Chapter 30: Uncomfortable
Cassie's Point of View
Nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko pa ba yung sleepover na binabalak ko. Ano ba naman kaseng iniisip ko? Dalawang lalaki sa loob ng bahay ko tas matutulog sila roon. Anong iisipin ng mga tao?
Well, there's no going back. Nandito ako nakatayo sa harap ng building ng condo ko. Hinihintay ko sila dito dahil umuwi pa sila sa kanilang bahay para kumuha ng damit. Jusme, sana naman wala akong makita pag dun pa sila sa bahay ko naligo't nagbihis.
Natinag ako sa isang malakas na busina ng kotse. Tumambad sa harapan ko ang isang itim na kotse. Tinitigan ko ang bintana sa driver's seat hanggang sa bumaba ito para lumitaw ang kung sinuman ang nasa loob ng kotse.
"Hey, Cassie!", kumaway si Rick mula sa passenger's seat. Kumaway nalang din ako pabalik.
"Cass, saan ba puwedeng mag-park?", tanong ni Ajax habang nakalabas ang braso niya sa bintana.
"Hayaan mo na iyan diyan. Ipapark ko na lang sa valet. Akin na yung susi mo", sabi ko.
Tumango siya at ipinasok muli ang kaniyang braso sa loob. Itinaas niya na ang bintana at pinahinto ang makina ng sasakyan. Sabay sina Rick at Ajax na lumabas ng kotse. Inihagis ni Ajax papunta sa akin ang susi ng kaniyang sasakyan na agad ko naman nasalo gamit ang isang kamay lamang.
"Pakisabi sa valet na ingatan yung kotse ko", pabulong na bilin niya sa akin.
Marahan nalang akong natawa sa aking sarili. Nauna pa si Ajax sa loob na akala mong alam niya ang lugar na iyon. Nakita ko na nakatayo pa si Rick sa tabi ng glass door.
"Let's go?", sabi niya habang nakalahad ang kaniyang kamay sa aking harapan.
I gave him a sweet smile and took his hand. Pinagbuksan niya kami ng pintuan at sabay kaming pumasok papunta sa counter. Naabutan naming nakatayo si Ajax na nakatuntong ang kaniyang siko sa counter.
"Bilisan niyo! Nagugutom na ako", angal ni Ajax.
Napairap nalang ako sa kaartehan niya. Sabagay, ang tagal din naman namin kasi. Binitawan ko muna ang kamay ni Rick at pumunta sa counter kung saan naroroon si Ruby na kanina pang nanonood sa amin.
"Ruby, paki-park yung kotse sa labas", pakiusap ko.
Tumango siya at binigyan ako ng matamis na ngiti. Pagkabigay ko sa kaniya ng susi, inabot niya ito at kinuha ngunit kumapit siya sa aking kamay. Marahan niyang hinila ang kamay ko upang senyasan akong lumapit sa kaniya.
Kumunot ang noo ko sa kaniyang pagkilos. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at siya naman ay itinapat ang kaniyang bibig sa aking tainga.
"Alam mo ba na dalawang lalaki iyan? Baka naman kung anong mangyari sa iyo niyan", pagpapaalala niya sa akin.
Ito na nga ang kanina pang nasa isip ko. Pag dumating ako rito na may dalawang lalaki, may iba nang nasa isip ng mga tao.
"Nothing's going to happen. They're my friends, I can trust them", kontra ko.
Pumantay ang kaniyang labi na tila'y hindi siya sigurado sa aking pasya. Binitawan niya na ang aking kamay at kinuha ang susi. Tumango siya at kinuha ang telepono. Bago pa ako makaalis ay muli ko siyang tinawag.
"Hey, Ruby... Um, please don't tell Kuya", paalala ko sa kaniya.
Tumango siya muli sa akin at binigyan muli ako ng pantay na ngiti. Sana naman ay hindi talaga siya magsumbong.
"Careful", pahabol niyang sabi.
Tumuloy na ako sa elevator para samahan sina Rick at Ajax doon. Pagkatungtong ko roon ay sumara na ang elevator doors at nagsimula nang umangat ang aking sinasakyan.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...