Chapter 53

2.4K 46 0
                                    

MABILIS tumungo sa hospital si Señor Martin kasama si Stefen pati ang kanyang apo dahil tumawag si Joshua at sinabing gising na si Angeline.
.
.
.
.
SAMANTALA hindi parin malapitan ni Josh si Angeline dahil ayaw nitong lumapit siya.At tahimik lang itong umiiyak,she gain her memories back after a long slept at naalala niyang lahat lahat ng pinagdadaanan niya kay Joshua.
"A-Angeline?mahinang wika ni Josh.
"Umalis ka na Joshua hindi kita kailangan kaya lumayas ka pabayaan mo na ako!!asik niya dito.
"Baby no please kausapin mo ako..I have a lot of things to tell you now Angeline please"pagmamakaawa niya.
"Hindi ko na kailangan kung anuman ang sasabihin mo Joshua..tapos na tayo matagal na!
"No!Angeline we are not over ye..."
"Para ano pa!???para paulit ulit mong ipamukha sa akin na hindi mo ako mahal!?na kailanman hindi mo ako mamahalin!?that you won't give a damn to love me over your dead body!???Joshua tama na!!! Tinanggap ko na yon..tanggap ko ng hindi mo ako mahal and I already got rid of it Joshua!!asik ni Angeline.
"Angeline no I was wrong...I was wrong that I hurt you that I didn't..."
"And I was wrong too that I did so much effort for you just to love me and I do realized that time that I shouldn't have to pressured you with my piece of shit and I'm done of doing it now Joshua!
"Angeline I love you hindi ko na kakayanin pa kung mawawala ka sa akin not anymore Angeline"
"Tapos na akong mahalin ka Joshua...matagal ko ng tinapos kung ano man ang nararamdaman ko sayo noon!
"No Angeline I know you still love me bigyan mo ako ng pagkakataong mahalin ka ngayon na hindi ko nagawa noon because of my pride.Angeline I realized that I also loved you when you're gone.God knows kung gaano ko pinagsisisihan ang lahat ng ginawa ko.I was wrong Angeline and I'm so sorry!
"It's too late Joshua dahil hindi na kita mahal ngayon!matigas na wika ni Angeline.
"Please Angeline I'm begging you now to give me one more chance..baby just one last chance upang patunayan sayong nagsisisi na ako...I love you Angeline I love you so much!umiiyak niyang wika.
"Hindi na kita kayang mahalin pa Joshua,sobra sobra na kitang minahal noon...kaya wala na akong makapang pagmamahal para sayo ngayon!
"Angeline no...please I want you Angeline..I love you..Angeline please accept me for once in your life please dahil mahal na mahal kita at iyon ang gusto kong patunayan sayo ngayon na hindi ko nagawa noon!
Sasagot na sana si Angeline ng biglang bumukas ang pinto sabay iniluwa ang kanyang anak.No!hindi maaaring makita ni Joshua ang anak nila not this time ngunit hindi niya na mapipigilan ang pagkakataong magkita ang mag-ama.
"Mommmmyyyyyy!!!boses ng bata ang nagpalingon kay Joshua.
At nagulat siya ng makita ang anak na sa larawan pa lamang niya nakikita agad itong lumapit kay Angeline sabay niyakap nito ang ina at hinalikan sa mukha.
"Jonas!anas niyang halos siya lang ang nakarinig.
"Jonas baby"ani ni Angeline sabay pinugpog din ng halik ang anak.
"Mommy I miss you so much!wika ng anak.
"I miss you too baby"sagot ni Angeline sabay niyakap ito.
Habang si Señor Martin at Stefen ay umalis muna dahil naririnig nila ang usapan ng dalawa at natitiyak nilang nagbalik na ang alaala ni Angeline at gusto nilang mag usap muna ang dalawa,kaya hinayaan muna nila ito at ang anak nila lang ang pinapasok nila sa loob.
"Baby you're here with whom baby?
"I'm with Daddy and Grandpa Mommy"sagot ng anak.
Tumingin siya kay Joshua at nakita niyang nakatitig ito sa bata kaya hinawakan niya ang ulo ng anak upang huwag itong lumingon dahil ayaw niyang makita ng anak si Joshua.
"Let's go home baby"aniya sa anak at bumaba sa hospital bed.
"Where to Mommy?tanong naman ng anak.
"Sa Mansion ng Grandpa"sagot niya at kinarga ang anak.
"Angeline?humarang si Joshua sa dadaanan niya.
Kaya tiningnan ito ng kanyang anak na kanina hindi nag abalang tingnan ito.Pero walang reaksyon ang anak nakatingin lang ito kay Joshua.Kaya gumawi siya sa kabilang banda upang makadaan ngunit muli hinarangan siya ni Joshua.
"Angeline he is my..."
"No!! He is not yours! He's only mine Joshua kaya huwag na huwag mo siyang lalapitan!matigas niyang wika.
"Angeline..."
"Let us go now kailangan ng magpahinga ng anak ko!
Sasagot na sana si Joshua pero nagsalita ang kanyang anak habang nakatingin kay Joshua.
"Mommy who is he?we do looks like twins right Mommy?ani ng anak sabay ngiti kay Joshua.
"No baby he's nothing"aniya at humakbang na.
Ngunit hinawakan siya ni Joshua sa braso kaya napahinto siya.
"Bitiwan mo ako ano ba!!palis nito sa kamay ni Joshua.
"Huwag mong idamay ang anak ko sa pagsisinungaling mo Angeline!!aniya dito.
"Bitiwan mo ako Joshua kailangan na naming umuwi!
"Mommy!!yakap ni Jonas sa ina.
"Let me go now Joshua!matigas niyang wika.
"Sasama ka sa akin Angeline!sasama kayo sa akin ng anak ko!!ani ni Joshua sabay sapilitang kinuha ang anak mula kay Angeline.
"Jonas!!
"Mommy!!ani ng anak.
"Don't worry baby I won't do bad to you okay?aniya sa anak sabay hinalikan ito sa pisngi.
"Who are you mister?malumanay na tanong ng anak na hindi naman natatakot sa kanya.
"I'm your Da..."
"Joshua pleaseee!!pigil ni Angeline kay Joshua.
"Sasabihin ko ang totoo Angeline at huwag mo akong igaya sayo na kayang mag sinungaling sa harap ng bata!
"Wala kang karapatan sa anak ko Joshua dahil..."
"Ako ang ama ng bata at mag asawa tayo kaya malinaw na may karapatan ako sa kanya!!asik niya dito.
"Mister!Mommy are you two fighting?
Napalunok si Angeline sabay hawakan sana ang anak pero nilayo ni Joshua kaya hindi niya nahawakan.Natak
ot siya baka kukunin ni Joshua ang kanyang anak.
"No baby we're not fighting..let's go home now!ani ni Joshua.
"But who are you mister?tanong ulit ng anak.
Tumingin siya kay Angeline at tumingin din ito sa kanya sabay tumingin ulit sa anak at hinalikan sa pisngi na hindi makikitaan ng pagtutol ang bata kahit sabihin ngayon lang sila nagkita.
"First we're going home then I will tell you who I am,is it okay with you baby?malumanay niyang tanong.
Tumago naman ang bata sabay nagsalita din ito"okay po!ngiting sagot nito.
Gusto niyang maiyak kanina pa dahil sa kagalakan na nahawakan niya ang kanyang anak ngunit nagpigil siya instead ngumingiti siya dito kahit naiiyak na.
"Let's go home now Angeline"aniya sa asawa.
"Hindi kami sasama sayo Joshua kaya utang na loob hayaan mo na kaming umuwi sa Mansion!mahina ngunit matigas na sagot ni Angeline.
"Wala ka ng magagawa baby asawa mo parin ako kahit maraming taon kang nawala because I didn't signed the annulment Papa Martin did it!
"Hindi na mahalaga sa akin kung ikaw ang nag pirma o gawa gawa ng Papa ko dahil doon kaya kinalimutan na kita na iyon naman talaga ang dapat kong ginawa noon pa Joshua!!
"Mas lalo ka pa lang maganda kung nagagalit ka baby!ngiting wika ni Joshua sabay humakbang na palabas habang karga ang anak.
Gustong gusto niyang pagsusuntukin si Joshua pero nagtimpi siya dahil karga nito ang kanyang anak.Kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa dalawa na ngayon ay nakagapos na sa leeg ni Joshua ang munting kamay ng kanyang anak.Hindi siya natutuwa dahil ang gusto niya ay hindi na makilala ni Jonas ang tunay nitong ama.Hindi maaaring magkalapit ang mag ama dahil sa isip niya wala ng karapatan pa si Joshua sa anak nila.
"Yes Papa pauwi na kami sa Grand House"narinig niyang wika ni Joshua.
"Ah your driver is here?
"Okay!so where are you now Papa?
"Ah okay sige po thank you Papa!aniya sabay pinutol na ang tawag.
Lumingon ito sa kanya at inirapan niya lang ito.
"Papa Martin said susunod sila sa Grand House kasama si Stefen"ani ni Joshua.
"O tapos!?
"Wala sinabi ko lang masama ba?
Hindi ito sumagot at humakbang lang kaya hinawakan niya sa kamay.
"Ano ba bitiwan mo nga ang kamay ko!!matigas nitong wika.
Pero hindi binitiwan ni Josh at tumingin ito sa anak at nagsalita"baby it's okay if I hold your Mommy's hand?tanong niya sa anak.
"Joshua..."
"It's okay po mister!ngiting sagot ng anak.
"Okay lang daw kaya huwag ka ng pumalag dahil pumayag na ang little boss maliwanag?
"Joshua you..."
"Let's go now baby enough of arguing!aniya sabay lumakad na habang karga ang anak at hawak naman sa kamay si Angeline.
Wala narin itong magagawa pa alangan naman magwawala sa harap ng bata.Ang driver ni Señor Martin ang naghatid sa kanila pauwi sa Grand House.Panay ang kulitan ni Joshua at ang anak sa loob ng kotse at tahimik lang din siya sa tabi na out of place tuloy siya sa dalawa.Ilang minuto pa ay dumating na sila sa Grand House at muling bumalik kay Angeline kung anong karanasan niya sa bahay na ito.Napalunok siya at tila bang hindi niya kayang bumaba ng kotse.
Nilingon niya si Angeline sa tabi niya at nakita niya ang luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata nito,alam niya..siguro may naalala ang asawa ng hindi maganda at iyon ang gusto niyang palitan ng magandang alaala ang naging pangit nitong karanasan sa kamay niya.
"Angeline..."
"Pagkatapos nito maaari bang hayaan mo muna kami umuwi ni Jonas sa Mansion?ani ni Angeline.
"Angeline ayokong ilayo mo sa akin ang anak ko kaya..."
"You can visit him anytime you want Joshua..just give me some space!
"Pero mag asawa tayo Angeline at hindi magbabago yon!
"Joshua nakikiusap ako sayo hindi ko pa kaya...bigyan mo muna ako ng panahon!
"Does it means na hindi ka galit sa akin at pwede kitang dalawin sa Mansion?
"Pumasok na tayo sa loob Joshua!
"Answer me first!
"Hindi mo na ako utus utusan ngayon Joshua!
"Okay!then uuwi tayo sa Villa after this!sagot niya sabay mabilis ng umibis ng kotse.
"Joshua!?tawag niya sabay nagpupuyos sa galit"damn you!mahina niyang usal.
Halos hindi maka kilos ang mag asawa ng makita nila ang kanilang apo na karga ito ni Joshua.Nakatingin lang din sa kanila ang bata habang nilaro laro ng daliri nito ang kwelyo ng damit ni Joshua sabay nangingiti na tila bang gusto nitong magsalita kaso nahihiya dahil bagong mukha ang nakikita niya.
"Baby?pansin ni Joshua sa anak.
"Yes po?agad nitong tanong sabay tingin sa kanya.
"I will put you down now and go to Grandpa and Grandma and give them a hug is it okay baby?
Tumango ng paulit ulit ang bata sabay din nagsalita"okay po mister!sagot nito at kusa na ngang nagpababa.
Tumakbo ito patungo sa kanyang mga magulang at kusang nagpakarga sa mga ito,dahil nga mataba kaya medyo nahirapan ang mga magulang.Tahimik lang din si Angeline nakatayo sa tabi ni Joshua no choice na siya kailangan niyang umakting na okay sila sa harap ng anak.
"Oh my God sooo cute little boy!gigil na wika ng ina sabay pinugpog ng halik ang apo.
"What is your name baby?tanong ng ama sabay kinuha ito mula sa kanyang ina.
"Jonas po Jonas Liam po!ngiti nitong sagot.
"What a handsome name Jonas"masayang wika ng ama sabay pinugpog din ng halik ang apo.
Natatawa lang din ang bata sa ginagawa nila kahit pinagpasa pasahan ng mga magulang ni halos hindi na nila napansin si Angeline dahil sa sobrang tuwa nila sa kanilang apo.Nakaramdam naman ng saya si Angeline habang pinapanood ang mga ito,at nakikita niyang masyadong malapit ang anak kahit hindi niya kilala ang mga ito.
"Hija halika lumapit ka dito"ani ni Alison sa manugang.
Lumapit naman siya sabay isa isang niyakap ang mga magulang ni Joshua.
"Masaya kami na muli ka naming nakita hija hindi ka pa rin nagbabago maganda ka parin till now"
"Thank you po M-Mama"tipid niyang ngiti.
"Hello everyone!boses ni Señor Martin ang nagpalingon sa kanila.
Kaagad lumapit ang bagong dating sa mga ito at nagbeso beso,si Setefen naman ay nakilala niya agad ang lalakeng katabi ni Angeline at alam niyang ito si Joshua.
"Daddyyyy!!!tawag ni Jonas kay Stefen.
Nagkatinginan naman ang kanyang mga magulang pero siya alam niyang ito si Stefen.
"D-Daddy?usal ni Alison.
"Mama you will know later okay?aniya sa ina.
Tumango lamang ito sabay tumingin kay Angeline at hinayaan muna ang apo na lumapit sa tinawag nitong Daddy.Kinarga naman ito ni Stefen sabay hinalikan sa pisngi medyos nagseselos si Joshua sa lambingan ng kanyang anak at ni Stefen kaya nag iwas siya ng tingin.
"Maaari bang laruin muna ng katulong ang bata para makapag usap tayo?ani ni Señor Martin.
Tinawag naman ni Alison si yaya Sema upang kunin muna ang apo at bantayan muna ito.Natuwa sila dahil nalalapitan ng kahit sino ang bata at hindi namimili ng taong makakasama nito.Tahimik sila ng wala na ang bata.
"Angeline?pansin ni Stefen.
Hindi nagsalita si Angeline at nakatingin lang ito sa kanya.
"Martin sino siya?tanong agad ni Alison.
"Anak ng kaibigan ko siya ang tumulong kay Angeline noon,Stefen Carl Versoza!
"Oh I see...hijo thank you nga pala"ngiting wika ni Alison.
"And siya din ang kasama ni Angeline sa US habang nawala ang kanyang memorya kaya siya ang nakagisnang ama ni Jonas"
"Kung ganon napakalaki pala ng utang na loob namin sayo hijo sa mga nagawa mo bilang ama para sa apo namin"ani ni Rolando.
"Wala po iyon Tito,Tita masaya po akong naging bahagi ng buhay ni Angeline at ni Jonas sa apo nyo"sagot niya.
Hindi pa rin nagsalita si Angeline at ayaw niyang makita ang mga taong katulad ni Joshua ni Stefen at ang kanyang ama kaso no choice na siya.
"You're such a good man hijo muli maraming salamat sayo"ani ni Rolando.
"Thank you Tito and no worries po"ngiti niyang wika sabay tumingin kay Joshua.
"You must be Joshua right?tanong niya dito.
"Yes!maikling sagot ni Josh na mabigat ang loob sa lalake.
"Ahm Tito,Tita can we excuse for a moment po I just wanna have some talks with Joshua"paumanhin niya dito.
"Yeah sure Stefen no problem"sagot ni Alison dito.
Tumayo si Joshua at tumingin kay Stefen sabay nagsalita"sumunod ka sa akin"aniya dito sabay humakbang na sumunod naman si Stefen kay Joshua.
Tahimik lang din si Angeline dahil wala pa siyang balak kausapin ang ama not in front of her Tito Rolando and Tita Alison.
"Hija Angeline kumusta na ang pakiramdam mo ngayon?tanong ng Tita Alison at lumapit ito.
"I'm okay Mama don't worry"
Hinawakan ni Tita Alison ang kamay niya at pinisil iyon sabay hinawi ang buhok niya na tumatabing sa kanyang mukha.Namiss tuloy niya ang kanyang ina.
"We wanted to say sorry Angeline sa mga nagawa ni Joshua sayo na hindi namin alam at hindi namin inalam because we thought all along maayos kayo"aniya dito.
"Matagal na po yon Mama marami na po ang nangyari sa buhay ko sa mga lumipas na panahon kaya kinalimutan ko na yon"
"Ibig mong sabihin matatanggap mo muli ang anak namin Angeline?
Tumingin siya sa ama at wala itong reaksyon kaya tumingin ulit sa Tita Alison niya sabay sumagot.
"Hindi ko pa po masasabi ngayon Mama Alison masyado pa akong naguguluhan dahil ngayon lang din nagbalik ang memorya ko gusto ko munang ayusin ang sarili ko"
"It's okay hija I fully understand you..take your time at sana huwag mong ipagkait na makita at makasama namin ang apo namin hija"
"Makikita nyo po si Jonas anytime na gusto nyo Mama!ngiti niyang wika.
Wala siyang sama ng loob sa mga magulang ni Joshua dahil batid niyang mabait ang mga ito sa kanya at tinanggap siya ng bukas palad noon bilang asawa ng anak nila.
Samantala masinsinang nag-uusap sina Joshua at Stefen,nakatayo si Joshua at umupo naman sa pang isahang sofa si Stefen sa opisina sila ng Papa ni Joshua nag uusap.
"Gusto ko lang sabihin sayo na I love her...I love Angeline"ani ni Stefen.
"Angeline is my wife!
"I know...pero hindi ko siya makikita kung hindi mo siya pinagtabuyan sa buhay mo!
"Wala akong balak magpaliwanag sayo Stefen ang gusto ko lang gawin mo ngayon ang lumayo sa mag-ina ko!
"Ako ang kinikilalang ama ni Jonas sa loob ng maraming taon Joshua!
"Pwes tapos na ang papel mo sa anak ko dahil nagkita na kami at huwag mong asahang magpasalamat ako sayo dahil sa ginawa mo sa mag-ina ko,remember napapayag nyo si Angeline dahil sa pagsisinungaling at paglilihim nyo sa kanya!
"I did my part because I love her Joshua..."
"Nakikisama lang siya sayo dahil wala siyang maalala and I don't think na pakikisamahan ka niya at tanggaping nobyo niya kung hindi siya na amnesia during that time!
Napalunok siya dahil alam niyang tama si Joshua.
"Kung ganon siguro ngayon na ang tamang panahon upang ligawan ko na siya dahil bumalik na ulit ang alaala niya...na hindi ko nagawa noon dahil nasasaktan pa siya dahil sayo!
Agad niyang kinuwelyuhan si Stefen at pinapatayo niya ito.
"Baliw ka ba!?asik niya dito.
"Nagmahal lang ako Joshua pero hindi ako baliw na katulad mo na sinayang ang isang katulad ni Angeline!!
Akmang uundayan niya ito ng suntok pero nagpigil siya kaya marahas niyang tinulak si Stefen sa sofa.
"Natatakot ka ba na maaaring hindi ka na tanggapin muli ni Angeline at magkakaroon ako ng pag-asa sa kanya?
"Legal na mag asawa parin kami ni Angeline hanggang ngayon Stefen kaya huwag na huwag mong lalapitan ang asawa ko!!
"Simple!pirmahan mo ang annulment nyo para..."
"Damnnnnn youuuu!!!asik niya sabay sinuntok na ng tuluyan si Stefen.
"Joshua!!boses ng ama.
Pinahid lang ni Stefen ang konting dugo mula sa kanyang labi saka tumingin ito kay Joshua na halos gusto na siya nitong patayin.
"How dare you Joshua na saktan ang taong tumayong ama sa anak mo!!
"He don't deserve my thanks Papa dahil sinamantala niya lang ang pagkakaroon ng amnesia ng asawa ko para malapitan ang mag ina ko!!!
"We knew it already Joshua nasabi na ng Papa Martin mo at naintindihan namin yon,magpapasalamat parin tayo sa kanya sa ginawa niya sa mag ina mo"
"No!!!asik ni Joshua sabay lumabas na ng opisina.
"Hijo ako na ang himingi ng pasensya sa ginawa ng anak ko sayo"ani ni Rolando.
"Ayos lang po yon Tito Rolando naiintindihan ko naman po siya"
"Salamat Stefen sa mga nagawa mo kay Angeline at sa apo namin,naintindihan kita kaya huwag kang mag-alala"
"Thank you po Tito sana kasing bait nyo si Joshua"
"Mabait naman ang anak ko Stefen sadyang pareho lang kayo ng gusto kaya hindi kayo magkasundo"
Ngumiti naman siya saka nagsalita"hindi po kayo magagalit sa akin kung sakaling liligawan ko ang asawa ng anak nyo?
"Wala naman akong magagawa tungkol dyan Stefen...si Angeline ang mag disisyon para dyan kung hindi na niya matatanggap ang anak ko at ikaw ang pipiliin niya masaya parin kami at least mabuti kang tao!
"Thank you po Tito Rolando"
"Tayo na naghihintay na si Tito Martin mo marahil uuwi na kayo"
Tumango lang siya at sabay na silang tumungo sa living room.Nakita niyang matalim ang titig ni Joshua sa kanya at umiwas lang siya ng tingin.Sa isip niya kung nakakagulpi ang titig malamang bugbog sarado na siya sa tingin ni Joshua.
"Paano Rolando,Alison mauna na kami dahil gusto din makausap ni Stefen si Angeline"paalam ni Tito Martin.
"Sige Martin no problem"sagot ni Alison.
Dahil iyon ang pinag uusapan nila na sasama muna si Angeline sa Mansion kahit ayaw ni Joshua ay wala din siyang magagawa sa ngayon dahil kailangan din mag usap ng masinsinan ang mag ama at ni Stefen. Ayaw na sana niyang mawalay pa kay Angeline at sa anak niya pero titiisin na muna niya dahil iyon ang dapat gawin.
Dumating na sa Mansion si Angeline kasama ang ama pati si Stefen at binigay naman sa katulong si Jonas upang paliguan ito at mabihisan.Nag uusap si Angeline at Stefen malapit sa swimming pool at naghihintay lang din sa loob ng Masion si Señor Martin.
"I'm sorry Angeline kung nagawa kong maglihim sayo"simula ni Stefen.
"Sinira mo ang magandang pagtingin ko sayo noon Stefen,akala ko naiiba ka sa mga taong kaya akong saktan"
"Nagawa ko yon dahil mahal kita Angeline at gusto kong tulungan kang makalimot"
"Sinamantala mo ang kahinaan ko Stefen at hindi pagmamahal yon,makasarili ka!
"I'm sorry!
"Stefen paano kung bumigay ako sa mga panahong nagkasama tayo?Paano kung minahal nga kita habang wala akong maalala sa nakaraan ko?At anong mangyayari sa atin kung sakaling bigla magbalik ang mga alaala ko at hindi pala kita kayang mahalin?Stefen hindi mo ba naisip yon bago kayo naglihim sa akin?
"Mamahalin pa rin kita Angeline kahit hindi mo ako mahal"
"Stefen ayokong maranasan mo kung anong sakit ang manglimos ng pagmamahal sa isang taong hindi ka kayang mahalin! Alam mong noon pa kaibigan lang ang turing ko sayo at masaya akong naging magkaibigan tayo"
"Hindi mo ba ako matatanggap bilang manliligaw mo Angeline?Humihingi ako ng tawad sa mga kasalanan ko sayo sa nagawa kong paglilihim sayo"
"Hanggang doon na muna tayo Stefen"
"For now pinapatawad mo na ba ako?
"I might feel bad dahil sa ginawa mo Stefen but it doesn't mean kinamumuhian na kita,naging mabait ka sa amin ni Jonas at nagpapasalamat ako sayo Stefen"
"Maaari kang magalit sa akin kung gusto mo Angeline tatanggapin ko"
"I'm okay now Stefen hindi ako galit,sumama lang ang loob ko sayo pero pwede parin tayong magkaibigan"
Niyakap siya ni Stefen dahil nagpapasalamat ito na hindi siya nagalit sa kabila ng ginawa niya.
At iyon ang eksenang nakita ni Joshua habang papasok siya sa loob ng Mansion dahil sumunod siya sa mga ito.Nagpupuyos ang kanyang dibdib dahil sa galit at any moment now gusto niya ng pumatay ng tao.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ

Alipin ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon