Chapter 45: Family
Cassie's Point of View
I thought Hell is a dark place full of damned people, and with scorched fire everywhere. Didn't thought it would be much horrible than I thought.
Parang nasa modern world lamang at ako'y nakatayo sa harap ng condo building ko. Napapalibutan ako ng nga tao na nababalutan ng sugat o di kaya'y parang mga taong disabled ang mukha o katawan. Lahat sila'y napapalibutan ng nagbabagang apoy at sumisigaw sa sakit.
How horrible it is where my father reigns...
Biglang huminto sa paglalakad ang lahat ng mga tao dito sa paligid ko at lumingon sa akin. Bakas sa kanilang mukha ang pagtataka sa kadahilanang nandito ako sa kanilang mundo. Kahit ako ay naguguluhan kung bakit nandito ako.
Napalingon agad ako sa aking likuran at tumambad sa akin ang napakaliwanag na ilaw na nanggagaling sa kaitaasan. Ano bang nangyayari? Saan ba ako dadalhin nito?
Wala sa sariling naglakad ako patungo sa maliwanag na ilaw at lumukob ito sa akin hanggang sa makita ko ang aking sarili sa ibang lugar na naman. Sa pagkakataong ito, napakaliwanag ng paligid na parang katabi ko lang ang araw at nakatapak ako sa ulap.
Habang nagmamasid ako sa paligid, isa-isang sumusulpot ang mga taong nakasuot ng silver armor at may mga hawak na armas tulad ng espada, sibat, latigo, at crossbow. Lahat sila ay may malalaki at puying mga pakpak sa kanilang likuran.
Nasa langit na ba ako?
"Cassie...", narinig kong tawag ng isang malambing na boses.
Nilingon ko ang tumawag at nakita kong may parating na babae na may hawak na bow and arrow. Simple lang ang kaniyang suot na puting bistida na parang sa isang kasal. Nakatirintas ang pagkakatali ng kaniyang buhok.
Sa hindi malamang kadahilanan, tumutulo ang isang butil ng luha mula sa aking mata. It seems like sa pakiramdam ko ay kilala ko siya ay naging parte siya ng buhay ko. Pakiramdam ko ay gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ngunit napako ako sa aking kinatatayuan.
Pero nung bigla niya akong niyakap, kung kakayanin pang manigas ng sobra ang katawan ko ay naging bato na ako. More tears streamed down my face as she hugged me tightly.
"Ang ganda naman talaga ng anak ko.", sabi niya nang bitawan niya ako at tumingin sa aking mukha.
Is she medusa or something? Damn, I'm turned into stone already!
"M-Mom?"
Matamis siyang ngumiti sa akin. "Yes, sweetie." She sobbed. "It's me, Lena. Mama mo."
Bago pa man ako umiyak ng todo, ako naman ang yumakap sa kaniya ng mahigpit at ibinaon ko ang aking ulo sa kaniyang balikat at dun humagulgol. Sobrang naiiyak na natutuwa ako ngayon na nakita ko na ang nanay ko na hindi man ako nabigyan ng pagkakataon na makilala.
"I missed you, mom. Hindi ko man kayo nakilala noon pero namiss ko kayo ng sobra."
Hinagod niya ang aking likod para patahanin ako pero pati aiya ay naluluha na rin. "I know, sweetie. Masyadong maaga nung iniwan kita noon. I-I'm so sorry."
Pinahid ko ang aking luha sa kaniyang balikat at hinarap siya. "O-Okay lang, Ma. Nandito na ka na ngayon. I'm happy."
"Me, too."
Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at hinalikan ako sa noo. A mother's kiss. Ang tagal kong hiningi ang affection ng isang ina. Napangiti nalang ako sa kaniyang gawi, thanking her with a smile.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasiLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...