Chapter 17: Sleep
Cassie's Point of View
Here we go again... Drawn in the darkness, met by silence... as always. It seems like death but I don't feel it. Nararamdaman kong nakahiga parin ako sa isang malabot na higaan, hindi kagaya ng kapag ako ay lumulutang sa dilim. Damang-dama ko parin ang pagtibok ng aking puso habang ako'y humihinga pa.
It seems like I'm just... sleeping.
Sinubukan kong buksan ang mga mata ko ngunit hindi ko pa kaya dahil sa bigat nito. Hinayaan ko munang ipahinga ang sarili ko. Minsan lang akong mag-sleep in, lalo na't nasaksak pa ako. Pero syempre, hindi ko iyon ilalagay sa excuse letter ko.
Oo nga pala! Sina Miki at Rhea. Sina Ajax at Rick. Isang linggo palang sa school ay nag-aabsent na ako agad. Kung hindi lang mayaman si Kuya Grey, malamang nasa lower section na ako.
Nanahimik ang mga boses ko sa aking isip nang may marinig akong dalawang boses ang nag-uusap. Hininaan nila ang kanilang boses ng dahil sa akala nila'y tulog pa ako. Pinakinggan ko ang kanilang usapan ngunit nanatili akong nakapikit habang nakikinig.
"Kelangan niya nang gawin iyon para maging handa siya"
"Hindi pa pwede... Kelangan niya pa ng oras"
Naramdaman kong lumubog ng bahagya ang isang bahagi ng kamang hinihigaan ko sa bandang ibaba. Piling ko may nakaupo sa aking tabi. Nadama kong may humaplos sa aking noo na hinawi ang buhok sa aking mukha. Narinig kong bumuntong-hininga ito.
"Paano kung hindi pa niya kaya?"
"She needs to. Nauubusan na tayo ng oras. She needs to sleep"
Sleep? Natutulog na nga ako eh. Hindi ko maintindihan... Nagtatalo silang dalawa para sa pagtulog ko? It doesn't make sense. Bakit ayaw naman akong patulugin ng isa?
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Kumurap-kurap ako para luminaw ang aking paningin. Nakita kong si Kuya Grey at Kuya Richard pala kanina pang nag-uusap. Tanaw sa kanilang mukha ang pag-aalala.
Napahawak ako sa aking sikmura na ngayon ay nakabalot na ng bandages. Akmang tatanggalin ko ito nang hawakan ako ni Kuya Grey sa pulso para pigilan ako sa pag-alis nito.
"You're not healed, yet"
"I feel like I am already"
Inagaw ko sa kaniya ang aking sariling kamay para tanggalin ito. Nang maialis ko na ang huling kapirasong bandage, pinagmasdan ko ang aking sugat. Hindi na ito nagdudugo ngunit ito ay nakabuka parin.
"Sabi sayo eh", pinadapo ni Kuya Richard ang kaniyang daliri sa buka ng aking sugat. Kahit mahapdi ay tiniis ko kase sanay na rin naman akong masaktan at magtiis hanggang sa mawala ang sakit. Lumiwanag ang daliri ni Kuya Richard na nagdulot ng pagsara ng aking sugat dahil sa kaniyang mahika.
"Thanks"
Tumango lamang siya. Inalalayan nila ako sa aking pagtayo hanggang sa paglalakad. Paglabas namin ng tent ay nadatnan kong palubog na naman ang araw. Ganun naman ako lagi. Kanina lang ang aga ko. Natulog lang ako, paggising ko hapon na agad.
"Salamat, Kuya", sambit ko.
Nagkatinginan silang dalawa. Biglang lumitaw ang ngiti sa kanilang mukha bago muling humarap sa akin.
"Aling Kuya: ako o siya?", tanong ni Kuya Grey.
Napairap nalang ako sa kapilosopohan niya. Heto namang si Kuya Richard nakikisabay rin sa trip nito. Pareho ko silang hinampas sa dibdib ng sabay. Si Kuya Richard naman humawak sa dibdib na akala ko namang ninakaw yung puri niya.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...