Chapter 34: Stars
Cassie's Point of View
"Let's go home, guys.", anyaya ko sa aking mga alaga.
I looked up at the dark sky and saw the shining stars above. It made me think that after all the things that happened in the darkness, there will always be light that remains to shine.
Nagsimula kaming maglakad palayo sa lugar na iyon at nagpatuloy na sa aming lakad pauwi. Hinayaan ko nalang yung dumi sa aking uniporme dahil wala naman akong mapaghuhugasan.
Chineck ko yung phone ko sa aking bulsa ngunit sa sobrang lowbatt nito ay kusa na itong namatay. Nakalimutan ko atang i-power off kanina kaya kusang nababawasan yung battery.
Bwiset na cellphone ito.
Nagpatuloy nalang kami sa aming daanan habang nakikipagdaldalan sa mga alaga ko. Okay lang kahit may makakita sa akin na nakikipag-usap sa mga aso.
It's either na isipin nilang isa akong dog whisperer or isa akong baliw.
Napahinto kami sa tabi ng isang malaking puno dahil sa pagod. Sumandal muna ako sa puno para makagpahinga. Humilata naman sa damuhan ang mga alaga ko.
Napatingin ako sa gitna ng ibang malalaking puno kung saan tanaw ko ang siyudad na nababalutan ng maliliwanag na ilaw. Maglalakad na sana kami muli ngunit pagod pa rin kami kahit na humakbang kaunti.
"Stay muna tayo dito saglit", sabi ko sa aking mga alaga.
Pinadulas ko pababa ang aking likod sa puno hanggang sa maupo ba ako sa damuhan kasama ang aking mga alaga. Hinimas ko ang kani-kanilang mga balahibo para malibang ako sa pagod.
Ngunit, sa mga sandaling iyon ay nakaramdam ako ng antok kaya unti-unting pumipikit ang aking mata hanggang sa mayakap ako ng katahimikan at kadiliman.
Sa gitna ng aking pamamahinga, may nakita akong maliliit na ilaw sa dilim. Nakakapagtakang nananatili akong nakapikit ngunit ako'y nakakakita pa rin.
Nilapitan ko ang misteryosong ilaw hanggang sa mapagtanto kong lumulutang lamang ito sa ere kahit walang nakakabit rito para manatili roon. Para lamang silang makukulay na bituin na lumilipad sa hangin.
Nang subukan kong hawakan ito ay lumayo ito sa aking kamay. Ngunit, pinalibutan ako nito at nagsama-sama sa aking harapan hanggang sa makabuo ito ng isang pigura.
Pigura ito ng isang hayop na hugis aso ang katawan at may malalaking puting pakpak.
Napaatras ako sa mangha ngunit may bumangga sa aking likod para pigilan ako. Napatitig nalang ako sa maliwanag na ilaw na unti-unting nabubuo.
"Cassie..."
Umawang ang bibig ko upang sumagot sa kaniyang pagtawag ngunit walang kahit anong salita ang lumabas rito. Lumapit ako rito at lumuhod sa harapan ng maliwanag na pigura.
"Sweetie... Be brave, come home...", sabi nito sa akin.
Lumapit ang maliwanag na pigura at pinagdikit ang nguso nito sa aking noo. Lumakas ang liwanag na dinudulot nito kaya'y napapikit ako hanggang sa mapawi sa aking harapan ang pigura at magbalik ako muli sa gubat kasama ang aking mga alaga na ngayo'y nakapalibot na sa akin.
Tumayo ako at pinagpag ang sarili ngunit may itim na mantsa parin ang aking uniporme. Tumingin ako sa kaitaasan at napansing nakalitaw na ang mga nagkakalat na bituin sa langit.
"Let's go home..."
Umuwi kaming pagod at madungis kaya't dumiretso kami sa kuwarto ko upang maglinis na ng katawan. Hinubad ko na ang aking mga damit at ibinabad ang aking katawan sa mainit na tubig sa bathtub.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
ФэнтезиLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...