Chapter 46: Ready
Cassie's Point of View
Nagpaalam na ako sa mga archangel, maliban kay Archangel Azrael na ihahatid ako sa baba. Medyo matagal kaming nagyakapan bago pa ako nila ako bitawan para sa gagawin kong pakikipaglaban sa sariling ama.
"Bye, mama. I'll miss you.", paalam ko kay Mama na nakayakap pa sa akin.
"Stay safe, sweetie. I'll watch over you.", pangako niya at hinalikan ang noo ko.
Nagpapaalam na ako at tumalikod para sumama kay Azrael. Habang abala sa paggawa ng portal si Azrael, lumingon ako muli sa mga natitirang archangel, lalo na kay Mama ko.
She has that sweet smile but her eyes says otherwise. It looks sad, but filled with trust. She blowed me a kiss and I waved goodbye. After that, I knew that this isn't the last goodbye.
"Come on now, milady Cassie.", tawag sa akin ni Azrael na nakatayo na sa loob ng portal na na gawa sa madilim na ulap. Sumunod na ako sa kaniya at pinanonood ang aming paligid na unti-unting bumabalot ang madilim na ulap sa amin.
Naramdaman ko nalang na humawak sa kamay ko si Azrael. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong may ngisi sa kaniyang mukha.
"Hold on. It's kinda bumpy.", bilin niya sa akin.
Napalunok nalang ako sa kaba nang may mga kidlat sa paligid namin. Bago pa ako makatingin sa inaapakan namin ay naramdaman ko nalang ay nahuhulog na kami pababa.
Hindi ako makagawa ng ingay sa sobrang gulat. Nahuhulog na kami ngayon pero hindi ko alam ang gagawin ko. Dumako ang tingin ko kay Azrael na kalmado lang at nakakrus pa ang mga braso sa dibdib niya.
Sinusubukan kong huminga ng malalim ngunit lagi akong tinatakasan ng hininga kaya mas lalo akong natatakot. Hindi ko makiya ang huhulugan namin dahil nakapahiga ang puwesto ko habang nahuhulog.
Maya-maya'y humawak na siya ulit sa kamay ko habang tuluyang nahuhulog parin kami. Hinila niya ako palapit sa kaniya at yumakap sa beywang ko. Nakatapat na ang mukha namin sa isa't isa kaya umiwas ako ng tingin kasi nakakailang na.
"May mga pakpak ka ba!?", pasigaw na tanong niya para marinig ko siya.
Nanlalaki lang ang mga mata ko dahil sa malakas na hangin. Napatingin ako sa baba ngunit wala akong makita kundi kadiliman parin.
"M-Meron! K-Kaso... U-Uhm, matagal ko n-nang hindi nasusubukang l-lumipad!"
Hindi ko man narinig pero nakita ko siyang bumunyong-hininga. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.
"Close your eyes and breathe. You're going to need it.", utos niya.
Oh my god... Mas lalong bumilis yung paghinga ko sa kaba. Lalaglag na ba kami para gamitin namin iyon?
Nanlaki ang mata ko nang bitawan ako ni Azrael at nilabas ang itim niyang mga pakpak para makalipad habang ako ay naiwang nahuhulog parin.
Urgh! That freaking angel left me hanging here!
Wala na akong magagawa. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Wala namang magagawa yung pagrereklamo ko samantalang nahuhulog na nga ako.
Okay, breathe... just breathe. I can do this. I'm going to die if I can't...
Inhale...
Exhale...
Inhale...
Exhale...
Nararamdaman kong may kirot na sa likod ko na lumalabas na ang mga pakpak ko. Ilang saglit lang ay kusa nang pumagaspas ang mga pakpak ko para huminto at lumutang ako sa ere.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasíaLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...