Chapter 20: Different (Same)
Rick's Point of View
Nakahinga ako ng maluwag nang maabutan kong tulog parin si Cassie dito sa loob ng clinic. Pinatulog kasi siya ng school nurse para mabawasan yung sakit ng ulo niya. Hopefully na sana mawala na talaga ang sakit ng ulo niya. I hate to see her vulnerable. Those girls must pay.
Hindi ko namalayan nakaupo na ako sa kaniyang tabi ng kama. Hinawi ko ang nakaharang na hibla ng buhok sa kaniyang mukha at isinabit iyon sa kaniyang tainga.
Kanina pa ako nakatitig sa kaniya simula pa nang makapasok ako rito sa clinic. I blinked a few times when I realized I'm going crazy over her. Nilapag ko ang aking bag sa may malapit na bench. Hinimas ko ang mukha ko at tumingin muli kay Cassie.
She's... beautiful. Jeez, I really am going crazy right now. Hinimas ko ang pisngi niya gamit ang likod ng aking kamay.
Sa likod ko ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ajax na may plastic na naglalaman ng mga biscuits, kung sakali lang na may gusto siyang kainin.
"Ano ginagawa mo?", tanong niya habang nakangisi.
Kumunot ang noo ko sa kaniya. Napatingin ako kay Cassie habang ang kamay ko ay nasa kaniyang pisngi. Agad ko naman na binawi ang kamay ko. Tumingin ako sa ibang direksiyon para maitago ang pamumula ng mukha ko.
"U-Uh, w-wala. T-tinignan ko lang k-kung mainit paba siya", katwiran ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. Mahina siyang tumawa at inilapag ang plastic na may lamang biscuits sa stand malapit kay Cassie.
Sabi ni Ajax, gusto raw ni Cassie ng Rebisco. Ewan ko ba kung kanino niya nalaman iyon, nakilala niya lang naman si Cassie nung isang araw lang.
"Kamusta na siya?", tanong niya.
Hinawakan ko ang kamay niya para makita kung kaya niya nang gumising. Gumalaw lang siya ng kaunti ngunit siya'y tulog pa rin.
Naalala ko yung ginawa ko kanina para iligtas si Cassie. Maraming nakakita sa akin kaya siguro marami nang may nakakaalam. Humarap ako kay Ajax na seryosong nakatingin sa akin.
"Wag ka nang mag-aalala. I took out their memories about what they saw earlier", sabi niya sabay ngiti.
Kumunot ang noo ko. "Anong sinasabi mo?".
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat. "Tinanggal ko ang mga alaala ng bawat tao dito sa school tungkol sa nakita nila kanina sa iyo".
Nanlaki ang mata ko sa kaniya. Una, paano niya nalaman na tinanong ko iyon sa isip ko? Pangalawa, paano noya naman nagawa iyon sa mga tao?
"H-How? What a-are you?". He chuckled.
"I have gifts, and I know you do, too".
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Cassie's Point of View
Habang nakapikit pa ako, naririnig kong may nag-uusap sa loob ng clinic. Hindi ko lang naiintindihan ang kanilang usapan, and I don't who're talking.
Pero habang ako'y nakapikit pa, may nakita akong dalawang pigura sa dilim. Hindi ko nakikita ang kanilang mukha dahil magkaharap sila sa isa't isa. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at nakita kong nag-uusap sina Rick at Ajax in the exact place kung saan nakita ko ang dalawang pigurang magkaharap.
How the heck did that occur to these people now?
Nakita nila akong gising na. Agad silang tumayo at lumapit sa akin. Hinawakan ako ni Rick sa noo. Oh god, this guy again. Is this an angel you sent me? Wait—
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...