Chapter 8

1.3K 36 0
                                    

Chapter 8: Wow

Cassie's Point of View

Naglalakad kami ngayon patungo sa kalagitnaan ng gubat. Ang tanging naririnig lang ay ang pagdurog ng mga tuyong dahon na tinatapakan namin sa paglalakad. Kanina pa tahimik ang aming paglalakad dahil hindi nagsasalita ang aking mga kasamahan.

I can sense na kahit hindi ako tumingin sa kanila ay alam kong kinakabahan sila na malaman ko ang itinatago nila. Naisip ko na baka sila lang ang magkakaibigan sa loob ng school na yon na namuhay sa takot na baka malaman ang tunay na katauhan nila.

Kahit kanina ko lang sila nakilala, Ipaparamdam ko sa kanila na hindi sila nag-iisa sa mga bagay na sila lang ang nakakaalam.

Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa isang area kung saan makikita ang mga malalaking puno na may tinatakpang bahagi ng gubat na wala pang nakakakita kundi ako at ang mga alaga ko.

Hinarap ko ang mga kaibigan ko at nakitang nakayuko sila sa akin dahil tinatago nila ang kanilang kaba, takot, at hiya sa kanilang mukha.

"N-Nasan na t-tayo?", tanong ni Miki sabay sulyap sa akin.

"Tambayan ko", sagot ko.

Hinahawi ko ang mga matataas na dahon habang papasok sa sinasabi kong 'tambayan'. Pagkarating namin doon ay napatakip ng mata sina Rhea at Miki nang tumambad sa amin ang matinding liwanag.

Tumuloy lang ako sa pagpasok samantalang sila ay nakatayo parin sa isang puwesto sahil sa pagkasilaw.

Nang maiayos na nila ang kanilang paningin ay agad silang nabighani sa kagandahan ng lugar. Ang mga nagkakalat na bulaklak at ang malaking batis sa gitna ng hardin ang pumapaibabaw sa ganda ng buong lugar.

"Wow...", bulong ni Miki sa sarili.

Ako naman ay naglilibot sa buong lugar, hinahanap ang mga alaga ko.

"Moonie! Sunny! Smokie!", sigaw ko.

Biglang napaharap sa akin sina Miki at Rhea nang marinig nila akong sumisigaw.

"Anong ginagawa mo?", sabi ni Rhea sabay hawak sa ulo.

"Makikita tayo dito", sabi naman ni Miki.

Umiling ako sa kanila habang nakangiti. "Tinatawag ko lang ang mga alaga ko".

Narinig ko ang mga parating na pagtahol at pag-alulong sa di-kalayuan. Biglang niyakap ni Rhea si Miki dahil sa takot.

"A-Ano yun!?", tanong niya, nanginginig ang kaniyang katawan.

Tumalon ang tatlong mga tuta sa likod ng matataas na dahon at tumakbo papunta sa direksiyon namin.

Nakalapat ang mga braso ko sa kanila para yakapin mga ito habang si Rhea naman ay agad na tumakbo papunta sa isa sa mga malalaking puno para magtago.

"Hey guys!", sabi ko sabay talon nila sa akin. Nalaglag ako dahil sa bigat nila.

Nakita kong tinatawanan ni Miki si Rhea na nasa likod parin ng puno habang kinakalmot ang kahoy nito. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa mga alaga ko at nilapitan si Rhea.

"Huy, Labas na diyan", aya ko sa kaniya.

Humarap siya sa akin at nakita kong kulay lila na naman ang mga mata niya nang siya'y nakatingin sa akin.

"Ayoko. Takot ako sa aso", sabi niya habang patuloy na nanginginig ang katawan sa takot.

"Tara na. Hindi naman sila nangangagat", pagkumbinsi ko.

Inhuman Nature (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon