Chapter 35

524 11 0
                                    

Chapter 35: Forget

Cassie's Point of View

Yung panahong naalala ko na nakalimutan kong gawin ang assignment ko, dali-dali aiong nagpalit ng damit para umalis. Buti nalang ay mahimbing nang natutulog ang mga alaga ko para hindi ko na sila maistorbo.

Nang makalabas na ako nang building, bigla akong nagkaroon ng pakiramdam na tila-y may mali sa nangyayari na hindi ko alam. Maliban sa homework ko ay naalala ko ang mga pagbabanta ng diyablong iyon sa mga kaibigan ko.

Napatingin ako sa itaas kung saan maliwanag na nagniningning ang mga bituin. Napansin ko na may mga bituin na mas maliwanag pa kesa sa ibang bituin. Pinagmasdan ko ito ng mabuti hanggang sa makagawa ako ng constellation na tila'y hindi zodiac sign kundi para itong mapa papunta sa kung saan.

Habang nakatingin sa taas ay sinundan ko ang mga maliliwanag na bituin. Ilang minuto lang aking paglalakad hanggang sa makaabot ako sa isang subdivision. Tahimik akong pumasok para hindi ako mahuli ng kung sinong guwardiya ang nakabantay.

Patuloy kong sinundan ang mga bituin. Dinala ako nito sa isang malaking bahay na mas malaki pa kesa sa ibang bahay sa buong subdivision nito. Halos magmukha itong mansion dahil sa laki nito. Baka mansiyon na nga?

Napaisip ako kung bakit dito ako pinapunta ng mga bituin. Napatingin ako sa kaitaasan kung saan nagtipon-tipon ang mga bituin at bumaba sa langit. Nanlaki ang mga mata ko nang palibutan ako nito.

May nagtulak sa akin na pumasok sa bahay na ito kahit ganito ang aking sitwasyon kung saan ako na mismo ang lumiliwanag.

Pagpasok ko ay naabutan ko na naman ang itim na lalaki, whom is the devil himself, standing with his back facing me.

Unti-unti itong humarap sa akin na may malawak na ngiti at lumiliyab na mga apoy. Napansin ko sa aking sarili na kahit nakatayo na siya sa harapan ko ngayon ay hindi na ako nakaramdam ng takot sa kaniya.

Akmang susugurin ko na siya ngunit natigilan ako dahil sa kaniyang paghalakhak. Naisip ko na baka may makarinig sa amin dito dahil sa kaniya kaya napako ako sa aking kinatatayuan.

Naisip ko rin na hindi pa ngayon ang tamang oras na makipaglaban dahil sa maraming taong natutulog at baka mapahamak sa gaganaping labanan.

Pinanood ko na lamang siya na palibutan ng usok at mawala ng parang bula. Nakahinga ako ng maluwag hanggang sa napagtanto kong kasama pala si Rick sa naganap na pangyayari.

Unti-unti namang lumilisan ang mga bituing nakapaligid sa akin at bumalik sa madilim na langit. Iniwan akong kasama si Rick na nagtataka.

"C-Cassie?", pagtawag niya.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang sitwasyon namin ngayon. Kung paano ako nakarating dito at kung paano ako naging... ilaw? Edi Wow!

"Hi Rick.", sabi ko bago ko siya nginitian. What a great cover-up. Now what?

"Y-You... I-Ikaw ba y-yung... U-Um...".

Napabuntong-hininga nalang ako. Nilapitan ko nalang siya at tinapik sa kaniyang balikat.

"Go to sleep. Kailangan mo nang magpahinga para bukas.", bilin ko sa kaniya.

Napapailung siya dahil sa pagtataka ngunit nang magtama ang aming tingin ay kumalma na siya. Yun nga lang, nagkatitigan pa kami. Hindi ko rin naman kayang lumingon, his eyes are too gorgeous to resist.

"Go rest.", sabi ko. Dahan-dahan siyang tumango sa akin bago niya ako binigyan ng matamis na ngiti.

Mabagal lang siyang tumalikod sa akin at diretsong pumasok sa kaniyang bahay papunta sa kaniyang kuwarto. Hinintay ko siyang dumungaw sa kaniyang bintana para masigurado kong okay lang siya.

Inhuman Nature (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon