Chapter 13: Gotcha (Remember)
Rick's Point of View
Ang tagal kong hinanap si Cassie kahapon kaso hindi ko siya makita hanggang sa bumangga siya sa akin kahapon. Nag-alala talaga ako nang mawalan siya ng malay nang magkabanggaan kami. Sana hindi ako ang dahilan kung bakit siya bumagsak ng ganon.
Napailing nalang ako ng mabilis. Bakit naman ako ang magiging dahilan ng pagkawalan ng malay niya? Lalo ko lang pinag-aalala ang sarili ko.
Pero seryoso, nag-aalala ako sa kaniya. For a new student, she's very kind to me and very brave to save me. Hindi pa nga ako nakakapagpasalamat sa kaniya. Bumuntong-hininga nalang ako at lumabas na ng aking kuwarto.
Pinaghandaan ko na ang sarili ko para sa pagpasok sa school. Pagsuot ko palang ng sapatos ko, bumuhos agad ng malakas ang ulan sa labas. Ang aga-aga, bumabagyo. Dapat maaga palang sinususpend na ang klase eh. Bumalik nalang ako sa kuwarto ko, at kumuha ng hoodie at payong.
"Nak, ingat ka ha. Wag kang magpapaambon", bilin ni Mama na nasa kusina.
"Okay, Ma. Bye", paalam ko bago lumabas ng bahay.
Binuksan ko na ang payong ko bago maglakad sa ulan. Nang pagbukas ko ng gate namin sa bahay, may tumigil na kotse sa harap ko. Ito yung kotse ng bagong kapitbahay namin. Dahan-dahang binaba nito yung driver's window at dumungaw rito ang isang mestisong lalaki na may magulong buhok na akala mong bagong gising lang. Suot niya rin yung uniform sa school na pinapasukan ko.
"Hi, magtatanong lang ako. Alam mo ba kung saan yung Merlinean Academy?", tanong niya.
Sabi na nga ba eh. Tumango ako at binaba ng kaunti ang jacket ko para ipakita sa kaniya ang I.D ko.
"Oo, dun ako nag-aaral", sagot ko.
Lumawak ang ngiti niya sa akin. "Ah ganun ba. Tara, sama ka nalang sa akin".
"Um, sure. Thanks", sambit ko.
Sinarado niya na ang driver's window niya. Dumaan ako sa harap ng kotse niya at binuksan ang pinto ng kotse bago umupo sa tabi niya. Pagsara ko ng pinto ay pinaandar niya na ang kotse niya.
"Salamat nga pala dito", sabi ko.
"Walang anuman iyon", pangising sabi niya.
"Saang room ka?", tanong ko sa kaniya."Teka...", dumukot siya sa kaniyang bulsa at naglabas ng card mula roon.
"Class 3B", basa niya mula sa card.
Pareho kami ng room na papasukan. Magiging kaklase ko siya.
"Samahan nalang kita mamaya. Dun rin ako sa room na iyon eh", alok ko.
"Salamat ha", sabi niya.
"Walang anuman"
Muli kaming nagbalik sa katahimikan hmat nagpatuloy siya sa pagda-drive. Maya-maya ay tinapik niya ako na agad ko naman siyang nilingon.
"Saan na tayo?", tanong niya habang nakatingin parin sa kalsada.
Tumingin rin ako sa harap at nakita kong nasa tapat na namin ang grocery store. Nasa kabilang kalsada naman ang hospital. Malapit na kami sa school.
"Diretso ka lang tapos sa sa pinakaunang likuan sa kana dun ka dumaan", wika ko.
"Ah sige, salamat"
Bago ako tumunganga ulit, bigla kong naisip na hindi ko pa pala siya kilala.
"Ano nga pala pangalan mo?", tanong ko.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...