MAGHATING GABI na pero hindi parin umuwi si Luke,gusto niyang hintayin pero inaantok na talaga siya at hindi na kaya ng kanyang mga mata kaya dahan dahan siyang humiga sa sofa.
Si Luke naman ay manaka naka'y tinitingnan ang suot na relo at ng maghating gabi na ay nagpasya siyang umuwi na dahil alam niyang hindi kayang magpuyat ni Ysa at talagang matutulog ito.At ayaw din niyang umuwing magkakausap pa sila ng dalaga dahil ayaw niya pa itong kausapin,wala lang he's not ready yet to have a conversation with Ysa baka mapikon siya eh masaktan niya pa ito at iyon ang iniiwasan niyang mangyari.Hitting her once is enough.
Pagdating niya sa kanilang hotel room ay nakabukas pa lahat ng ilaw pero nakita niyang nakahiga sa sofa si Ysa kaya dahan dahan siyang lumapit dito.Hindi makapag decide kung bubuhatin niya ba ito o hayaan na lang matulog dito.Baka kasi magising pag buhatin niya,akmang tatalikod na pero humarap siya ulit at napagpasyahang buhatin nalang upang dalhin sa kwarto.Thanks God at hindi nagising ang dalaga,pagkatapos niyang ihiga ay kinumutan ito saka lumabas din ulit ng kwarto.Pinatay ang ilaw at sinara ang pinto saka tumungo na siyang muli sa living room para patayin ang ilaw at tumungo sa sofa saka nahiga na doon ni hindi na siya naligo dahil inaantok narin siya,mabuti nga ng wala na siyang maraming iisipin.
KINABUKASAN naalimpungatan si Ysa at sa kwarto na siya at nakahiga sa kama samantalang nasa living room siya kagabi at sa sofa natulog,agad siyang bumaba sa kama at akmang lalabas ng kwarto pero narinig niya ang lagasgas ng tubig sa bathroom at alam niyang si Luke yon.Hindi niya ito inistorbo kaya tumuloy ng lumabas ng kwarto at tumungo sa toilet upang makapaghilamos narin.Pagkatapos niya ay lumabas na sa toilet at tumungo sa kusina upang maghanda ng agahan nila.Tumingin siya sa orasan 10:30 AM na so late pala siya nagising at hindi niya namalayan kung anong oras na umuwi si Luke.At hindi niya alam kung dito ba sa suite natulog or what.
Nagluto siya ng scramble eggs with mozzarella cheese on it atsaka hotdog at naglabas narin ng bread,naghiwa ng mansanas atsaka dalandan para sa binata at hinanda na sa mesa pati ang juice ni Luke.Pagkatapos ay tumungo na sa kwarto upang tingnan si Luke,saktong pagpasok niya ay lumabas si Luke mula sa bathroom as usual naked na naman ito siguro sanay na talaga ang binata sa gawain nito.Nagkasalubong ang mga mata nila pero unang nagbawi ng tingin si Luke saka ito nagsalita ng hindi siya tinitingnan.
"Good morning baby"bati ni Luke habang binuksan ang closet.
"Good morning too,breakfast is ready"aniya sa binata.
At tinulungan niya itong kumuha ng susuutin nito.
"Okay,you can use the bathroom now"ani ni Luke sa kanya.
"I already used the guest toilet"sagot niya sa binata.
Hindi na ito sumagot at abala na sa pagsuot ng damit nakatingin lang din siya kay Luke at ng matapos ito ay lumapit sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi.
"Let's go"ani ni Luke at nauna ng humakbang.
Tahimik lang siya habang sinusundan ang binata at ayaw din niya itong kausapin ng tungkol kagabi baka uminit ulit ang ulo nito mahirap na.Tahimik silang kumain at walang nagsasalita kahit magkaharap sila,basta kumain lang ito na hindi siya tinatapunan ng tingin.Gusto niyang mag open up about sa kanilang dalawa pero natatakot siyang marinig mula sa binata ang masakit nitong sasabihin kaya tatahimik na lamang siya at hintayin ang sasabihin ni Luke.
"Wanna go out today?untag ni Luke.
Napatingin siya ng diretso sa binata pero hindi ito tumingin sa kanya dahil nakatuon ang mga mata nito sa cellphone,habang umiinom ng juice.Ng tumingin si Luke sa kanya ay agad siyang nagbawi ng tingin saka tumingin sa plato niya.
"Ikaw if you want to take me out it's fine with me"sagot niya habang sumusubo ng hotdog.
"Not me baby I call a tour guide to tour you around"ani ni Luke.
"Tour guide? why?
"Because I need to do something for a whole day so I can't be with you"ani ng binata.
Medyo nalungkot siya at hindi naman siya naniniwala sa dahilan nito pero okay narin yon baka nga gusto nitong makapag isip na hindi siya kasama or wala siya sa paningin nito.
"S-sige okay lang sa akin Luke"sagot niya.
"That's good"anang binata at nagpatuloy ng kumain.
Wala ng nagsalita sa kanila habang tinatapos na ang kanilang pagkain.Ilang sandali pa ay tapos na ang binata at nakita niyang may tinawagan ito.Siya naman ay niligpit na ang pinagkainan nila at nilagay sa lababo.
"Yes hello?ani ng binata.
"Uh-huh!yeah I need a tour guide for my wife"ulit ni Luke.
"Yes just for the whole day"
"Yeah okay thank you and bye"ani ng binatang pinatay na ang tawag at tumungo sa kanya.
"Baby leave that dishes go and prepare yourself,the tour guide will come any moment now"ani ni Luke sa kanya sabay haplos sa mukha niya.
"Yeah okay,mauna ba akong aalis sayo?kunway tanong niya.
"Yes,and take the keycard with you baka mauna kang umuwi sa akin para makapasok ka agad"ani ng binata sabay ngiti sa kanya.
"Paano kung ikaw ang maunang umuwi?tanong niya sa binata.
"No I'll make sure that you're already here before I get back"ani ng binata.
Tumango lang siya saka humakbang na patungo sa kwarto upang magbihis.Ilang saglit pa ay tapos narin siya,nagsuot lang ng jeans atsaka polo shirt and rubber shoes saka gumamit ng Kipling mini bagpack saka lumabas na.Nadatnan niyang nakaupo sa sofa si Luke at hindi siya nito tinapunan ng tingin sa monitor lang ng laptop nakatuon ang tingin kaya lumapit siya dito.
"I'm ready"wika niya.
Tumingin ito sa kanya at inabot ang kanyang kamay saka giniya siyang umupo sa tabi nito.
"Take care of yourself baby okay?ani ni Luke.
"Okay thank you"aniya saka pilit ngumiti sa binata.
Nakita niyang kinuha ni Luke ang wallet nito sa center table at kinuha ang card atsaka binigay sa kanya.
"Here take this and eat whatever you want so you won't get hungry and buy anything you want for yourself"ani ni Luke sa kanya.
Tiningnan niya ang card at tumingin ulit sa binata"pwedeng cash nalang ang ibigay mo?hindi naman yata ako makakagastos ng marami"aniya sa binata.
"Baby could you please stop using that word pwede of yours? It's irritating me like hell you know?iritadong wika ng binata.
"O-okay"sagot nalang niya at tumahimik na.
"Take it now"ani ng binatang sabay sinuksok sa kanyang bag ang card"go outside now she's waiting for you"aniya pa.
"Okay thank you"aniyang akmang hahalikan sa pisngi ang binata.
Pero yumuko ito dahil may kinuha sa lapag pero alam niyang wala itong kinuha sadya sigurong iniiwasan siya nito.
"Sige aalis na ako"aniya.
Tumango lang ang binata sa kanya at muling itinuon ang paningin sa monitor kaya humakbang na siya patungo sa pintuan.Ni hindi na lumingon ulit sa binata dahil nasasaktan siyang malamang iniiwasan nga siguro siya ni Luke.
Ng matiyak ng nakalabas na ang dalaga saka siya lumingon sa pinto,at dahan dahang binawi ang tingin na may lungkot sa mga mata niya saka sumandal sa sofa at napahilamos sa mukha dahil hindi niya talaga alam kung paano mag open up tungkol sa kanila ni Ysa,natatakot siyang sumugal ulit ng nararamdaman niya gaya ng ginawa niya para kay Rhian.Isa pa this time hindi siya sigurado kung ano nga ba ang dalaga para sa kanya at lalong hindi niya batid kung ano ba siya para sa dalaga.It's very complicated!A while ago he was expecting na may maririnig siyang something from Ysa pero wala kaya nag offered nalang siyang lalabas ito dahil ayaw muna niyang makasama ang dalaga.And actually wala naman siyang pupuntahan he only wanted to be alone for quite sometimes.Napapikit siya ng mga mata ng makita ang ginawa ni Ysa kaninang hahalikan sana siya nito pero umiwas siya dahil iyon lang ang paraang alam niya ang iwasan ito hangga't maaari dahil ayaw niya ring paasahin ang dalaga lalo't ayaw niyang paasahin ang kanyang sarili.
Tahimik lang si Ysa habang nasa daan sila at pinagmamaneho siya ng lady guide na kinuha ni Luke para makasama niya.Wala siya sa mood at hungkag na hungkag ang kanyang kalooban.
"Ma'am are you alright?untag ng babae sa kanya.
Nilingon niya ito at tipid ngumiti dito atsaka sumagot"yeah I'm fine"aniya saka muling tumingin sa labas ng bintana ng kotse.
Hindi narin sumagot pa ang babae at nagpatuloy ito sa pagdrive.Dinala siya ng babae sa malaking park na torista ang karamihang nagpupunta dito dahil sa maganda ang view at maraming makikita ang iyong mga mata ng magagandang bagay.It's so refreshing and relaxing while seeing those beautiful views pero hindi yata niya nararamdaman yon ngayon dahil hindi dito nakafocus ang atensyon niya.
Nilibot nila ang buong park at ewan niya sa kanyang sarili kung may nakikita siyang maganda sa kanyang paningin thought lahat ay maganda but not for herself!Such a boring tour ever!Dinala siya ng babae sa mall at naglibot libot na naman sila doon,nagpunta sa big aquarium,ice skating,bowling at kung saan saan pa instead na masaya at makalimutan ang problema eh nagpapadagdag pa sa bigat ng kalooban niya lalo pa't may nakikita o nakakasalubong na mga couples na sweet at masaya sila.Naalala tuloy niya si Luke because they are like this too while exploring the city.
"Ma'am it's seems you're not enjoying your tour"ani ng babae.
"Ahm not like that,I just remember something that makes me sad"
"You aren't looks happy since I took you from your hotel"
"Are you married?pag iiba niya ng usapan nila.
Ngumiti ito sa kanya at sumagot"married before but widowed woman now"sagot ng babae.
"Oh I'm sorry to heard that"
"That's okay Ma'am it's been a long time already so I already moved on from it"
"Okay that's good,did you get married again?
"No!not anymore"anang babae.
"Is there any reasons not to?
"Yeah!the reasons is quite foolishness but I don't care the hell what people thinking about it,I didn't get re-marriage again because I so love my late hubby"
Bigla tuloy siyang na engganyong malaman kung ano ba talaga ang love.
"Is it the reason for you not to re-marriage again?
"I think so Ma'am because even though I'm trying to see someone to love I just can't love any other person the way I loved him,so I rather stay widowed than to be with someone that I have no feelings for him"
"Do you meant,you can't force yourself loving a person that you doesn't really love?
"Yeah just for myself Ma'am I don't know other persons"
Nanahimik na siya at sa isip niya siguro nga hindi kayang turuan ang puso kung sino ang mamahalin nito dahil tumitibok lang ito sa taong mahal nito.Gaya ng kasama niyang babae ngayon,siguro tama ang disisyon nitong manatiling mag isa kesa makasama ang taong hindi nito mahal.Eh siya?siguro ganon narin ang gagawin niya ang hayaan si Luke dahil hindi niya ito mapipilit makisama sa kanya gayong ibang babae ang gusto at mahal nito.
"Ma'am you're crying"
Bigla siyang nagpahid ng luha dahil hindi niya namalayang naiyak na pala siya.
"Ah it's nothing"iwas niya dito.
"I guess you really have a serious problem,about your relationship?
Tumingin siya dito at nagyuko ng ulo"I love him but he loves someone else"sagot niya.
"Oh man!that's really complicated right?
"Yeah I know but the worst we've got married by forced but I don't know I sudden fallen for him despite the fact that we does not want to getting married in a first place"
"I don't know how to give you an advice for that Ma'am but I hope you can move from that miserable relationSHIT of yours"ani ng babae.
Napangiti naman siya sa tinuran ng babae,tumango lang siya at bahagya siyang tinapik ng babae sa balikat saka nagtungo na sila sa food court upang kumain.Medyo nawawala na sa isip niya si Luke dahil naging madaldal na ang babae dahil nagkukwento ito ng mga funny moments nito na nagpapangiti sa kanya.Komportable siya dahil mabait naman ito at kwela,masaya silang dalawa habang kumakain na animo'y wala siyang problemang uuwian pagkatapos nila dito but atleast nakalimutan niya kahit sandali.
Gabi na ng magyaya na siyang ihatid na siya nito dahil napagod narin siya,hindi naman siya bumibili ng mga gamit niya kahit iyon ang bilin ni Luke,ginamit lang niya ang pera for their foods and snacks.Pagbaba niya sa kotse ay inabutan niya pa ang babae ayaw nito for the first time pero pinilit niya kaya kinuha na ng huli.
"Thank you for today"aniya sa babae.
"As always Ma'am"ngiting sagot ng babae.
Bigla tuloy sumagi sa memorya niyang sinabi ni Luke "as always my princess" kaya mahinang pinilig ang ulo upang mawaglit iyon.
"Alright bye for now"paalam nito at kumaway sa babae.
Kumaway rin ito sa kanya atsaka pinasibad na ang kotse,sinundan niya ito ng tingin atsaka laglag balikat humakbang papasok sa lobby.Pagpasok niya tila bang ang bigat bigat ng kanyang pakiramdam.Dumating na siya sa kanilang suite at tumayo siya sa pintuan saka napabuntong hininga.Hindi makapagpasya kung bubuksan na ba ang pinto dahil nasa kanya naman ang keycard ng room nila.Napabuntong hininga pa siya bago sinuksok ang keycard at bumukas na ito kaya pumasok na siya sa loob pero hindi pa man niya naisara ulit ay may kamay ng humarang kamuntik pa siyang makasigaw dahil sa takot mabuti nalang pag angat niya ng ulo ay si Luke ang nakita niya.
"Luke!?aniyang medyo lumaki pa ang mga mata.
"Yeah it's me baby"sagot ni Luke atsaka pumasok na at ito na ang nagsara ng pinto.
Humakbang ito patungo sa living room saka umupo doon sinundan lang niya ito ng tingin at lumingon sa kanya.
"Have you enjoy yourself?tanong ni Luke.
Anong isasagot niya "OO" eh hindi naman,at kapag hindi ang isasagot niya anong iisipin ni Luke?Nag iwas siya ng tingin atsaka sumagot.
"Yeah ang saya saya nga eh"aniyang ubod tamis ngumiti sa binata.
Saka tumungo na sa kwarto upang maligo para makapagpalit ng damit.Sinundan ni Luke ng tingin ang dalaga at hindi na ito kumibo pa.
Pumasok si Ysa sa bathroom at para bang hindi niya ito kakayanin,gusto niya tuloy sisihin kung bakit sa kanya pa nagmula ang hindi nila pagkakaunawaan ni Luke,pero siguro mas mabuti na yung ganon para malaman din niyang walang pag asang matugunan ang nararamdaman niya.Pagkatapos niyang maligo ay lumabas na siya sa bathroom upang magsuot ng damit dahil may huhugasan pa pala siyang mga plato na iniwanan niya lang kanina.Kaya lumabas na siya sa kwarto at doon parin niya nakita si Luke kung saan niya ito iniwan kanina.Tumungo na siya sa kusina na walang salita pero nagsalita si Luke.
"Hungry?tanong ni Luke.
"No!huhugasan ko lang ang mga platong iniwan ko kanina"sagot niya at sabay hakbang.
"Do you think na hahayaan kong may maruming plato sa lababo?ani ni Luke.
"Ganon ba?salamat"aniyang hindi alam kung saan pupunta o kung saan uupo.
"Don't know where to go?tanong ni Luke.
"Ah ahm papasok na lang ako sa kwarto kung okay lang sayo"aniya dito.
"Okay have some rest"ani ulit ng binata.
Kaya humakbang na siya upang pumasok ulit sa kwarto.Hanggang kailan sila maging ganito ng binata?Nakatulog siyang hindi pa pumasok si Luke sa kwarto pero ayaw niyang labasin ito upang magtanong.Pero pumasok si Luke sa kwarto at tiningnan niya ito.
"Just wanna get some pillow at doon ako sa sofa matutulog"ani ng binata sabay kuha ng unan at lumabas ulit.
Gusto niya itong kausapin pero alanganin siya baka magalit si Luke sa kanya at iyon ang ayaw niyang mangyari.
DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!
AJ❤
BINABASA MO ANG
Alipin ng Pag-Ibig
Aktuelle LiteraturMULA pagkabata ay magkasama na sina Luke at Ysa dahil sa iisang bahay sila nakatira.Anak ni Don Manolo si Luke at si Ysa naman ay ampon lamang ito ngunit itinuring nilang tunay na anak at kapatid ang turing ng binata dito.Dahil alam naman nilang par...
