Chapter 4

1.8K 49 0
                                    

Chapter 4: Stranger

Cassie's Point of View

Mukhang nasobrahan ako sa pagtulog. Nang dilaan ni Moonie ang pisngi ko para gisingin ako, Napansin ko agad ang paglubog ng araw. Naghahalo ang dilim at liwanag ng gantong oras.

When my eyes landed on the sunset, I was too mesmerized by its beauty that my dogs needed to bark at me to shake me up a bit.

"Oo na! Tatayo na nga ako", inis na sabi ko habang tumatayo mula sa pagsandal.

Kasalanan ko din naman kase hindi nakakain ng tanghalian ang mga alaga ko. Kahit ako ata ay nagugutom na rin.

Hinabol ko sila at sinamahan kung sakaling mawala na naman si Sunny, o ang isa sa kanila. I'm too tired to run again through the whole forest.

Pinagmamasdan ko ang agaw-dilim sa kaitaasan. Naghahalo ang kulay lila at kahel sa mga ulap habang sumisikat naman ang natitirang ilaw mula sa lumulubog na araw.

Sa di-kalayuang kadiliman sa kaitaasan ay nagsisiliparan na ang mga itim na ibon na tila'y humahalo ang kanilang kulay sa dilim.

Nung naglalakad na kami pauwi, napahinto kami sa paglalakad dahil sa pakiramdam na parang may nakatingin sa amin. My dogs may also have sensed it when I heard them growling.

Nilibot ko ang paningin ko sa aking paligid, checking every tree. Near or far, and above.

"Stay close to me, guys", sabi ko sa mga alaga ko.

Then, I heard a chuckle from somewhere but I don't see anyone except us. I saw Moonie barking at something. She's barking at a puddle?

"Shush now, Moonie. It's just a puddle", sabi ko sa kaniya.

Pero teka, Hindi naman umulan ng ilang araw at wala rin naman ganong tao dito sa gubat kundi kami. At paanong tatawa mag-isa ang tubig?

Suddenly, I heard a twig snapped behind me. I jolted and faced to the direction where I heard the sound.

Nadatnan ko ang isang lalaking nakaupo sa isang malaking bato. Nakasuot ito ng navy blue na T-shirt at black na jacket. Nakasuot rin siya ng ripped jeans at black converse shoes.

Nakapatong ang siko niya sa tuhod niya habang nakapatong naman ang baba niya sa palad niya. He wears a devilish smirk on his face. Hindi naman siya ang diyablong haharapin ko, pero nararamdaman kong may kakaiba sa kaniya. I just still don't know what it is and why.

"You lost, babe?", tanong niya sa akin. 

Napansin kong kumalma na ang mga aso ko habang nakatingin sa kaniya. Nagtataka lang ako kung bakit hindi sila nagre-react sa taong hindi nila kilala.

"No, just going home", sagot ko sa kaniya. Wait, tinawag niya akong babe!?

Nagsimula na kaming maglakad palayo sa kaniya nang magsalita pa siya ulit.

"Good, Cause I'm lost", napahinto ako nang tumayo siya sa kaniyang kinauupuan.

Lumapit siya sa amin at lumuhod kila Moonie para himasin ang balahibo nito. Hindi man lang nagalit si Moonie nang ginawa niya ito.

Tumayo siya at tumabi sa akin. "Mind if I tag along?", paalam niya.

"Sorry, I don't talk to strangers", I said.

I looked away from him. I don't even know this guy. Why would I let him? Baka nga rapist ito eh.

"You just did", he said, interrupting my thoughts.

Inhuman Nature (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon