Chapter 33: Mad
Cassie's Point of View
My friends' lips were all trembling with fear and their hands are all shaking nervously. They kept looking from left to right to see if he is around, watching us.
This was all my doing. I didn't listen. Now our lives are in danger.
Pero hindi ko naman pwedeng ihinto ang misyon ko. Kailangan kong iligtas ang mundo kahit hindi alam nito ang ginagawa ko para sa kanila.
The bell rang so loud that warns us that recess time is over. Mga mag-aaral ay nagsisibalikan na sa kani-kanilang classroom at ang iba naman ay nakaupo parin na tila'y wala silang pakialam kung male-late sila.
"Tara na...", anyaya ni Rhea habang dahan-dahang tumatayo.
Hindi ko naman siya masisisi kung sobra siyang natakot sa kaniyang karanasan kanina na makita ang diyablo ng ganito kaaga. Lagi nalang siya nagpapakita sa akin, ngayon nadamay na sila.
Sumunod kami sa kaniya habang ang dalawang lalaki naman ay nagpaalam at humiwalay sa amin dahil sa magkahiwalay nga kami ng classroom. Tahimik ang aming paglalakad hanggang sa makarating na kami sa classroom namin.
Unang bumungad sa harap ko sina Kayla, Clary, at Sherry na naghahanap na naman ng away.
"Hey, freak! Akin na assignment mo!", pasigaw na pag-utos nito sa akin.
Narindi ako sa kaniyang pagsigaw kaya napakamot ako sa aking tenga. "Maraming assignment, Kayla. Ibibigay ko ba lahat?", sabi ko.
Marahan siyang natawa at humakbang papunta sa akin. Hinawakan niya ang kuwelyo ko at hinila ako pataas ngunit nanatili ang paa ko sa sahig. Bully lang siya, hindi naman siya matangkad... or malakas.
"Ikaw ang gagawa ng lahat para sa akin.", sabi niya. "Pag hindi, kakalbuhin kita.", pagbabanta niya pa.
Napansin kong hindi gumagalaw sina Rhea at Miki ngunit nakikita ko ang tinatagi nilang galit dahil sa pagpapakita nila ng nga nakakuyom na kamao at naninigas na panga.
"Go ahead, It'll grow back anyway.", panghahamon ko.
Agad na nanlisik ang mata niya at kumapit sa buhok ko ngunit bago niya pa ito mahila ay agad ko siyang sinuntok sa sikmura kaya agad niya rin akong nabitawan.
Tanaw sa mukha ng aking mga kaibigan ang mangha at gulat naman ang kila Clary at Sherry. Tinakbuhan nila si Kayla na nakahawak ngayon sa kaniyang tiyan. Inalalayan nila si Kayla sa pagtayo habang paulit-ulit na tinatanong kung okay lang ba siya.
"Mag... babayad ka... shit.", pagturo niya sa akin ngunit napahawak siya muli sa kaniyang tiyan.
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit. But something inside automatically switched from calm... to mad.
Kinuyom ko ang aking mga kamao at lumapit sa kanila. Itinulak ko palayo sina Clary at Sherry paalis kaya bumagsak muli sa sahig si Kayla. Hinawakan ko siya sa leeg at hinila pataas hanggang sa hindi na dumapo ang mga paa niya sa sahig.
"I already did...", I whispered.
I watched her madly as she choke while clawing my hands out of its grip. I feel that I kinda like it when I see her so vulnerable in my grasp. I strengthened my firm grip on her neck as I smile widely.
I can hear people around us gasp at the scene. I felt a hand pull my shoulder backward but I stayed in my stance.
"Cassie, Stop!"
Unti-unting napawi ang ngiti sa aking mukha nang mapansin kong napapapikit na si Kayla sa pagsakal ko sa kaniya. Actually, I didn't thought of what I was doing before I saw her face right now.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...