Chapter 9: Melting
Cassie's Point of View
Nang marinig namin ang bell, agad kaming umalis sa hardin at dali-daling tumakbo pabalik sa eskuwelahan. Malamang papagalitan kami dahil first day na first day, late agad kami sa unang recess.
Medyo natagalan kami sa pagbalik kasi inaalala ko pa kung saan kami dumaan nung papunta kami sa tambayan mula sa school. Pangalawang beses ko pa lang kaya ang papunta ko roon ever since na matagpuan ko ang lugar na iyon.
Nang makalabas na kami ng gubat at natagpuan na ang likuran ng school ay agad kaming dumaan sa mga hallway at pumunta sa aming classroom.
Pagdating namin doon, pinagtitinginan na kami ng aming mga kaklase kasama ang isang babaeng guro na sinusulat sa whiteboard ang kaniyang pangalan.
Napatingin ako roon at sinubukang basahin ang kaniyang pangalan sa whiteboard ngunit natigilan ako ng magsalita ito.
"You're late", sabi nito. Tinaasan niya kami ng kilay.
Kumamot ako ng batok dahil sa hiya.
"Sorry, Ma'am. We're late because...",
Natigilan sa pagsasalita si Miki dahil hindi niya alam kung ano ang idadahilan pero agad namang dinugtungan ni Rhea ang kaniyang sinabi.
"We're late because we got to the clinic to get some bandaids", dugtong niya.
"For whom?", tanong ng guro.
Napatingin sila sa akin bago magsalita. "For her", turo nila sa akin.
Hinawakan ako ni Rhea sa braso. May naramdaman akong malamig na idinikit sa akin ni Rhea sa braso ko.
Lumapit sa akin ang guro at tinignan ako sa mata. "Let me see".
Inilahad ko sa kaniya ang braso ko at doon nakadikit ang bandaids na sinabi ni Rhea na kinuha nila para sa akin. Napasulyap ako sa kanila at nahuli kong kinindatan ako ni Rhea.
"Hmm, alright", sabi ng guro.
Nauna nang naglakad pavalik sina Rhea at Miki sa kanilang upuan. Akmang maglalakad na ako nang magsalita ulit ang guro.
"Say, are you new here?", tanong niya.
"Yes, ma'am. My name is Cassie Rouxel", pagpapakilala ko sa kaniya.
Tumango lang siya. "Wonderful... Well then, you may now get back to your seat", sabi niya.
Tinalikuran niya na ako at naglakad papunta sa teacher's table at nagbuklat ng libro.
Naglakad na ako papunta sa aking upuan. Hinaplos ko ang braso ko na may bandaid. Diniinan ko iyon para mas lalong kumapit ang dikit. Hindi ko naman hahayaang masira ang pagpapanggap namin na galing nga kami sa clinic para pagtakpan ang pagiging late namin sa klase. Ang effort pa naman ni Rhea magdikit ng bandaid sa braso ko. Note the sarcasm.
Tumingin ako muli sa whiteboard at binasa ang sinulat ng guro.
Mrs. Melinda Ronaldo. Science
A Science teacher, huh?
Pinagmasdan ko ang guro mula ulo hanggang paa nang tumayo siya sa harap ng buong klase habang nagtuturo.
Nakasuot siya ng bilog na spectacles kagaya ng kay Harry Potter. Medyo maputla ang kaniyang kutis at pulang-pula ang kaniyang labi. May suot siyang crucifix na kuwintas, which is a bit odd for teachers to wear. Madalas ang sinusuot ng mga guro is mga gold na kuwintas na nakabalot lang sa leeg.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...