Chapter 18: Voices
Cassie's Point of View
Nagising ako ng mga alas-singko ng umaga para maisama ko na ang mga alaga ko sa pagpasok. Friday na rin naman ngayon kaya isasama ko na sila. Tumayo na ako mula sa kama ko at bumaba na papunta sa kusina.
Nagsalang ako ng mainit na tubig. Ipagluluto ko nalang sila ng pancit canton kase matagal na rin kaming hindi nakakakain ng noodles o pasta. Habang nagluluto ako, dinala ko ang mga alaga ko sa sala para pagbuksan sila ng TV.Iniwan ko lang sila doon para malibang ng saglit habang nagluluto ako. Kumuha ako ng supot ng tinapay mula sa cupbiard at nilagay iyon sa may kitchen table. Nang makita kong kumukulo na ang tubig, inilagay ko na roon yung pancit bago halu-haluin.
Tinakpan ko yung kaserola habang naghihintay ko itong maluto. Habang nakaupo ako roon sa kitchen table, may mga naririnig akong mga kakaibang boses mula sa sala. Sumilip ako sa mga alaga kong asong nanonood. Binaliwala ko nalang iti at inisip na sa TV lang nanggaling ang mga boses na iyon.
Bigla kong naalala ang mga pangyayari kagabi bago ako matulog nun. Kagabi, may narinig akong boses na bumati sa akin ng pagtulog.
'Sleep, my Queen'
Woah! Ginawa pa akong reyna. Pero sino iyon?
Nagulat ako nang bigla akong tahulan ni Moonie. Tinatahulan niya ako na tila'y may nakalimutan ba ako. Kumunit ang noo ko nang makita kong umaapaw na ang tubig sa kaserola.
Agad kong pinatay ang apoy sa kalan. Tinanggal ko ang takip ng kaserola at hinalo ang noodles sa loob. Buti nalang at hindi malabnaw kaso dumikit naman sa ilalim ng kaserola yung noodles. Bumuntong-hininga nalang ako sa hangin. Kumuha ako ng strainer at sinala ang noodles mula sa tubig.
Habang ibinubuhos ko ang laman ng kaserola sa strainer, may narinig akong pambabaeng boses sa aking likuran.
"Careful, my Queen..."
Nilingon ko iyon para mahanap ang nagsalita ngunit wala akong nakitang sinuman kundi ang alaga kong si Moonie na nakaupo sa sahig habang pinapanood ako.
Sa pagsuway ng utos mula sa misteryong boses, bigla akong napaso sa mainit na tubig. Nabitawan ko ang kaserola at bumagsak ito sa aking paa. Ngayon naman ay napaso narin ang aking paa na nagdulot ng aking pagbagsak sa sahig ng kusina.
Lumapit sa akin si Moonie at dinilaan ang kamay ko. Sa hindi malamang paraan, narinig ko na naman ang boses. Ngayon ay narinig ko iyon mismo mula sa bibig ni Moonie.
Nanlaki ang mata ko habang gumagapang paatras hanggang sa magdikit ang likod ko sa paa ng lamesa. Nakahawak ako sa aking dibdib habang pinoproseso sa aking utak kung paano iyon nagawa ng isang simpleng aso. Hindi ko masasabing literally na simple pero aso iyon, My goodness!
Dumating naman ang dalawang aso mula sa sala at tumabi kay Moonie habang nakatingin sa akin. Nagtitinginan silang tatlo na animo'y nag-uusap sila sa kanilang isipan. Kumunot ang noo ko habang pinapanood ang mga alaga ko sa aking harapan.
"A-Ah... K-Kayo ba... I-Ikaw ba iyon, Moonie?", tanong ko, hoping na magsasalita siya ulit.
Tila'y naintindihan niya ang sinabi ko, lumapit siya sa akin at pinatong ang kaniyang paa sa aking hita. Inilapit niya ang kaniyang nguso malapit sa aking mukha.
"Don't be afraid, my queen. We won't hurt you.", sabi ng isang pambabaeng boses na malinaw na malinaw sa akin na galing talaga ito kay Moonie.
Oh my god! She can talk!
Nanlalaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang aking alaga na ngayon ay nakatitig sa aking mga mata. Dahan-dahan kong iniangat ang aking kamay at hinimas ang balahibo ni Moonie.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...