Chapter 31: Surprise
Cassie's Point of View
Mahimbing akong natutulog habang mahigpit akong nakayakap sa aking malamig na unan. Ang manipis na kumot ay bumabalot sa aking buong katawan. Sa sobrang himbing ng aking tulog ay napapahilik ako na ume-echo sa buong kuwarto.
Tyaka ko lang napagtanto... na hindi naman ako humihilik pag natutulog.
Agad kong iminulat ang aking mga mata at pinakinggan ko kung saan galing ang hilik na iyon. Nagmasid ako sa paligid hanggang sa makaramdam ako ng mainit na paghinga sa batok ko. Hindi lang sa batok ko, pati na rin malapit sa aking tiyan.
Mabilis kong tinanggal ang kumot na bumabalot sa aking katawan. Agad kong napagtanto na kasama ko pala sina Ajax at Rick sa kama habang ako'y natutulog. Jusme, nakayakap pa sila sa akin in an awkward position!
Si Ajax ay nakayakap sa mga hita ko habang nakasubsob ang mukha niya sa tiyan ko. Siya pala yung malakas na humihilik na rinig sa buong kuwarto.
Si Rick naman ang nakayakap sa likod ko habang nakayakap sa baywang ko. Ang mukha niya ay nakasubsob sa batok ko kaya ramdam ko ang kaniyang paghinga.
"Humaygad...", mabilis akong umalis sa kama, umaasa na hindi sila magising.
Napahawak ako sa mainit kong pisngi habang tinititigan ang dalawang lalaki na nakahiga sa kama ko na walang kamalay-malay sa pinaggagawa nila sa akin. Tahimik akong palakad-lakad sa kuwarto ko habang iniisip kung anong nangyari sa akin nung gabing iyon.
Ano ba kasing nangyari kagabi? Hindi naman ako nagdala ng alak.
Naiwan ko bang nakabukas yung pinto kaya sila nakapasok?
Anong ginawa nila sa akin? Bakit sila nakayakap sa akin, lalo na si Ajax na nasa tiyan ko?
Napatingin ako sa aking sarili sa salamin. Magulong nakalugay ang buhok ko. Nakasuot lang ako ng tank top at black shorts. Jusme, niyakap nila ako nang ganito ang suot ko!?
Breathe, Cassie... Breathe.
Matagal akong nakatitig kila Rick at Ajax na natutulog parin sa kama. Nakaawang ang bibig ko habang nakatitig sa kanila. Natigilan ako ng biglang umungol si Ajax nang mag-iba siya ng posisyon sa kama.
"Cassie, ugh... I'm here...", ungol ni Ajax kahit natutulog pa.
Nanlaki ang mata ko nang marinig kong sinabi niya iyon. Napahawak ako sa aking ulo sabay hila sa mga buhok ko. Napaluhod ako sa sahig habang sinasabunutan ang sarili.
1... 2... 3...
Tumili ako ng malakas na nagpagising sa kanilang dalawa. Nahulog pa si Ajax dahil nasa dulo siya ng kama ko. Si Rick ay parang normal lang na nagising at hindi man lang nagulat sa biglaan kong pagtili.
"RICK! AJAX! GUMISING KAYO!", sigaw ko sa kanila.
Napakamot sa ulo si Ajax dahil sa unang bumagsak ang ulo nang siya'y mahulog sa kama ko. Kinusot ni Rick ang kaniyang mga mata bago tumingin sa akin.
"Uh... Anong nangyari?...", tamad na sabi ni Rick.
"Bakit ka ba sumisigaw? Aray...", sabi naman ni Ajax na hinihimas ang likod ng kaniyang ulo.
Tumingala ako habang nanlalaki ang mga mata ko sa kanila. Gumapang ako papunta kay Ajax na nakasalampak sa sahig. Hindi ko na pinakialaman ang sarili kung magmukha akong Sadako sa kanila. Huminto ako sa harap ni Ajax at diretso ko siyang tinignan sa mga mata.
Nanginginig pa siya habang pinagmamasdan ako. "A-Anong nangyari s-sayo?", nauutal na pagtanong ni Ajax.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Ako? Anong nangyari sa akin? Dapat nga ako ang nagtatanong niyan!", sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...