TWO WEEKS LATER
UNTI UNTI ng bumabalik ang pangangatawan ni Josh sa dati,bagamat hindi pa gaanong nagkakalaman ang katawan pero in a weeks more pa tuluyan na itong gagaling.But losing his memories is still remain,hindi pa rin sila kilala ni Josh maging ang anak nitong sobra niyang minahal noon ngayon ay parang wala lang.
Madalas na rin dumalaw sina Luke at Brix sa kanya at ang asawa ng mga ito katulad nila hindi rin naalala ni Josh ang mga kaibigan,naintindihan naman yon ng dalawa at masaya pa rin sila dahil muling bumalik si Josh kahit wala na itong alaala.
Nasa kanilang kompanya ang Papa ni Josh upang asikasuhin ang trabaho nila doon at trabahong naiwan ni Josh sa sarili nitong kompanya.Gusto rin sana ni Angeline hahawakan yon dahil related naman sa trabaho niya when she was in the US,pero ayaw ng mga magulang ni Josh na magtatrabaho,sa bahay lang daw ito at alagaan si Joshua which is okay naman sa kanya.Nag-email na rin siya a couple of weeks ago sa kompanyang iniwan niya sa US sinasabing hindi na siya makakabalik pa which is naintindhan naman ng manager dahil sinabi niya ang sitwasyon niya dito sa Pilipinas.
Kasalukuyang nasa terrace ng kwarto nila si Josh,nakita ito ni Angeline at sa isip niya baka may iniisip ang asawa,hindi pa rin nila sinabi kay Josh na mag asawa sila ang sinabi lang nila ay mga magulang nito si Alison at Rolando.Lumapit siya kay Josh at dala dala niya ang gatas na ipapainom sa asawa.
"Josh?agaw pansin niya dito.
Lumingon naman ito sa kanya at ngumiti,yes ganon pa rin ang ngiti ni Josh katulad pa rin ng dati.Pero hindi na ibig sabihin dahil masaya itong makita siya kaya nangingiti kundi paraan na lamang ng appreciation nito sa kanya dahil siya ang nag aalaga at nag aasikaso dito.Pero masaya pa rin siya at handa siyang maghintay kung kailan babalik ang alaala ni Josh at kung sakaling hindi na babalik pakikisamahan pa rin niya kahit ibang katauhan na siya para kay Josh.
"I brought some milk for you"aniya at binigay kay Josh.
"Thank you"anito sabay kinuha at ininom.
Lumapit pa siya kay Josh at hinawakan ang kamay nito,good things dahil hindi umiiwas sa kanya si Josh at nagpapaubaya lang ito.Wala pa rin naman nangyari sa kanila mula ng nagkamalay si Josh at wala din siyang balak makipagtalik sa asawa hanggat hindi pa niya nasasabing mag asawa sila.
"Josh kung may sasabihin ba ako sayo paniniwalaan mo ako?tanong niya dito.
"Wala naman yatang dahilan na hindi kita paniniwalaan lalo pa't wala akong maalala"sagot ni Josh.
Hinawakan niya ito sa mukha gamit ang magkabila niyang palad at tiningnan sa mga mata at tumingin din naman ito sa kanya.
"Hindi mo ba talaga ako maalala?tingnan mo ng mabuti ang mga mata ko Josh"aniya dito.
"I don't remember,though magaan ang loob ko sayo at sa anak mo pero hanggang doon lang yon.Mind you to tell me kung sino kayo sa buhay ko?ani ni Josh habang nakatitig sa kanya.
Ngumiti siya dito at nagsalita"iyon ang gusto kong sabihin sayo Josh kung sino kami sa buhay mo kaya tinanong kita kung paniniwalaan mo ba ako kung sakaling sasabihin ko"aniya.
"Okay go ahead"ani naman ni Josh.
"I'm your wife at anak natin si Jonas!aniya kay Josh.
Wala itong reaksyon sabay inubos lahat ang gatas at tumingin sa kanya.
"Sure?maikli nitong tanong.
"Yes"aniya din dito.
"Kaya mo ba ginagawa ang lahat ng ito dahil mag-asawa tayo?
"Ganon na nga Josh dahil gusto ko ring makabawi sayo sa nagawa ko bago ka inoperahan at nawalan ng alaala"
"Kung ganon masama ka palang asawa?seryosong tanong ni Josh.
Nabigla siya pero sympre naunawan niya si Josh kaya ngumiti pa rin siya at nagsalita.
"Masama siguro Josh dahil nung time na yon hindi ko alam na may sakit ka pala,kaya pinahirapan kita at pinagsasalitaan ng hindi maganda.Pero at the end na realized kong mali ako dahil mahal pa rin pala kita"aniya dito.
Natahimik si Josh at nakatingin lang ito sa kanya at nakita niyang malungkot ang mukha nito.
"May nagawa ba akong kasalanan sayo kaya mo nagawa yon?tanong ni Josh.
"Katunayan oo...nagawa mo rin akong saktan noon,pero nagsisi ka na at humingi ng tawad sa akin pero matigas ako at hindi kita pinatawad"
"Nasaktan kita?sa anong paraan?may kabit ba ako noon habang mag-asawa tayo?
Ngumiti siya at umiling ng sunod sunod saka sinagot si Josh.
"Hindi!wala kang ibang babae noon dahil sa akin ka lang naka focus kahit galit ka sa akin at sinasaktan,pina
kikisamahan mo pa rin ako dahil nga mag asawa tayo"
"Hindi kita maintindihan"wika ni Josh na halatang nalilito nga.
Bumuntong hininga siya atsaka kinuwento kay Josh ang lahat mula kung paano sila naging magkaibigan,at kung paano sila nakasal,at kung paano siya pinakikisamahan nito hanggang sa lumayas siya at iniwan ito at hanggang sa kung paano sila nagkita muli.Lahat lahat ng iyon kinuwento kay Josh bawat detalye at kaganapan at umaasang makakatulong ito para maalala ni Josh ang lahat.
Pagkatapos niyang mag kwento kay Josh ay nakita niyang lumuha itong nakatingin lang sa kanya.Hindi siya nagsalita at hinintay ang sasabihin nito.Pinahid niya ang luha ni Josh at ngumiti siya dito,maya maya pa ay nagawa ng magsalita ni Josh na halatang nasasaktan ito sa nalaman.
"N-nagawa ko yon sayo?g-ganon kahirap at kasakit ang pinagdadaanan mo sa piling ko Angeline?nauutal na tanong ni Josh sa kanya.
Ngumiti siya at hinawakan ang mukha ni Josh"OO...pero maniwala ka kinalimutan ko na yon at pinatawad na kita bago ka pa nawalan ng alaala dahil mahal na mahal kita Joshua!aniya dito.
"I-I'm sorry Angeline"tanging wika ni Josh at bigla siya nitong niyakap.
Ito ang unang yakap sa kanya ni Josh mula ng nagkamalay ito,ang sarap sa pakiramdam at ang saya saya niya.Gumanti siya ng yakap kay Josh at mahinang hinagod ang likod nito,narinig niya ang pagsinghot ni Josh at malamang umiyak ito.
"Josh?pansin niya.
"Patawarin mo ako Angeline kung nasaktan kita ng ganon"ani ni Josh na yakap pa rin siya nito.
"Humingi ka na ng tawad sa akin noon pa Josh at pinatawad na rin kita noon pa"sagot din niya at hinalikan sa pisngi si Josh.
"Kahit na...hindi ko maintindihan kung bakit ko ginawa yon kahit sinabi mo sa akin ang dahilan.Hindi pa rin tamang tratuhin kita ng ganon Angeline dahil babae ka pa rin na dapat respetuhin at tratuhin ng tama bilang asawa ko!ani ni Josh.
Hindi niya alam pero tila nalulungkot siya sa sinabi ni Josh,di kaya nasanay na siya sa Josh noon na palaging nagagalit at nananakit?bigla tuloy niya na miss ang dating Joshua.Baliw talaga.
"Hindi na importante sa akin yon Josh ang importante sa akin ngayon ang maalala mo kung sino ako at si Jonas"
Hiniwalay siya ni Josh mula sa pagkakayakap at tumingin sa mukha niya.
"Pipilitin kong maalala ang lahat Angeline at sana hintayin mo ang araw na magbabalik ang alaala ko"wika ni Josh.
"OO Josh maghihintay ako sayo...hintayin namin ang pagbabalik ng alaala mo...dahil kailangan mo ring maalala kung paano mo ako iniwanan ng alaala bago ka nagka ganyan Josh"aniya dito.
"W-what do you mean?naguguluhang tanong ni Josh.
Kinuha niya ang kamay ni Josh at itinapat sa manipis pa niyang tiyan sabay ngumiti siya dito.
"Baby you get me pregnant for second time"aniya kay Josh.
"D-did I?tanong ni Josh at tumingin sa tiyan niya.
Tumango siya at ngumiti kay Joshua at hindi ito nagsalita nakatingin lang sa tiyan niya.
"A-ayaw mo ba?mahina niyang tanong.
Kaagad umiling si Josh sabay tumingin sa kanya"Hindi naman sa ayaw ko,Gusto ko lang talaga maalala ang lahat Angeline,naguguluhan na ako ngayon"sagot ni Josh.
"Huwag mong pilitin ang sarili mo Josh maano ba't maalala mo rin kami"
"Mag-asawa tayo,nagkaanak tayo at ngayon magkakaroon na naman pero wala akong matandaan,pakiramdam ko tuloy napaka walang kwenta kong asawa at ama dahil kinalimutan ko ang responsibilidad ko sa inyo!ani ni Josh.
"No!Josh huwag mong sabihin yan..hindi mo ito kagustuhan,kagustuhan kong manatili ka pa sa amin kaya ka nagka ganyan.Matagal mo ng sinukuan ang buhay mo kapalit ng mga alaala namin sayo pero matigas ako at gusto ko pang lumaban ka.At dahil may awa pa ang Diyos kaya nandito ka pa rin kapiling namin,pero gagawin ko ang lahat Josh para bumalik ang alaala mo!aniya kay Josh.
Natahimik ito at nakita niyang nangingislap ang mga mata ni Josh na malamang maiiyak ito,inalis ni Josh ang kamay niyang nakahawak sa mukha nito at nagsalita.
"Papasok na ako sa loob"ani ni Josh sabay tumayo at diretso sa loob ng kwarto patungo sa bathroom.
Napapabuntong hininga niyang sinundan ng tingin si Josh at sa isip niya sana kahit hindi siya nito maalala hindi siya magawang ipagtulakan ni Josh.
DAHAN DAHAN siyang napapaluhod sa tiles habang umiiyak,hindi siya umiyak dahil wala siyang maalala kundi umiyak siya sa katotohanang nakalimutan niya ang kanyang mga magulang at mga kaibigan and the worst of all nakalimutan niya ang kanyang munting pamilya.Ang sarili niyang asawa't anak nawala sa kanyang memorya at pati ang pinagbubuntis ni Angeline ngayon hindi rin niya maalala.Naaawa siya hindi para sa kanyang sarili,naaawa siya sa mga mahalagang taong nakapaligid sa kanya.Ang kanyang mga magulang,kaibig
an at ang asawa niya daw at ang anak.At hiniling niya sana bumalik na ang alaala niya bago magsilang si Angeline ng pangalawa daw nilang anak.Masakit sa kanya ang katotohanan na parang bagong silang siya sa mundo dahil walang alam ni isa tungkol sa kanyang pagkatao.
Mula ng nagkamalay siya palagi niyang tinatanong sa sarili,ano bang nagawa niya sa kanyang kapwa kaya siya pinarusahan ng Diyos?Binawi ba nito ang alaala niya dahil marami siyang kasalanan?pero hindi pa rin niya mahanapan ng sagot hanggang ngayon.At ngayon ay mas lalo pa siyang nakaramdam ng galit sa sarili dahil sa nalaman mula kay Angeline na hindi niya akalaing asawa niya pala ito at ang batang si Jonas ay sarili niyang laman at dugo.At ngayon niya tuloy naisip na baka karma ito sa kanya dahil sa ginawa niya kay Angeline ayon sa kwento nito tungkol sa nakaraan nila.Nakaramdam siya ng matinding pagsisisi dahil sa mga nagawa niya noon lalo sa kanyang asawa.Gusto niyang bumawi kahit hindi niya alam kung paano kumilos ng tama dahil nga hindi niya alam kung anong ginagawa niya noon para kay Angeline upang mapasaya ito o mapagsilbihan bilang asawa nito.
Nung sinabi ni Angeline na mag asawa sila hindi na siya nagulat pa dahil noon pa man nung nagkamalay siya at mula ng makita niya ito katabi ang anak nito na anak pala nilang dalawa ay nakaramdam na siya ng kakaiba para dito,magaan ang pakiramdam niya kay Angeline at sa anak nito.At habang tumatagal na magkasama sila ni Angeline dahil ito ang nag aalaga sa kanya pakiramdam niya gusto niya na ito at hiniling na sana naging mag asawa na lamang sila dahil nga sobrang maasikaso at maalaga sa kanya si Angeline at iyong feeling na hindi siya naiilang kay Angeline kahit hawakan siya nito.Iyon pala dahil totoong mag asawa sila,halo halong emosyon ang nararamdaman niya ng malaman ang totoo.Masaya siya dahil totoo silang mag asawa ni Angeline at may anak pa sila at magkakaroon pa ulit ng anak.Pero nalulungkot din siya dahil wala siyang maalala sa kung paano sila magkasama ni Angeline.
"Lord I'm calling you to hear me out...thank you that you gave me a second life to stay with my family...and now I'm asking you my lord to give my memories back dahil gusto ko silang maalala,gusto kong maalala ang pamilya ko,ang mga kaibigan ko at ang asawa't mga anak ko!taimtim niyang dasal kasabay ng paglandas ng kanyang luha.
"Lord patawarin nyo po ako sa mga kasalanang nagawa ko lalo na sa asawa ko,bigyan nyo po sana ako ng pagkakataong maitama ko ang pagkakamali ko at nangangakong hindi na ako gagawa ng kasalanan sa asawa ko at sa mga taong nagmamahal sa akin!ulit niyang wika.
"Lord nakiki-usap po akong ibalik nyo sana ang nawawalang kong alaala,alaala kung saan ako nagmula"aniya pa at nagpahid ng luha.
Ilang sandali pa ng mahimasmasan na siya ay saka pa lumabas ng bathroom,tiningnan ang terrace kung saan nya iniwan kanina si Angeline pero wala na ito doon,dali dali siyang lumabas ng kwarto upang tingnan sa baba.Nadatnan niyang pinunasan nito ang likod ng anak nito...mali...anak nila palang dalawa,kararating lang marahil ng school bus dahil naka uniporme pa ang bata.Lumapit siya dito at tiningnan ang anak,ngayon niya tiyak na anak niya pala talaga ito dahil kamukha sila at iyon ang iniisip niya ng makita ito kung bakit sila magkamukha ng anak ni Angeline iyon pala ay galing ito sa kanya.
"Daddy?masaya nitong tawag sa kanya.
Sinundot siya ng konsensya dahil iniiwasan niya ang bata nitong nakaraang araw ni ayaw niyang tawagin siya nitong Daddy,minsan kinausap pa niya si Angeline na sabihan ang anak nitong huwag siyang tawaging Daddy.Nung sinabi niya yon nakita niya ang lungkot sa mga mata ni Angeline pero binaliwala niya lang.Ngayon niya napagtantong nasaktan niya ang kanyang mag-ina.Pero batid din niyang naiintindihan siya ng mga ito at nagpapasalamat siya dahil doon.
"Hi!maikli niyang sagot sa anak.
Tumingin naman sa kanya si Angeline at ngumiti ito sa kanya,nginitian din niya ito at kinausap ang anak.
"Can I hug you?aniya kay Jonas.
Alam na ni Angeline kaya ito sinabi ni Josh at masaya siya dahil naniniwala sa kanya ang asawa kahit papaano.
Kaagad naman lumapit sa kanya ang anak at niyakap siya nitoat niyakap niya din ng mahigpit ang anak saka hinalikan sa ulo.Naroon ang saya sa bahagi ng kanyang puso kasabay ng pagpintig ng puso niya dahil ito ang unang beses na nayakap niya ang bata dahil dati iniiwasan niya ito at pati si Angeline.Nakaramdam siya ng awa para sa kanyang mag-ina at iyon ang paulit ulit niyang binubulong sa sarili nawa'y pagpasensyahan pa siya ni Angeline.
"Daddy gusto nyo na po ba ako ulit?tanong ng anak.
Nanikip ang dibdib niya sa tanong ng bata kaya hindi niya napigilan ang sarili at muli itong niyakap ng mahigpit sabay ng pagtulo muli ng kanyang luha.
"I-I'm sorry son I'm really sorry! Jonas I didn't mean it okay?so please forgive me"aniya sa anak.
Hindi napigilan ni Angeline ang maiyak dahil sa wakas tinawag na nitong anak ang anak nila kahit hindi pa bumalik ang alaala nito.
"It's okay Daddy I understand you dahil sabi ni Mommy may sakit kayo kaya okay lang po yon"malambing na wika ng anak.
Hinalikan niya ito sa buong mukha at ngayon niya lang naramdaman ang ganito kasaya.
"Thank you son!aniya at kinarga ang anak"kung magaling na si Daddy lalabas tayo kasama si Mommy para mamasyal tayo okay ba yon sayo baby?aniya sa anak.
"Okay na okay po Daddy!mabilis na sagot ng anak.
"Josh huwag mo muna kargahin ang anak mo,mahina ka pa at ang taba taba niya baka mabinat ka"ani ni Angeline.
"It's okay I can manage Angeline gusto ko lang bumawi sa anak ko"ani ni Josh.
"Ayos ka lang mabigat yan eh"aniya pa.
"Yeah I can carry him"ngiting sagot ni Josh at muling pinaghahalikan ang anak.
"Daddy mabigat po ba ako?
"Uhm medyo pero malakas yata si Daddy kaya nakaya kang kargahin"
"Baka po mapagod kayo Daddy at makatulog ng matagal"
"No not anymore son...dahil mula ngayon hindi na ako matutulog ng matagal dahil pinagaling ni Lord si Daddy"
"Thank you po Lord at pinagaling nyo ang Daddy ko"ngiting wika ng anak.
Niyakap niya ang anak at niyapos naman siya sa leeg,tumingin siya kay Angeline at inabot ang kamay niya lumapit naman ito sa kanya at niyakap niya din ito.
"Thank you for giving me a sweet baby boy Angeline,and for another baby inside you.Most of all thank you dahil minahal mo ako mula noon hanggang ngayon!aniya kay Angeline kahit hindi pa niya tiyak ang nararamdaman niya para sa ina ng kanyang anak.
"Hindi rin sila mabubuo sa katawan ko kung hindi dahil sayo Josh,nagmula sila sayo at nagpapasalamat ako dahil naging parte ako ng buhay mo at sobrang proud ako dahil ako ang naging ina ng mga anak mo,ang lalakeng minahal ko mula noon hanggang ngayon at mamahalin ko magpakailanman!sagot ni Angeline sabay dinampian ng halik ang labi ni Josh.
Ngumiti sa kanya si Josh at akmang hahalikan siya nito ulit ng dumating ang mga magulang ni Josh.
"What a lovely image of loving little family!ngiting wika ng Mama Alison.
"Hija sinabi mo na ba kay Joshua?tanong naman ng Papa Rolando.
"Thank you po Mama...sinabi ko na po Papa"sagot ni Angeline sabay umupo sila sa sofa.
"Hijo how do you feel about it?tanong ng ama.
"I'm happy Papa even though hindi ko pa sila naalala at kayo,maaaring nakalimot ang isip ko kung sino kayo..at sino si Angeline at si Jonas sa buhay ko but I can say my heart didn't forget at all,I feel it Papa kaya ako naguguluhan"ani ni Josh.
"Heart doesn't lie hijo...follow your heart dahil kung alam mo lang kung gaano ka kasaya noon ng bumalik si Angeline,maaaring yan din ang nararamdaman mo ngayon kahit hindi mo siya maalala at ang anak ninyo dahil iyon ang utos ng puso mo"ani ng kanyang ina.
"Salamat Mama,Papa dahil nandyan kayo para sa akin..para sa amin ni Angeline"aniya.
Niyakap siya ng kanyang mga magulang at napaiyak siyang muli dahil maswerte siyang may mga magulang siya na sobrang bait,at asawa na maunawain at pasensyosa at ang anak na sobrang lambing.At higit sa lahat nagpapasalamat siya sa Panginoon na biniyayaan siya ng mabubuting tao at binigyan siya ng pangalawang buhay para makapiling pa ang kanyang pamilya.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤
BINABASA MO ANG
Alipin ng Pag-Ibig
General FictionMULA pagkabata ay magkasama na sina Luke at Ysa dahil sa iisang bahay sila nakatira.Anak ni Don Manolo si Luke at si Ysa naman ay ampon lamang ito ngunit itinuring nilang tunay na anak at kapatid ang turing ng binata dito.Dahil alam naman nilang par...