Chapter 41

517 10 0
                                    

Chapter 41: Kisses

Cassie's Point of View

His lips are so tender, so tempting. Matagal ko nang tinititigan ang kaniyang mga labi. Akalain nga naman na matitikman ko din pala. And gosh, was it so damn sweet like heaven!

"Mmmm...", napadaing ako sa sarap nang diinan niya ang kaniyang labi sa akin. Hinawakan niya ako sa baywang at inilapat ang katawan ko sa kaniya. Ipinalibot ko ang braso ko sa kaniyang leeg para ilapit pa ang kaniyang mukha sa akin.

Itinigil niya ang paggalaw at humiwalay sa mga labi ko. Nilayo niya ng kaunti ang kaniyang mukha para makita ang kabuuan ang mukha ko.

"Is this real?", sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata. Gosh, those eyes are so beautiful. So lucky that it belongs to the one I love.

"Yes.", I smiled sweetly and pecked on her kissable lips. "Yes, of course."

He seductively licked his lips while staring intently at me. He lightly bit his lips before kissing me again. This time, it was so passionate.

He groaned when I deepened the kiss. I wanted more of the sounds he make. I lightly brushed my hand on his hair. It felt so soft touch. Buti nalang, hindi siya naka-gel. Naramdaman kong inangat niya ang binti ko at inilagay sa kaniyang tagiliran.

Mabilis kong hiniwalay ang labi ko sa kaniya at tinignan ang kaniyang mukha.

"Jump.", he says. Kumunot ang noo ko pero agad ko rin namang sinunod. Sinalo niya ang isa kong binti. Kumapit ako sa kaniya para hindi ako mahilig at pinalibutan ko ang mga binti ko sa kaniyang torso.

Dinala niya ulit kami sa kama at marahan akong hiniga. Gumapang siya at kinubabawan ako. His eyes are half-closed while looking at me. Gosh, so hot! Puwede na siyang pang-model— hindi pala puwede. Akin lang siya. Ako lang dapat ang makakakita sa kaniya ng ganito.

Pero hindi ko naman nasisiguro na pareho kami ng nararamdaman. Hindi ko naman yata siya puwedeng pigilan kung hindi naman talaga siya sa akin. Nanghina ako sa lungkot at umiwas ng tingin.

"Bakit?", bulong ni Rick.

"I just... Ano... Kasi...". Jusme! Bakit ba hindi ko masabi!? Gusto ko talagang ikumpirma kung totoo ba ang sinasabi niya. Paano kung sinabi niya iyon pero wala naman siyang nararamdaman? May ganun ba?

"Cassie.", bulong niya.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at dahan-dahang humarap sa kaniya. Nang maimulat ko na ang mga mata ko, nakita kong may bakas na pagdududa sa kaniyang mukha. Napalunok ako sa kaba habang hinahanda ang sarili ko sa kung anuman ang sasabihin niya.

Lumalabo ang aking paningin. Naramdaman kong hinaplos niya ang aking pisngi. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Malamang naiiyak ako dahil sa lungkot na baka hindi kami pareho ng nararamdaman.

"Hindi ka ba naniniwala sa akin? Don't you trust me?", tanong niya.

Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Hindi kasi ako sigurado kung pareho tayo ng nararamdaman. Natatakot ako na baka ako lang ang umaasa. Na baka mali lang ako ng pagkakaintindi. Natatakot ako baka ako lang pala ang nagmamahal. Ayoko—".

Natigilan ako nang bigla nalang sakupin ng mga labi ni Rick ang mga labi ko. Napapikit nalang ako at hinayaang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Sana naman sa ginagawa naming ito, ganun din ang ipinapahiwatig nito.

Hiniwalay niya ang mga labi niya sa akin at niyuko niya ang ulo niya sa leeg ko. Nararamdaman ko ang malalim na paghinga niya sa leeg ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at punagsiklop ang aming kamay.

Inhuman Nature (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon