Chapter 23: Nothing
Ajax's Point of View
I mentally cursed when I suddenly saw Cassie lying unconscious in the middle of the street. Kagigising ko lang kaninang umaga nang maramdaman kong may masamang mangyayari until here she is. Sa lahat ng tao sa mundo, si Cassie pa?
Binuhat ko siya at dinala siya sa kotse ko para maipadala ko sa ospital. Sana naman malapit lang kasi hindi ko pa kabisado ang siyudad na ito. Binuksan ko yung GPS ng kotse ko at nilagay ito sa Voice search para mabilis. Pinaandar ko na ang makina ng kotse ko bago pa makapagsalita yung GPS.
"Where are you headed?"
"Find the nearest hospital", sagot ko.
Naghihingalo ako sa kaba. Sa tuwing makikita ko si Cassie na duguan sa aking tabi ay mas lalo akong nagpa-panic. If only I've noticed her sooner. Pinipilit ko na huwag tumingin sa kaniya ngunit natatakot ako na kapag mawala siya sa paningin ko ay mawalan na rin siya ng hininga.
Hinigpitan ko ang kapit ko sa manibela habang binibilisan ko ang pag-andar ko sa sasakyan. Ilang saglit lang ay nakaabot na kami sa pinakamalapit na ospital. Pinihit ko ang susi para mamatay ang makina.
"You have ar—"
Madiin kong pinindot ang button para mamatay ang GPS. "Shut up".
Lumabas ako mula sa aking sasakyan at tumakbo papunta sa kanilang gilid nito. Binuksan ko ang pinto kay Cassie at dahan-dahan ko siyang binuhat. Sinipa ko nalang pasara ang pinto para mabilis na ang pagdala ko kay Cassie sa loob ng ospital.
Pagpasok ko roon ay humingi ako ng tulong mula sa pinakamalapit na counter. Bigla kong napansin ang sarili ko sa salamin na malapit doon. Maputla na rin ang mukha ko sa kaba kagaya ng kay Cassie. Tumingin ako sa kaniya at hinawi ang buhok na nakaharang sa kaniyang mukha.
"Oh, Cassie. I-I'm sorry. I wasn't—"
Dumating ang mga nurse na may tinutulak na emergency bed. Kinuha nila sa akin si Cassie at dahan-dahan siyang inihiga sa kama na iyon. Sinundan ko sila nang tumungo sioa sa isang kuwarto na hindi ako pwedeng pumasok. Napahinto nalang ako sa may pintuan habang pinapanood na mapalayo sa akin si Cassie.
Hinimas ko ang mukha ko at binaon ang mukha ko sa aking mga palad. I'm really worried sick.
She'll be okay, I tell myself. She'll be okay.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Cassie's Point of View
I don't wanna wake up. I want to be free. Free from fear and threat. I wanna stay like this. I wanna stay quiet.
Unfortunately, a beeping sound woke me up out of my peaceful sleep. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa loob na ako sa isang maliwanag na puting kuwarto habang nakahiga sa isang malambot na unan.
Nadatnan ko si Ajax at Rick sa tabi ko na natutulog. Nakapatong ang ulo ni Ajax sa kama ko habang si Rick naman ay natutulog lang na nakaupo. Napansin ko ang kamay niyang nakapatong sa aking kamay. Binawi ko ang kamay ko para malaman niya na ako'y gising na.
Nagising siya sa galaw ko. Imbis na bitawan niya na ako ay mas lalo niya pang hinigpitan ang paghawak sa aking kamay. Agad akong napatayo sa pagkahiga ko.
Iminulat niya ang kaniyang mga mata at kinurap-kurap ito para ayusin ang kaniyang paningin. Nanlaki ang mata niya nang makita niya ako.
"Hey, umm... kamusta na pakiramdam mo?", tanong niya.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasiLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...