Chapter 5

1.7K 44 2
                                    

Chapter 5: First Day

Cassie's Point of View

I woke up early as always in the morning. Pero parang may nararamdaman akong kakaiba sa paghiga ko. May nararamdaman akong mabalahibo sa tagiliran ko pati na rin sa hita ko.

Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nakita ko ang mga alaga ko na nakahiga sa kama ko. Si Smokie ay nasa hita ko habang si Sunny naman ay nasa kabilang hita ko. Napansin kong nawawala si Moonie dahil wala siya sa kama.

Nagulat ako nang bigla nalang tumahol si Moonie na ngayon ay nasa pintuan ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglaang pagtahol niya. Masyado pa namang malaki ang kuwarto kaya nag-echo ang pagtahol niya.

"So you're a morning person, huh?", sabi ko sa kaniya.

Tumalon siya papunta sa kama at dinilaan ang mukha ko. Mahina akong natawa sa sigla niya. And then I realized something.

"Ay sorry, aso ka pala", sabi ko sabay peace.
Dahan-dahan akong tumayo para hindi muna magising sina Sunny at Smokie. Paglabas ko ng pinto ay sumunod sa akin si Moonie. Pagbaba ko ng hagdanan ay biglang nag-ring ang telepono. Agad ko naman itong pinuntahan at kinuha.

"Yes?", tanong ko habang humihikab.

"Hey, Good morning", bati niya. "Morning", sagot ko naman.

"Pinapasabi ni Boss na suotin mo raw yung nasa sofa mo", sabi niya.

Tumingin ako sa sofa at may nakita akong damit na nakalapag sa sofa. Isa itong school uniform.

"Bakit uniform?", tanong ko.

"Eh sabi niya papasok ka raw sa school. Yung address nakalagay dun sa card na nasa mesa", pagpapatuloy niya.

I groaned in frustration. "Ayoko pang pumasok", tamad kong sabi.

"Geez, Cassie. Ayaw mo naman siguro na makulong habang-buhay diyan", sabi niya.

Actually, she's right. Ayokong mag-stay dito. Gusto kong lumabas at magpunta sa kung saan.

"Fine, I'll go", sabi ko.

"Bilisan mo na, alas-otso ang pasok mo", utos niya. "Ang aga pa kaya, jusme", kontra ko.

Tumawa lang siya. Lagi kase siyang maaga sa lahat kaya kahit kailan ay hindi aiya nale-late sa trabaho niya. Kobti na nga lang maging nanay ko na iyan sa kakamadali sa akin. Pero mas Okay na rin iyon kase may motherly figure ako sa buhay ko.

"Basta bilisan mo na. Mas okay nang maaga kesa late", bilin niya.

"Edi sana ininform mo rin ako ng maaga", pang-aaway ko.

Humalakhak lang siya sa kabilang linya bago siya nagpaalam na ibinaba ang telepono.

Pumunta ako sa sala para kunin yung uniform sa sofa bago umakyat sa kwarto ko. Pinagmasdan ko ang uniform sa salamin.

"Ang cute", sabi ko.

Kulay navy blue ang blouse na may patch sa kaliwang bahagi ng dibdib. Kulay dark blue naman ang palda na above the knee with matching white stockings na sapat na para matakpan ang tuhod ko.

Inilapag ko na ito sa kama ko bago pumasok sa loob ng CR para maligo.
Pagkalabas ko ay agad ko itong sinuot para malaman kung kasiya ito sa akin.

Pagkasuot ko ay humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili habang nasa likod ang amg kamay ko.

Nang makita ko na ang aking sarili ay para akong estudyante na nag-aaral sa Korea na konti nalang tabunan pa ako ng autumn leaves. Wala sa sariling natawa ako sa aking sarili dahil sa pinag-iisip ko.

Inhuman Nature (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon