Chapter 44: Help
Rick's Point of View
Nanghinayang na akong kumilos sa aking kinatatyuan matapos kong panoorin ang ginawa ng diyabling iyon kay Cassie. Ni kahit na isang salita ay wala akong naisambit para pigilan sila dahil sa sobrang bilis ng nangyari. Piling ko na ang lahat ng lakas sa katawan ko para lumaban ay bigla nalang naglaho.
Nang mag-panic at ang iba kong mga kasama at sumugod para lumaban, napaluhod nalang ako sa damuhan at hinayaang bumagsak roon ang aking katawan. Nakatitig lang ako sa kawalan at nararamdamn ko rin ang panunubig ng aking mga mata.
May mga demonyong balak akong hawakan ngunit agad rin naman silang nailalayo sa akin ng mga kasama ko. Bumuga ako ng marahas na hangin dahil sa panghihinayang sa lahat ng nagawa ko.
Bakit naman kasi kailangan pang mangyari ito? Parang kanina lang, magkasama kami sa isang kuwarto, masaya sa piling ng isa't isa. Bakit lagi nalang may hahadlang? Oo, buhay pa ako, pero sana naman huwag abusuhin ang nararamdaman ko. Minsan na nga lang, mawawala pa.
Cassie... bakit? Bakit ba kailangan mong mawala?
Tuluyan nang mabasa ang gilid ng mga mata ko hanggang sa tumulo na ang nag-uumapaw na luha. Hinayaan ko nalang na mabasa ang mukha ko sa luha at tahimik akong napapahikbi. Mukha na akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil ang langit na kapiling ko kanina ay nawala na.
Lumapit sa akin si Ajax at niyuyugyog ako ngunit hindi ko naririnig ang sinisigaw niya sa akin. Puno na ng dumi at itim na dugo ang mukha niya sa pakikipaglaban. Hinila niya ako patayo sa kinahihigaan ko at ako naman ay nagpahila lang din.
Nagulat ako nang bigla niya akong sampalin at agad naman akong nagising sa katitihan at bumalik sa tamang huwisyo. Speaking of which, gago 'to ha!
"Bakit mo ginawa iyon!?", singhal ko sa kaniya habang hinahaplos ang pisngi kong sinampal niya.
Nakita kong nagtagis ang bagang niya. "Gago ka ba!? Lumalaban kami para kay Cassie tapos ikaw, nakahilata lang diyan!?", gigil niya habang nakaturo sa mga kasamahang nakikipaglaban.
Si Sir Lucero ay pinakita na ang totoong kaanyuan niya na nakasuot lang na itim na pantaas at pantalon. Nababalutan siya ng itim na apoy na siyang kapangyarihan niya bilang kapatid ng diyablo.
Si Rhea naman ay paminsan-minsan na nagpapalit ng anyo na nagiging isang malaking black panther na may kulay violet na stripes sa katawan na parang sa isang tigre. Kinakagat niya ang kalabang demonyo at hinahagis sa kung saan para madurog ang katawan ng kalaban.
Nagkakalat ang maliliwanag na apoy dahil sa malakas na kapangyarihan ni Miki gabang nakikipaglaban sa diyablo. Pareho silang may nagliliyab na mga mata ngunit kulay dilaw naman ang kay Miki. Totoo nga ang sinasabi ni Cassie na matindi nga ang kapangyarihan ni Miki na hindi pa alam ni Miki noon until now.
Ang mga ginang naman na kasama si Richard ay nagtutulungan sa pakikipaglaban sa mga demonyo gamit ang kanilang mga casting spells at mga potion bombs na hinahagis nila sa kalabang demonyo.
Si Grey at Ruby naman ay sumusugod kasama ang mga alaga ni Cassie sa pamamagitan ng kagatan at hagisan ng kaaway. Paminsan-minsan ay nagtutulungan ang mga alaga na pinaghihiwalay ang mga oarte ng katawan ng demonyo na parang laruan lang sa kanila ang kaaway.
Duguan ang buong paligid na parang putik lamang dahil sa itim nitong kulay. Natigilan ako at napalunok nang dumapo ang aking tingin kay Cassie na naiwan lang na nakahandusay sa damuhan sa di-kalayuan.
Walang buhay ang laman ng kaniyang mga mata, hindi kagaya ng kapag tinititigan ko siya ay napupuno iyon ng liwanag at sigla kasama nalang ng kaniyang matamis na ngiti.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...