lang na isa itong pagsubok sayo kung gaano ka katatag hindi lang para sayo kundi para sa asawa at anak mo"
"Kung alam ko lang sana na ganon ang kalagayan ni Josh sana hindi ko na siya pinahirapan pa"
"Lahat ng nangyayari ay may dahilan Angeline,nangya
yari ito para malaman mo sa sarili mong mahal mo pa rin si Joshua..kaya nandito ka ngayon,malamang kung hindi nangyari to wala ka na dito sa Pilipinas,pero ganon pa man let's pray na maliligtas ang asawa mo Angeline"
"Salamat Stef at least kahit papaano nandyan pa rin kayo para sa akin sa amin ni Josh"sagot niya.
Niyakap siya ni Stef at pinapagaan ang kalooban niya saying everything is gonna be fine.Josh will be fine and wakes up any moment just don't lose hope and have faith to the greatest and powerful creator of all.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤

BINABASA MO ANG
Alipin ng Pag-Ibig
Ficción GeneralMULA pagkabata ay magkasama na sina Luke at Ysa dahil sa iisang bahay sila nakatira.Anak ni Don Manolo si Luke at si Ysa naman ay ampon lamang ito ngunit itinuring nilang tunay na anak at kapatid ang turing ng binata dito.Dahil alam naman nilang par...