Chapter 14: Careful
Cassie's Point of View
Hard to say, Hard to think, I just turned a fake harassment into a dramatic start of a friendship. It escalated quickly when it all began in an unexpected crossover. Kaibigan pa siya ng kaibigan ko. Small world.
Pabalik na kami sa classroom nang maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. Dahan-dahan itong bumababa papunta sa likod ko habang patuloy kaming naglalakad.
"Careful with that hand. You'll lose it", I snickered.
I heard him chuckle. Nanatili parin ang kamay niya sa likod ko. Bigla akong natisod dahil sa bato na nakatago sa mga tuyong dahon. Nasubsob ako na nagdulot ng paghawak ng aking kasama sa aking...
"Oops", sabi niya habang nakangisi.
Out of reflex, kinuha ko ang kamay niya sa ibabang likuran ko at pinaikot ang kaniyang braso. Buti nalang at hindi ko ito tinodo kundi tuluyan nang nabali ang kaniyang braso. Hawak ko parin ang kaniyang braso habang siya naman ay umuungol sa sakit.
"Ow! P-Please, be c-careful", he said.
"I just told you that awhile ago". I smirked "Clearly, you didn't listen".
Binitawan ko na ang kaniyang braso bago niya ito binawi at hinaplos sa kung saan ako kumapit sa kaniya. Pinagpagan ko ang aking sarili habang siya naman ay nag-iinat.
"Sorry", sambit niya. Tumango nalang ako.
Nagsimula na akong maglakad bago siya humabol sa akin. Tahimik ang paglalakad namin. Nag-isip ako ng paraan para maputol ang katahimikan.
"Ano nga ba ulit ang pangalan mo?", tanong ko.
"Hindi naman ako nagpakilala kanina ha"
Umirap lang ako at humarap sa ibang direksiyon. Narinig ko siyang tumawa.
"My name's Ajax, by the way", pagpapakilala niya.
Muli aking humarap sa kaniya at nakita kong nakangiti siya sa akin.
"Mine's Cassie", sabi ko.
"Like the star?"
Piling ko may bumara sa lalamunan ko ng malaman niya ang meaning ng pangalan ko. Usually, sinasabi lang nila na maganda ang pangalan ko pero siya ang nakapansin kung saan nakuha ang pangalan ko.
Huminto siya sa paglalakad bago hunarap sa akin. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin.
"What? You don't think I know what your name means? Honestly, It is beautiful and I like stars", pagpapaliwanag niya na tila'y binasa ang tanong na nasa isipan ko.
Namangha ako sa kaniya. Hindi ko inakalang nag-aaral pala siya tungkol sa constellations. No offense, but I'm not telling him.
Ilang saglit lang ay nakalabas na kami ng kagubatan. Nadatnan namin sina Rhea, Miki, at Rick na nakasalampak sa damuhan habang hinihintay kami. Agad naman silang tumayo at lumapitvsa aming dalawa.
"Saang lupalop ka ba nagpunta? Ililigaw mo pa yung kaibigan ni Rick diyan sa loob", tanong ni Rhea.
Mas nag-alala pa siya dun sa hindi niya kilala kesa dun sa sarili niyang kaibigan. How sweet. Note the sarcasm.
Inirapan ko lang siya. Bago pa ako magsalita ay bigla akong sinugod ni Rick at niyakap na animo'y isa akong nawalang teddy bear na recently found.
"I was worried about you", bulong niya.
Why should he? I just met him two days ago! Jusme.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasíaLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...