Chapter 7: Weird
Cassie's Point of View
Nang makapasok na ang sumunod na teacher, nakatingin lang ako sa harap pero ang isip ko ay lumilipad sa kung saan kaya hindi ko gaanong naiintindihan yung sinasabi ng guro dahil sa natatanging guro nasa isip ko kanina pa.
May times din naman na kapag tinatawag niya ako para mag-recite ay nakakasagot rin ako. Advance kase masyado siguro yung mga natutunan ko noon sa wolf clan.
Nang magpaalam na ang guro para umalis, sabay kaming lahat tumayo para batiin ito bago siya tuluyang umalis. Pagkaalis ng guro ay nagsimula na ang mga bulungan, daldalan at harutan sa loob ng classroom.
Nanatili lang ako sa aking upuan havang nakikinig sa mga music mula sa aking cellphone nang tinawag ako ni Miki na ngayon ay nakaluhod sa harapan ko.
"Uy, Ate Cassie", sabi niya sabay niyugyog ang binti ko.
Tinanggal ko ang earphones ko. "Yes?", tanong ko.
Niyakap niya ang binti ko at ipinatong ang baba niya sa tuhod ko. "Ang pogi ni Sir kanina", sabi niya na may malawak na ngiti sa kaniyang mukha.
Napangiwi ako. "Luh, matanda na si Sir Mercado, huy", pagtutol ko.
Si Sir Mercado yung matandang guro na kalalabas lang ng classroom namin. Teacher namin siya sa History. No wonder bakit yun ang major niya.
Mahinang hinampas ni Miki ang tuhod ko na nagdulot ng aking pagtawa.
"Hindi si Sir Mercado!", sigaw niya sabay nguso.
Nagsitinginan ang mga kaklase namin sa amin dahil sa lakas ng pagsigaw ni Miki.
"Huy, huwag kang maingay", pabulong na sigaw ni Rhea sa amin. Nag-peace sign lang si Miki sa kaniya.
"Sino pala?", tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa phone ko.
"Edi si Sir Lucero", sagot niya. Bumalik ang malawak na ngiti sa kaniyang mukha.
Napahinto ako sa pag-scroll na sa phone ko at tumingin kay Miki. Nagtaas-baba siya ng kilay na animo'y akala niya na pareho kami ng iniisip. Unbelievable!
"Yieee, alam ko agree ka", sabi ni Miki na lalo pang niyugyog ang binti ko para mahulog ako sa upuan.
"Uy, teka! Mahuhulog ako!", sabi ko habang nakakapit sa desk ko, samantalang si Miki naman ay humahalakhak na.
"Miki, tigilan mo na nga iyan! Ang harot mo", saway ni Rhea kay Miki.
Agad naman akong binitawan ni Miki at nilagay ang baba niya sa tuhod ko.
"Nakakakiliti", sabi ko kay Miki habang nakahawak ako sa baba niya para alisin ito sa pagpatong.
Umayos naman si Miki ng pag-upo sa lapag at sinandal ang likod niya sa paa ng kaniya ng kaniyang upuan. Napansin kong tinititigan ako ni Miki. Ibinaling niya ang ulo niya sa gilid habang patuloy na nakatitig sa akin.
Nagkibit-balikat ako habang nakangiti sa kaniya. "Bakit?", sabi ko.
"May napansin kasi ako...", sabi niya sabay hawak sa kaniyang baba, hindi inaalis ang tingin niya sa mga mata ko.
Kumunot ang noo ko. "Ano yun?", tanong ko sa kaniya.
Bigla siyang tumayo mula sa sahig at dahan-dahang umupo sa kaniyang upuan, hindi parin inaalis ang kaniyang tingin sa akin, which is weird and creepy. Napatingin si Rhea sa kanitmya na tila'y pinapanood rin ang kaniyang kilos.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...