Chapter 43: Third
Cassie's Point of View
After namin mag-celebrate about sa pagkakakilanlan namin sa isa't isa. Tumungo kaming magkakaibigan sa gilid ng swimming pool na nasa labas lang ng sala habang ang mga ginang at ginoo ay nanatili sa sala. Nakalubog ang aming mga paa sa tubig ng swimming pool.
"Akalain mo nga namang tito mo pala si Sir, noh?", sabi ni Rhea na nakaakbay pa sa akin.
Tumango ako. "No wonder na ang guwapo ni Sir.", nangingiting sabi ni Miki habang pinaglalaruan ang tubig gamit ang paa niya.
"Sus. Mas pogi naman ako sa kaniya.", pagmamayabang ni Ajax.
Sina Miki at Rhea ay tinitigan siya ng masama. "Panira ka, alam mo yon?", naiinis na sabi ni Rhea at tinanggal ang braso niyang nakaakbay sa akin.
Umiwas lang ng tingin si Ajax at sumipol sa hangin na parang wala talaga siyang naririnig. Ibinaling naman nina Rhea at Miki ang kanilang tingin kay Rick na katabi ni Ajax.
"Hoy, ikaw!", turo ni Rhea kay Rick na siyang tinaasan lang ng kilay ni Rick. "Ano nang balak mo sa bestfriend ko?", tanong niya.
Pasimple kong siniko si Rhea sa tagiliran niya para humarap sa akin. "Jusme naman, tumigil ka nga.", pabulong kong sabi.
Hindi ko agad namalayan na tumayo na pala si Rick mula sa kaniyang puwesto kanina at tumabi sa akin. Kinuha ni Rick ang kamay ko at hinalikan ang likod nun. Nakaawang ang mga labi nila Rhea at Miki habang nakatingin sa amin ni Rick.
"Kami na.", sambit ni Rick.
Nahihiyang napangiti nalang ako sa mga kaibigan kong nanlalaki ang mga matang nakatingin sa amin. Si Ajax naman ay nakangisi lang sa amin na tila'y alam niya na kung anong meron kami ni Rick.
"OMG! Totoo? As in? Hindi nga? Weh? Walang halong bi—", natigilan sa pagtatanong si Rhea nang bigla siyang sampalin ni Miki sa mukha.
"Oo nga raw! Kakasabi lang eh!", singhal ni Miki.
Hinaplos ni Rhea ang pisngi niyang sinampal ni Miki. "Ang sakit nun... Cassie, away niya ako...", pagmamaktol ni Rhea na parang bata.
Natawa kaming lahat sa pinaggagagawa naming kalokohan sa sarili. Halos mahulog na sa pool si Ajax sa kakatawa na mas lalo pa naming ikinatawa dahil sa nakita naming reaksiyon na nakakatawa sa kaniyang mukha.
"Mukha kang nakakita ng multo!", natatawang pang-asar ni Rick habang nakaturo kay Ajax na naghihingalo sa gulat.
"Grabe, hindi ako ready.", sabi ni Ajax. Pareho kasi silia ni Rick na nakasuot pa ng tuxedo at nakatupi lang ang kanilang pantalon hanggang tuhod. Ayaw niya atang mabasa kaya ganun nalang ang reaksiyon niya.
Masaya kaming nagtatawanan na parang walang priblemang nagaganap hanggang sa inabutan kami ni Sir— este Tito Lucero na lukot ang mukha na tila'y may bahid na katapangan sa kaniyang mukha.
"Magbihis kayong lahat, ngayon din.", utos niya bago pumasok muli sa sala.
Nagkatinginan kaming magkakaibigan na nakakunot ang noo. Hindi namin alam kung ano na ang nangyayari pero sinunod namin ang kaniyang utos at sabay-sabay na inangat ang aming mga paa sa tubig at tumayo para pumasok sa loob ng sala.
"Anong nangyayari?", tanong ko ngunit wala ni isang sumagot sa aking tanong.
Nagkukumpulan sila sa sala at nasa gitna si Ninang Winda na mariing nakapikit at nakayuko. Nagtataka ako kung bakit nila pinapaligiran si Ninang. May masama bang nangyayari? Andito na ba siya?
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantastikLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...