Chapter 28

648 13 0
                                    

Chapter 28: Assholes

Rick's Point of View

What is it with this girl running suddenly? And she sure is so fast! Hinawi niya lang ang kamay, halos-hindi ko na siya agad maabot ng kamay ko.

Marami ring nagulat sa biglaang palisan niya. Tumakbo siya papunta sa likod ng eskuwelahan. Nang mawala na siya sa paningin ng lahat ay nagpatuloy ang ibang mga tao sa kanilang ginagawa na animo'y walang nangyari.

"What's with her?", tanong ni Ajax.

Pinaningkitan siya ng mata nina Rhea at... Mika? Miki? Oo, Miki nga. Nakita ko na sa I.D niya

"Go to her! Please, Rick", pilit ni Miki habang nakakapit sa braso ko.

Napansin kong kinutusan siya ni Rhea. Binitawan naman ako ni Miki pagkatapos nun tas humarap siya kay Rhea na masama na ang mukha.

"Ang creepy mo. Kay Cassie na yan", narinig kong bulong niya.

Napailing nalang ako at kunaripas ng takbo papunta sa direksiyon kung saan pumunta rin si Cassie. Napunta ako sa likod ng school ngunit wala siya roon.

"Cassie! Cassie, Nasan ka!? Cassie! Cassie!"

Ilang beses ko nang sinigaw ang kaniyang pangalan ngunit wala akong natanggap na tawag pabalik upang malaman kung nasaan siya.

"Where are you?..."

Napahawak ako sa aking tuhod habang naghihingalo dahil sa pagtakbo at pagsigaw. Ilang saglit lang ay umayos ako muli ng tayo para magpatuloy sa paghahanap kay Cassie.

Nagulat ako ng dumating si Ajax na naghihingalo sa pagtakbo. Kumunot ang noo ko nang makita kong ilabas niya ang kaniyang dila na para siyang aso.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Helping you... find her", sambit niya sa bawat paghinga niya.

Tumango nalang ako. Wala akong magagawa dahil nandito na siya. Hindi ko rin naman kaya na ako lang mag-isang maghahanap kay Cassie. Matatagalan ako sa paghahanap sa kaniya kapag ako lang mag-isa.

"So... Nasaan siya?", tanong niya nang ilibot niya ang paligid bago tumingin sa akin.

Pinagmasdan ko ang mga matataas na puno sa gubat. Madilim sa loob dahil sa mga dahon ng mga sanga nito na tinatakpan ang langit sa loob. Kung wala si Cassie sa labas, maaring pumasok siya sa loob.

Naisip kong pumunta patungo sa loob ng gubat. Baka sakaling tumuloy sa loob si Cassie. Nagmasid muna ako mula sa kalabasan ng gubat bago ako humakbang palapit rito.

Natigilan ako nang makarinig ako ng isang nakakabinging tili sa loob ng gubat.

Oh no...

"Cassie!"

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Cassie's Point of View

Walang tigil ang pagbuhos ng aking mga luha mula sa mga mata ko. Namamaga na ang aking mata sa kakaiyak. Nakasapo ako sa aking ulo dahil sa paulit-ulit na tinig sa loob ng aking isipan.

Hindi ko na alam kung ilang minuto na ako sumisigaw rito. Wala na akong pakialam kahit sumakit pa ang aking lalamunan o kaya'y may makakita sa akin dito at tawagin akong baliw. Kailangan ko lang ilabas ang takot ko at sinisigurado kong wala na siya sa aking harapan.

Nagpatuloy ako sa pagsigaw hanggang sa maramdaman kong humihina na ang aking katawan. Napapapikit na rin ako dahil sa ilang oras na akong umiiyak. Hinayaan ko nalang na bumagsak ang katawan ko sa damuhan at mahiga ang ulo ko sa nakakalat kong buhok.

Inhuman Nature (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon