Chapter 11

1.3K 37 1
                                    

Chapter 11: Visions

Cassie's Point of View

I woke up fully relaxed... but a bit confused. Something in my mind is disturbing me... and it's still there.

Last night, I dreamt about a pair of eyes that are extremely familiar to me. It was just staring straight at me. Then suddenly, it began to change in different colors. I got scared but I didn't move. I can't. I just... froze.

After that, those eyes zoomed at me before it disappeared and a new scene appeared.

A pair of white wings flapped infront of me with a white heart between. I reached to touch it but the heart burst into flames like rage and the wings started to turn black.

Out of nowhere, a necklace with a pendant of wings hovered above the burning heart. It started to shine like a diamond reflecting the light. White smoke emerged from it and the smoke surrounded me. The heart turned back to white. Mysteriously, the wings stayed the same in black feathers.

After that, the dream ended and I woke up.

I tried to analyze what the dream meant, but still, I have no clue. I just shrugged it off. It's just a dream, anyway.

Habang kinukusot ang aking mga mapungaw na mata, bigla kong naalala na dito nga pala natulog si Rick kagabi. Mabilis akong lumabas ng kuwarto at bumaba ng hagdan.

Pagdating ko sa sala ay nakita kong wala nang tao sa silid. Nadatnan ko lang ang mga alaga ko sa sofa. Umupo ako roon at hinimas ang kanilang balahibo.

"Hindi ko pa pala nakukuha yung collar niyo", bulong ko sa kanila.

Bigla akong tinahulan ni Moonie at tinuro niya ang nguso niya sa coffee table. May naiwang isang pirasong papel sa mesa. Pinulot ko iyon at binuklat. May nilalaman itong liham.

'Sorry If I didn't wake you up, but thank you so much for your care. See you later'

Napangiti nalang ako ng sobra pagkarapos kong basahin ang sulat. Biglang kumunot ang noo ko nang maisip ko kung bakit siya nagmamadali. Sumulyap ako sa orasan na naging titig agad dahil sa napagtanto kong 7:30 na!

Nanlaki ang mata ko at napahawak ako sa ulo dahil sa kaba at taranta na ako ay male-late na. Hindi ko namalayang tumitili na pala ako na nagdulot ng pagtatahol ng mga alaga ko sa akin.

Kaysa maging OA sa isang tabi, tumakbo na ako papasok ng CR para maligo. Pagkatapos nun, ay umakyat ako sa aking kuwarto. Nang maisara ko ang pinto, narinig kong may nagbu-buzz sa pinto. Binalewala ko muna ito dahil nagmamadali na talaga ako.

Nang maisuot ko na ang necktie ko na halos masakal ako sa higpit, biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ruby.

"Anong nangyari!? Ok ka lang!?", sigaw ni Ruby.

"Hindi! Hindi ako Okay! Male-late na ako!"

Natahimik si Ruby pero hindi ko nalang siya kinausap pa. Kinuha ko na lang ang bag ko at kumaripas ng takbo palabas ng kuwarto hanggang sa makaalis na ako sa lugar na iyon.

Hindi na ako namasahe papunta sa school. Pagdating ko sa gate ay grabe na ang paghihingalo ko. Ayaw ko naman nahuki sa klase kaya nagsimula akong tumakbo ulit. Pagdating ko sa hallway ay may humarang sa akin na matandang guard.

"Miss, teka lang. Wala kang suot n—",

Hindi niya natapos ang sinabi niya ng hubarin ko ang I.D ko at binigay sa kaniya. Hindi ko na nakuha pa ang I.D ko nang tumakbo pa ako ulit papunta sa aking classroom.

Inhuman Nature (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon