Chapter 40: Confess
Cassie's Point of View
Shit! Ang sakit! Fuck! Gusto kong magsisigaw ng mga malulutong na mura ngunit maski na mahinang ungol, hindi ko magawa. Sinubukan kong tumayo ngunit konting galaw ko lang nasasaktan na ako.
"Darling...".
Bigla akong nakarinig ng malalim na boses na gumamit pa ng endearment para tawagin ako. Kung ako nga ba ang tinatawag.
Hindi ko agad napansin na nakatayo pala sa tabi ng kamang hinihigaan ko si Sir Lucero at nasa kabilang side naman si Ajax. Ano namang ginagawa ni Sir Lucero dito?
Malaki ang agwat namin sa isa't isa kasi... Grabe naman ang laki ng king-size bed ang hinihigaan ko. Parang hindi na pang-hari. Pang-diyos na ang size nito!
"Huwag ka munang gumalaw.", utos niya. Dahil sa isang plangganang puno ng tubig, akala ko pupunasan nila ako. Napansin ko rin kasi na suot ko parin ang duguan kong uniporme. Nagulat nalang ako nang maramdaman kong may malamig na dumapo sa dibdib ko. May kaunting kirot pero kinaya ko.
Nakaramdam ako ng marahang paghaplos sa aking noo. Napatingin ako sa kung sinuman ang humaplos sa noo ko at nakitang si Sir Lucero iyon na may pag-aalalang bakas sa kaniyang mukha.
"You'll be alright, darling.", sabi niya.
It felt so soothing when he calls me 'darling'. Not as a lover, but more like a daughter.
I've always wanted a touch of a father. Pero mukhang hindi na mababago ang paningin ko matapos kong malaman kung sino ang tunay kong ama. Lumubog ang katawan ko sa kama hanggang sa matapos si Ajax sa ginagawa niya sa akin.
"May iniwan akong damit sa paanan ng kama mo.", turo ni Ajax sa paanan ng kama. Lumingon lang ako kasi hindi pa ako sure kung kaya ko nang gumalaw.
"Take it easy first. Magpalit ka muna ng damit tapos pwede ka na ulit magpahinga. Tawagin mo lang kami pag may kailangan ka ha?", bilin ni Sir Lucero. Tumango ako.
Natigilan ako nang haplusin niya ang noo ko at lumapit sa akin bago halikan ang noo ko. "We'll talk later. For now, get some rest.", bulong niya. Tumayo na siya at sumama kay Ajax palabas ng kuwarto.
Naghintay ako ng saglit pagkatapos sumara ng pinto bago ako tumayo. Dahan-dahan lang ang pag-angat ko sa katawan ko. Nang makatayo na ako ng tuwid, napansin kong wala na akong nararamdamang masakit sa buong katawan ko.
Parang si Kuya Rich si Ajax. Naisip ko na pati ba mga 'water benders' may healing powers? Ewan ko ba. I guess, I don't know all about the other things, other that normal mankind.
Bigla ko nalang naalala ang pagtrato sa akin ni Sir Lucero. Naalala ko din na magkahawig sila ng 'ama' ko nung ipinakita niya sa akin ang totoo niyang anyo. Is he related to me in any way? Baka... Heh! Wala! Makapagbihis na nga! Napaka-assumera ko talaga.
Tuluyan na akong tumayo kasabay ng damit na iniwan sa akin ni Ajax sa paanan ng kama. Hindi ko agad napansin ang kuwartong tinulugan ko pagkatayo ko sa kama. Grabe, hightech! Ang laki ng TV na nakadikit sa mataas na dingding. Parang 75 inches yata ito.
Binalikan ko ng tingin yung kamang hinigaan ko. Grabe din ang laki! Yung tipong buong pamilya ay kasya na sa kamang ito. Kaninong bahay ba ito, anyway?
Dumapo ang tingin ko sa hawak kong damit na hindi ko rin agad napansin ang ganda nito. Kahit hanggang tuhod lang ang haba nito sa akin, sobrang elegant ang baby pink color nito pati na rin ang disenyo nito na parang hanggang painting lang dapat ang dating.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasiLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...