Chapter 10

1.4K 41 2
                                    

Chapter 10: Rescue

Cassie's Point of View

Tulala ako habang kumakain, samantalang sina Miki at Rhea ay nagkukuwentuhan. Nakatingin lang ako sa aking pagkain habang tinutusok-tusok ito. Hindi ko namalayan na pinipindot na pala ako ni Miki sa braso.

"Huy, ate. Gising!", sabi niya.

Mabilis akong umiling bago ko siya harapin. Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti.

"Lagi kang tulala", sabi ni Rhea.

Pinatong ko ang siko ko sa mesa bago ko ipatong ang baba ko sa aking palad.

"Pasensiya na. Ang init kase kaya medyo nahihilo ako", pagdadahilan ko.

"Don't worry, tatlong oras nalang at makakauwi na tayong lahat"

Natapos na ang lunchtime. Bumalik na kami sa classroom namin. Nakakaantok kase buong araw na akong nanditobsa eskuwelahan na ito. Isang araw palang pero piling ko parang isang linggo na ang nakalipas.

Nagpatuloy ang pagdating ng iba't ibang guro na may kani-kanilang major. It went on for three long hours until the bell rang. At last, It's time to go home.

"Hay, salamat. Uwian na!", sigaw ng isa kong kaklaseng nagngangalang Chezka.

Nag-uunahan na naman ang mga estudyante na magsilabas sa classroom para makuwi na. Napansin ko ang lungkot sa mukha ni Miki habang nakakapit sa shoulder bag niya. Hinawakan ko siya sa balikat na nagdulot ng kaniyang pagharap sa akin.

"Bakit ka naman malungkot?", tanong ko.

Halatang may sasabihin pa siya pero pinili niyang isara nalang ang kaniyang bibig. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

"Mamimiss ka namin", sabi niya.

"Magkikita pa naman tayo bukas", sabi ko.

"Oo nga, ang OA mo", sabi ni Rhea sabay binatukan si Miki.

Mahina akong natawa sa kamalditahan ni Rhea. Sabay na kaming lumabas ng classroom. Pagkarating namin sa harap ng gate, nagpaalam na kami sa isa't isa hanggang sa tuluyan na silang umuwi.

Nanatili lang muna ako sa harap ng gate. Iniisip ko pa kung paano ba ako makakabalik sa secret garden. Nandun pa kase ang mga alaga ko. Hindi ko naman sila peedeng iwan dun.

Pumito ako ng malakas kung sakaling gumana ito sa pagtatawag sa kanila. Lumipas lamang ng ilang segundo bago dumating agad ang tatlo kong aso.

Hinimas ko ang kanilang balahibo. Namiss ko yung piling nila kahit ilang oras lang ang nakalipas nung iniwan ko sila.

"Let's go na", aya ko sa kanila. Nagsimula na kaming maglakad pauwi.

Tumungo kami sa loob ng gubat. Ang tanging ingay lang ang naririnig ay ang pagtapak namin sa mga tuyong dahon. Ang malaking buwan lang ang nagsisilbing ilaw namin sa daan.

Suddenly, I heard one of my dogs growling at something. We stopped walking. I noticed that Smokie is looking at something from a near distance.

"What is it, boy?"

Sinundan ko ang tingin niya sa malayo. May dalawang lalaking naglalakad papunta sa direksiyon namin. Ang isang lalaki ay may red na hibla sa kaniyang buhok at ang isa naman ay may asul na buhok, at may dala rin siyang malaking sako nasa kaniyang balikat.

"Quick. Hide", pabulong na utos ko sa aking mga alaga.

Agad naman akong umakyat sa puno at nagtago sa may malaking sanga. Namangha ako ng biglang umakyat rin ang mga alaga kong aso at sinamahan ako sa inuupuan kong sanga.

Inhuman Nature (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon