Chapter 3: Secret Garden
Cassie's Point of View
In just one phone call, My life suddenly became more joyful with these beautiful little angels got delivered on my doorstep. At last, I finally have someone to walk with me everywhere I go.
But first, I trained them to follow me because we'll be going out to the pet store to get them some collars. When they finally understood me, we went out.
I lead them to the pet store I always visit before because of the puppies and other sorts of animals that can be taken home.
Matagal ko nang gustong bumili ng aso para sa bahay pero naisip ko na baka ma-offend ko ang leader pag nakita nilang may nakataling aso sa bahay ko. Kase diba, they're werewolves, and they look exactly like dogs, except much bigger.
But since, binigyan na nila ako, at tatlo pa, I think that I don't have to worry about it because it's okay with them.
Pumunta ako sa may isle kung saan makikita ang iba't ibang supplies at mga laruan para sa mga pets tulad nalang ng bola, yarn, bowls, at iba pa. Kasama na rin dito ang mga scarfs para sa outfits nila.
Pumunta ako sa section kung saan makikita ang mga collar ng aso. Kumuha ako ng isang itim at dalawang puting collar para sa mga alaga ko.
Pumunta na ako roon sa counter para mapatatakan ko ang mga pendant sa mga collar na ito.
"Stay", sambit ko sa mga alaga ko.
Umupo sila sa sahig habang nakatingin sa akin. Humarap na ako muli sa counter at tinawag ang kung sino man ang nakabantay rito.
"Excuse me", tawag ko. May lumapit na matandang babae sa counter.
Humarap ito sa akin na may matamis na ngiti. Mayroon siyang salamin na nakapatong sa balingusan niya. May mga puting buhok na rin sa kanyang ulo na nakatali sa isang ponytail.
Magpapatatak po ako ng dog collar para sa mga alaga ko", paalam ko sa kaniya.
"Sige, hija. Sandali lang", sabi nito bago siya yumuko na animo'y may hinahanap sa mga shelf na nasa kaniyang tabi.
Maya maya'y may inilabas siyang clipboard at ballpen. "Akin na ang mga collar at isulat mo rito ang pangalan mo", turo niya sa bandang itaas ng papel. "Ilagay mo rito ang kulay ng collar at sa tabi naman ang pangalan ng alaga", dagdag pa niya.
Kinuha ko ang ballpen at nagsimula nang punan ng mga hinihinging info sa mga blank space.
Habang ako'y nagsusulat, naririnig kong tumatahol ang mga alaga ko. Sumisitsit lang ako ng saglit habang ipinagpapatuloy ang aking pagsusulat pero hindi parin sila humihinto.
"Shh, Be quiet", utos ko rito.
Binigay ko na ang clipboard sa matandang babae. Marahan niyang binasa ang mga info bago tumingin sakin.
"Tatlo ito, hija", sabi niya.
Tumango lang ako habang nakatingin sa kaniya. Tumingin siya sa likod ko bago tumingin muli sa akin.
"Nasaan ang isa?", tanong niya sa akin.
Tumalikod ako para tignan ang mga alaga ko. Namawis ako bigla at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong nawawala si Sunny.
Dali-dali akong kumuha ng pera sa bulsa ko at inilagay ito sa counter.
"KeepthechangeSalamatpo!", nagmamadali kong pagpaalam bago kumaripas ng takbo at binuhat ang mga tuta ko palabas ng pet store.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...