Chapter 19

901 24 0
                                    

Chapter 19: Gaze

Rick's Point of View

Nakayuko lang ako rito sa aking upuan habang nagdaldalan ang iba kong mga kaklase dahil absent ang teacher at walang magsu-sub para sa kaniya. Nakapikit lang ako para maipahinga ko ang mga mata ko. Alam ko obvious naman, pero ang sakit kaya sa mata pag lagi ka nalang nakadilat tas hindi man lang maipikit nang kahit saglit dahil sa kakatitig sa kung saan.

Huminga ako ng malalim habang pinapakinggan ang mga kaklaseng napakadaldal. Oo, may mga kaibigan ako pero hindi ako gaanong sumasali sa usapan nilang madalas naman ay walang kabuluhan, mostly girls.

I'm not much of a social person. May mga kakilala ako o kaya kaibigan pero hindi ako masyadong dumidikit-dikit sa kanila. Naniniwala kase ako sa kasabihang 'Friends come and go'.

Pero as far as I know, si Ajax ang kauna-unahan kong bestfriend. Sa lahat ng mga nakilala ko ay siya ang naging close ko agad, kahit recently ko lang siya nakilala. Something in him that I can be who I am. What I truly am.

Sounds gay, but it's true. I'm not gay though, just being honest.

Inangat ko ang ulo ko para tignan ang classroom pero as usual ay maingay parin ito. Hindi ba dapat may magsu-sub sa absent na teacher? Where the hell is he or she right now!?

Tinapik ako ni Ajax sa balikat para mapukaw ang atensiyon ko. Pagharap ko sa kaniya ay nakatingin lang siya sa cellphone niya habang nakasuot sa tainga niya ang earphones. Ano bang kailangan nito sa akin? Tatawagin ako tas nakaharap sa cellphone.

Mahina ko siyang sinuntok sa braso. Napatingin siya sa akin habang nakangiti. Tinanggal niya ang earphones sa tainga niya at inilapag lang ito sa kaniyang balikat. Para na namang sira ito.

"Ano problema mo?", tinaasan ko siya ng kilay.

Tumawa siya bago umiling. "Wala lang, trip ko. May angal?", sabi niya.

"Inaantok ako eh tas tatapikin mo ako?", inis kong sabi.

"Suntukin kita para diretso kang tulog"

"Sige, basta pag nagising ako, paganti"

"Siyempre joke lang", tinaasan niya ako ng daliri.

Kinuha ko ang daliri niya at hinila ko iyon pababa. Napaawang ang bibig niya sa sakit pero nasabayan niya pa iyon ng pagtawa. Binitawan ko na ang kaniyang daliri at ikinuyom ang kamao niya para maitago ang daliri niya.

"Sakit, pre", angal niya.

"Pag binali ko lahat ng daliri mo, sa tingin mo masarap sa pakiramdam?", pamimilosopo ko.

Umiling lang siya habang tumatawa. Ang saya talaga netong mokong na ito. Nasaktan na nga, natatawa pa. Ganiyan naman iyan eh, tatawa iyan kahit masakit na.

Hindi ko namalayan na tumigil na siya sa pagtawa at nakatitig na lang siya sa akin. Hawak niya ang kaniyang lalagyan ng tubig sa kaniyang kaliwang kamay. Pinaiikot-ikot niya ito habang nakatitig sa akin. Kumunot ako sa kaniyang itsura kasi ang creepy niya tignan.

"Stop staring at me, you're creeping me out", utos ko sa kaniya.

Lumitaw ulit ang malaking ngiti sa kaniyang mukha habang kinurap-kurap ang kaniyang mata dahil sa matagal niyang pagtitig sa akin. Humarap siya sa kaniyang lalagyan ng tubig at doon naman siya tumitig. Pinagmamasdan niya iyon habang pinaiikot-ikot ang tubig sa loob.

Ano na naman bang naiisip niya sa kokote niya at nagkakaganiyan siya?

Biglang akong natinag nang tumayo siya kasabay ang iba ko pang mga kaklase. Napatayo rin ako kasi dumating na pala yung sumunod ng teacher. Napakamot ako sa aking batok dahil naguguluhan na ako sa kinikilos ng aking bagong kaibigan. Para siyang nasisiraan. Ewan ko ba, bahala na.




Inhuman Nature (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon