Chapter 38: Dark Side
Ajax's Point of View
"Puta, kadiri!". Kanina lang nakaapak ako ng patay na daga sa damuhan. Ngayon, tae naman ang maaapakan ko. Anong hayop naman kasi ang tatae dito na tinataguan pa ng damuhan!? Buwiset!
Sinitsitan ako agad ni Rick. "Manahimik ka nga diyan! Mas maarte ka pa sa babae kung magreklamo."
"Salamat, pre. Sige, balik nalang ako sa scho—", akmang hahakbang na ako palayo nang pigilan niya naman ako.
"Huwag kang aalis kundi tatabunan kita ng tae sa mukha mo!", pagpigil niya habang nakaturo sa akin.
Tinaas ko na lang ang dalawa kong kamay sa ere bilang pagsuko. Ayoko namang lumapit pa siya sa akin at sapakin ako o tabunan pa ako ng tae. Tao din ako. Nasasaktan at nandidiri din ako.
Sumunod nalang ako sa kaniya ng tahimik at nag-ingat na ako sa paglalakad kung sakaling may tae pang nakakalat sa lupa na nakatago lang sa mga damuhan.
Pagsapit ng tanghali ay lalong uminit ang sikat ng araw at lalo kaming napapagod sa paglalakad, lalo na dahil ubos na ang tubig na dala namin. Huminto muna ako sa paglalakad dahil sa pagod. Yumuko ako humawak sa dalawang tuhod ko para habulin ang aking paghinga.
Habang hinhingal ako sa pagod, nakita kong patuloy parin sa paglalakad si Rick at hindi man lang ako binalingan ng tingin. Grabe, seryoso talaga itong lalaking ito sa paghahanap kay Cassie. Kung hindi ko pa yata siya sasabihan, malamang nagsasayang na ng oras iyon sa classroom.
Hinabol ko siya at tinapik sa braso para naman tumigil ito ng saglit para makapagpahinga siya. Pero hindi eh. Hindi man lang niya pinansin ang pagtapik ko sa kaniya at tumuloy lang sa paglalakad na para siyang hindi napapagod sa sobrang init ng araw at layo ng nalakaran namin mula sa school.
"Hoy! Tumigil ka nga muna diyan!"
"Kailangan nating mahanap si Cassie ngayon din!"
Napailing nalang ako sa dismaya. Para talagang gago 'to. Kung hindi ito titigil ngayon, patay na siya bago niya pa mahanap si Cassie. Ililibing ko pa ang bangkay nito bago ako makauwi.
Hinabol ko siya ulit sa paglalakad. Imbis na tapikin ko siya sa braso, tinulak ko nalang siya para naman matinig ang gagong ito.
"Ano ba! Tumigil ka muna kundi papatayin kita ngayon din!".
Sa wakas, huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Naku, lagot. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya na naman ang kuwelyo ng polo ko. Naalala ko bigla na naka-uniform parin pala ako. Okay, here we go.
"Ano bang problema mo? Ha? Ayaw mo bang mahanap agad si Cassie!?".
Nagpumiglas ako sa kaniyang pagkapit sa kuwelyo ko at hinarap ko siya. Sumosobra na talaga ang lalaking ito. Nawawala na siya sa tamang huwisyo niya. Okay lang mag-alala, huwag naman sana pang-gago ang dating. Ang OA niya eh!
"Gusto ko ring mahanap si Cassie, gago ka! Kaibigan ko siya kaya nag-aalala ako! Kung hahanapin natin siya, umayos ka naman at magpahinga ka muna kundi nasiraan ka na ng ulo bago pa natin siya mahanap!".
Hinabol ko ang aking hininga matapos ko siyang pagsigawan. Buti naman gumana kasi sumalampak siya sa damuhan at niyuko ang ulo. Bumalik na siya sa kaniyang sarili at naisipan na ring magpahinga.
Balak ko rin sanang sumalampak sa damuhan kaso nung may nakita na naman akong tae na malapit sa puwesto ko ngayon, hindi na ako nag-abala pa.
Sa paglingon ko sa likuran ko, hindi ko inasahang may iba pa pala kaming kasama sa initan. Mukha namang hindi siya naiinitan kasi nakatrench coat pa siya at suot niya pa ang trademark na gintong relo sa kaniyang kamay.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasíaLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...