Chapter 12

1.3K 39 0
                                    

Chapter 12: Wakeful

Cassie's Point of View

Naabutan kong kumakain na ang mga alaga ko nang makauwi ako galing school. Malamang pinakain sila ni Ruby. Naiwan ko sila rito kanina dahil sa na-late ako ng gising kaya hindi ko sila naisama sa pagpasok. Buti nalang na hindi sila pinabayaan ni Ruby.

Lumapit sila sa akin nang madatnan nila akong kakauwi lang. Lumuhod ako at hinimas ang balahibo nila sa ulo. I've missed touching their fur that feels like a fluffy pillow.

Umakyat ako sa aking kuwarto at ibinagsak ang sariling katawan sa kama. Napanhiwi ako nang maramdaman kong may tumusok sa aking tagiliran. Dumukot ako sa bulsa ng aking palda at nakuha ko rito ang biscuit na binigay sa akin ni Sir Lucero kanina. Hindi ko pa pala ito nakakain.

Biglang kumulog ang tiyan ko dahil sa gutom. Naalala ko nga pala na nakatulog ako buong araw at hindi man lang ako nakakain ni isang beses.

Tumayo nalang ako at tumungo sa kusina para kumain. Nagprito nalang ako ng hotdog para mabilis. Pagkatapos ko itong maluto ay agad ko na itong kinain. Sinubukan kong pakainin ang mga alaga ko ngunit hindi nila ito tinanggap dahil nakakain na nga pala sila.

Nilagay ko ang plato ko sa lababo at hinugasan ito. Wala naman akong katulong para maglinis nito para sa akin. Bumuntong-hininga nalang ako at tinapos na ang paghuhugas.

Pumunta ako sa CR para maghilamos. Binuksan ko ang tubig sa lababo at nagsaboy ng malamig na tubig sa aking mukha. Tumingin ako sa salamin at tinitigan ang pagdaloy ng maliliit na patak ng tubig sa aking mukha. Napansin ko sa aking sarili ay namumutla ang aking kutis. Tanaw ang maliliit na berdeng ugat sa aking mga kamay.

I'm stressed. That's all. No weird changes happening. Just stressed...

I wiped my face with a clean towel and went up to my room to change clothes. As I laid myself on the bed, my dogs followed and curled itselves into a ball to sleep with me. I stroke their fur as soft as cotton.

Pinikit ko ang aking mga mata ngunit hindi ako makatulog. Nagpalit-palit na ng puwesto sa pagtulog ngunit hindi kayang dalawin ng antok. Sumuko na ako at umupo sa kama. Hinimas ko ang aking mukha at kinusot ang mga mata.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa night stand ko. Binuksan ko ito at tinignan ang oras. Alas-otso y medya palang. Bumuntong-hininga ako sa hangin dahil nakakabagot ang gabi.

Sa balkonahe ng aking kuwarto ay tanaw ang malaking buwan sa labas. Sinabi sa akin ng mga kasamahan ko sa clan na sa full moon ay maraming mga nilalang ang gumagala sa kagubatan. Ang buwan kasi ang pinagmulan ng kanilang kalakasan at kapangyarihan. Pero hindi ko naman matandaan na nangyari na sa akin yun.

Naisipan kong lumabas na lang muna dahil hindi pa talaga ako inaantok. Hinimas ko ang mga balahibo ng mga alaga kong natutulog na. Dahan-dahan akong tumayo para hindi sila magising.

Pumunta ako sa aking closet at nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng black na hoodie at pantalon. Dinala ko ang black face mask ko para hindi ako makilala ng iba pang tao sa labas. Lumabas na ako ng kuwarto at bumaba na sa sala. Sinuot ko ang converse shoes ko at lumabas.

Pagdating ko sa counter ay napansin kong sarado na ang mga ilaw dito at wala na rin ang mga staff, kasama si Ruby. Malamang si Ruby ay nasa labas din para gumala. Mga werewolf nga naman, inlove sa buwan.

Sinuot ko ang face mask ko bago lumabas ng building. Ibinulsa ang aking mga kamay habang naglalakad. Tumungo ako sa kagubatan. Tanaw sa buwan ang mga itim na ibon na lumilipad sa kaitaasan. Napansin ko na habang palalim ng palalim ang nilalakaran ko ay palaki rin palaki ang buwan sa langit.

Inhuman Nature (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon