Chapter 36: Stay
Cassie's Point of View
"Ate, nakakaboring! Kausapin mo kami!", sigaw ni Miki habang hinahatak ang kamay ko.
Si Rhea naman ay nakayuko sa lamesa ng upuan ko. Kinukuskos niya yung mukha niya sa lamesa ko. Kanina ko pa siya tinataboy kasi baka maging pango na yung ilong niya pero bored daw talaga siya kase ayaw ko silang kausapin.
Wala talaga ako sa mood makipagdaldalan. Naiinis ako ngayon. Pero dahil sa hindi niya rin naman alam ang nararamdaman ko, naisip ko rin na magpapakasaya nalang ako para makalimutan ko ang nararamdaman ko sa kaniya.
"Oo na! Topic?", tanong ko sa kanila na parang nakikipagchat lang.
Tumigil sa paghatak si Miki sa braso ko. Itinaas naman ni Rhea ang kaniyang ulo at ipinatong ang kaniyang baba sa braso niya.
Nagkatinginan silang dalawa at nagtaas-baba ng kilay. Kumunot ang noo ko nang makita kong ngumiti sila na tila'y may binabalak silang masama. Siyempre yung pambirong masama lamang.
Mabilis silang kumuha ng kanilang upuan at pumuwesto sa harap ko. Nakatingin sila sa akin na para silang mga detective na nag-iinterrogate. Napalunok nalang ako sa kaba at diretsong nakatingin sa kanila.
Ipinatong ni Rhea ang kaniyang baba sa kaniyang palad habang ang siko niya naman ay nasa lamesa ng kaniyang upuan.
"Ano nang status niyo ni Rick?", tanong ni Rhea.
Iniwasan ko sila ng tingin at bumuntong-hininga. Naalala ko na naman yung nakita ko kanina. Paano pa kami magkakaroon ng status kung nagawa niya pa iyon sa akin?
Buwiset siya! Pag nakita ko pa silang dalawa, ingungudngod ko sila sa tae at ipapalunok ko sa kanila iyon!
"Ate, may problema ba?", tanong ni Miki.
Umiling lang ako at pumikit. Alam ko hindi halata yung pagtanggi ko pero wala talaga ako sa mood makipagdaldalan. Gusto kong mapag-isa.
"Excuse me...", paalam ko sa kanila.
Tumayo ako sa aking upuan habang nakayuko at lumabas ng kuwarto. Mahaba pa naman ang oras namin sa isang subject kaya nagbalak akong pumunta sa garden ko.
Pumunta ako sa loob ng gubat at hinanap ang teritoryo ko rito. Saglit lang akong naglalakad hanggang sa matagpuan ko na ang magandang liwanag na nagmumula sa hardin.
Tumuloy ako roon at nilanghap ang mabangong simoy ng hangin. Namiss ko agad yung magandang view ng garden na ito. Para talaga kasi itong painting na nabuhay.
Umupo ako sa tabi ng malaking lawa sa gitna ng hardin at dun ako namahinga. Wala akong naririnig kundi ang pagpapagaspas ng mga dahon sa puno dahil sa malamig na hangin.
"I wanna stay like this...", bulong ko sa aking sarili.
Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. Tumingala ako sa langit para tapatan ng liwanag ang mukha ko. Pinapakiramdaman ko ang init ng sikat ng araw na tila'y nakababad ako sa buhangin sa beach.
Hanggang sa makarinig ako ng ingay sa aking likuran na tila'y may naapakan na patpat sa di-kalayuan. Agad kong naimulat ang aking mga mata at tumingin sa aking likuran.
"Stay!", sabi nito habang tumatakbo papunta sa akin na may malaking espada sa kaniyang dalawang kamay.
Nanlaki ang mata ko dahil sa kaniyang gawi ngunit mabilis naman akong nakaalis sa aking puwesto para makailag sa kaniya. Huminto ako sa kaniyang likuran ngunit nahuli niya ako at sinakal ako sa leeg.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...