Chapter 15: Shine
Cassie's Point of View
Pagpasok ko sa aking unit ay agad akong tinakbuhan ng mga alaga ko. Hinimas ko ang kanilang balahibo like always. Umupo ako sa sofa at nilapag ang bag ko sa mesa. Biglang tumalon si Smokie sa hita ko bago dilaan ang mukha ko. Napansin ko na mas maharot siya ngayon kesa sa dati. Madalas antukin siya.
Habang dinidilaan niya ang mukha ko, napansin kong wala pa pala silang collar. Hindi ko pa nakukuha yung pinatatatak ko noon. Ayoko naman na kapag may nakahanap sa kanila sa labas at sa ibang bahay na sila dumiretso.
Tinignan ko ang oras mula sa cellphone ko. Alas-sais pa lang kaya malamang bukas pa iyon.
Tumayo na ako sa sofa at umakyat ng hagdan. Mas nauna pang pumasok ang mga alaga ko sa kuwarto na akala mong sila pa ang magbibihis. Pagkarating ko sa pintuan, napahinto ako sa harap dahil may napansin akong may ilaw mula sa loob ng kuwarto sa ilalim ng pintuan.
Hindi ko naman iniwan yung ilaw sa loob bago ako umalis kaninang umaga.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, nag-eexpect na andun si Ruby pero wala. Ang mga alaga ko lang ang nasa loob. Nakahinga ako ng malalim, ngunit natigilan ako na nagsimula na naman ang liwanag sa kung saan.
Sinundan ko kung saan nanggagaling ang liwanag. Dinala ako nito papunta roon sa basket ng marurumi kong damit. I mean, seriously? Akala ko dadalhin ako neto sa kung saan mang misteryoso.
Umiling nalang ako at naghalungkat roon. Buti nalang hindi ako pawisin kaya hindi mabaho ang mga damit ko rito. Nang mahalungkat ko na ang pinakailalim, nakita ko roon ang kuwintas na natanggap ko kagabi. Yung mula roon sa matandang babae sa tindahan.
Umiilaw ang kuwintas na tila'y nasisinagan ito ng buwan. Napansin ko rin na gumagalaw ang pagkinang nito. Kinuha ko ito mula sa basket at pinagmasdan ko ito sa aking kamay. Ano naman kaya ang ibig sabihin nito?
Nanlaki ang mata ko nang lumakas ang pagliwanag nito at sa isang iglap ay nasa ibang lugar na ako. Imbes na madilim ay nandito ako sa isang napakaliwanag na lugar. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Piling ko ay nasa langit ako... muli.
Natigilan ako sa aking kinatatayuan nang may isang taong nakatayo sa aking harapan ngunit ito ay nakatalikod sa akin. Nilapitan ko ito at tinapik ko ito sa balikat. Naramdaman kong may bumara sa lalamunan ko ng maisipan kong magtanong rito.
"U-Um, nasaan po ta—"
Dahan-dahan itong humarap sa akin. Napaatras ako nang makita ko ang mukha niyang nakangiti sa akin. Kumunot ang noo ko habang nakaawang ang aking bibig.
Para akong nakaharap sa kambal ko...
Lumawak ang ngiti niya sa akin nang lapitan niya ako pero pinanatili nito ang distansiya sa aming dalawa. Kagaya ko ay may pakpak rin siya.
Kanina lang ay nakangiti siya sa akin. Nakaramdam ako ng kaba nang napawi ang ngiti sa kaniyang mukha at tinitigan ako ng walang emosyon.
Unti-unti ay nagiging itim ang kaniyang pakpak at nagliliyab ang ngayong pula niyang mata. Napapalibutan kami ng naghahalong kulay itim at lilang apoy ngunit hindi ako nakakaramdam ng init. Napaatras ako sa takot na nagdulot ng aking pagkatisod hanggang sa tuluyan akong bumagsak sa sahig.
Sa aking kamay ay biglang lumiwanag ang kuwintas na kanina pa nitong ginagawa. Sa hindi inaasahan, lumabas ang puting usok mula rito. Napawi nito ang apoy sa paligid bago nito palibutan ang taong nasa harapan ko na hanggang ngayon ay nagliliyab parin ang mga mata.
Pinanonood kong lumuhod sa harap ko ang babaeng bumalik sa pagiging 'mabait' habang nakangiti ito sa akin. Nanatili ang mga itim niyang pakpak at suot niya pa sa leeg niya ang kuwintas na hawak ko.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...