Chapter 6

1.5K 43 2
                                    

Chapter 6: Teacher

Cassie's Point of View

Ang saya kasama ang mga taong saglit mo lang nakilala, pero pinadama na nila sa iyo na parte ka na ng buhay nila. Masayang isipin na sa kay tagal ng panahon ay nagkaroon na agad ako ng mga bagong ituturing kaibigan.

Masaya kaming nagkukuwentuhan sa loob ng canteen habang kumakain nang biglang nag-ring ang school bell. Nanlaki ang mata ng mga kasamahan ko nang marinig nila ang malakas na idinudulot nito.

Bigla akong hinawakan ni Miki sa kamay. "Tara na! Male-late tayo sa klase!", sabi niya.
Agad naman kaming tumayo ni Rhea sa kinauupuan namin at sama-samang tumakbo pabalik sa classroom. Pagdating namin roon ay wala pang dumadating na teacher. Nakahinga kami ng maluwag bago magsiupo sa aming mga upuan.

Ilang saglit lang ay may pumasok na matangkad na lalaki na mukhang nasa 25 ang edad dahil sa maamo niyang mukha.

May suot siyang spectacles sa kaniyang mga mata na bagay para sa hugis ng kanyang mukha. Maputi at makinis ang kaniyang kutis na dinaig pa ang nagpulbo.

Nakasuot siya ng black na trench coat at white na polo with matching black collar, which made him look like a professional member of a mafia. May suot pa siyang silver rolex at may dala pa siyang briefcase kaya nagmukha siyang mayaman.

Nilapag niya ang briefcase niya sa kabyang lamesa. Hinubad niya ang trench coat niya at isinampay niya ito sa kaniyang upuan. Inayos niya ang kanyang salamin sa kaniyang mata at tumikhim.

"Good morning, class. My name is Professor Zeraff Lucero and I will be your teacher in Literature", pagpapakilala niya sa kaniyang sarili.

Lahat kaming mga estudyante ay nagsitayuan sa aming mga upuan at bumati.

"Good morning, Sir Lucero", bati naming lahat.

Tumango siya. "You may now sit down", sabi niya. Sabay-sabay naman kaming lahat na sumunod sa kaniyang utos.

"So, I believe that there is a new student here in this section", dumapo ang tingin niya sa akin.

Naramdaman ko ang ang malakas na pagtibok ng puso ko sa loob ng dibdib ko nang tignan niya ako ng diretso sa mga mata ko.

"Please, come up infront of the class and introduce yourself", sabi niya at ngumiti.

Dahan-dahan akong tumayo sa aking upuan ng dahil sa kaba. Naglakad ako papunta sa harap ng klase at huminga ng malalim bago harapin ang buong klase.

Napasulyap ako sa guro na nasa aking tabi. Natuon lang ang pansin niya sa akin na nakapagbigay kilabot sa buo kong katawan.

Tumikhim ako ng saglit bago magsalita.

"My name is Cassiopeia Rouxel. You can call me Cassie, for short. I'm sixteen years old. I hope we get to know each other", pagpapakilala ko.

Napatingin ako kay Sir Lucero na lalo pang lumapit pa sa akin ngayon.

"I suppose you will, Miss Rouxel", sabi niya. Hinawakan niya ang balikat ko bago tumango sa akin.

"T-Thank you, sir", nauutal kong pagpapasalamat.

Naglakad ako pabalik sa aking upuan habang nakayuko ang ulo dahil sa hiya. Wala naman talaga akong dapat ikahiya, pero ang bigat ng loob ko na parang ninenerbiyos ako.

Pagkaupo ko ay hinawakan ko ang pisngi ko at naramdaman kong mainit ang mga ito. Malamang ay namumula na rin ito.

"Ok ka lang? Namumula yung mukha mo", pag-aalala ni Rhea.

Inhuman Nature (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon