Epilogue
Cassie's Point of View
I feel relaxed when I woke up. Piling ko para akong nakatulog ng ilang taon sa sobrang sarap ng gising ko. Napahikab pa ako ng malakas at inoonat ang mga braso. Gusto ko pa sanang matulog ulit kaso nasisilaw na ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko.
Habang nakapikit ako ay bumangon ako sa kama at kinusot ko ang mga mata. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita kong hindi pamiluar sa akin ang kuwartong ito, pero nang makita kong sosyalin yung mga gamit sa paligid pati na rin yung kamang hinihigaan ko ay napagtanto kong nasa kuwarto ako ni Ajax. Or isa sa mga kuwarto ni Ajax sa bahay na ito.
Nang umapak ang mga paa ko sa malamig na sahig ay biglang bumalik sa akin ang mga alaalang nangyari kahapon lang. Nanginig ang katawan ko sa pag-aalala.
How long was I asleep? Nasaan na ba sila Mama? Okay pang ba sila? Si Papa!
Akmang tatakbo na ako palabas ng kuwarto para hanapin sila nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto. Bago pa ako makapag-assume ay pumasok ang ama ko na nasa mabuting kondisyon.
Hindi talaga nawawala ang black sa kaniya. Nakasuot siya ng black na long-sleeved polo na nakatupi ang sleeves hanggang sa siko niya. May itim na rolex na nakapalibot sa kaniyang pulsuhan.
He plastered a sweet smile while his deep black eyes stared right at me. It held no anger, nor madness, but innocence and love.
"Hi, sweetie.", sabi niya nang maisara niya na ang pinto.
"H-Hi, Dad." Nauutal ako hindi dahil sa kaba, kundi sa hiya, ngayong nakatayo na siya sa harapan ko, alive and well. Ang tagal kong umasa na magkaroon ng ama, at ngayon ay bumalik na siya.
Nararamdaman kong nag-iinit ang pisngi ko at nangingilid ng luha ang mga mata ko. Seeing him smiling at me feels like I just like the pieces of me are finally complete.
"A-Are you okay?", sabi niya nang umupo siya sa kama, sa tabi ko.
Tumango lang ako. Umangat ang kamay niya para haplusin ang aking pisngi. Napapikit ako nang damhin ko ang kaniyang kamay sa pisngi ko. It's gentle and caring.
Nang maimulat ko ang mga mata kobay may nakita akong pagsisi sa kaniyang mga matang nakatitig sa akin. Napakunot ang noo ko at hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko.
Umawang ang bibig niya at napapailing. "I'm so sorry..." Yumuko siya at narinig ko siyang suminghot.
Dahan-dahan kong inialis ang kamay niya sa pisngi ko ataahan iyong pinisil. Hindi naman siya dapat humihingi ng patawad. He was being controlled. Hindi naman siya ang gumagawa ng masama. Looking at him right now, Alam kong hindi niya kami kayang saktan.
"It's okay, Papa. Wala ka namang kasalanan.", mahinahon kong sabi.
Tumingin siya sa akin habang nakaawang ang bibig at umiiling.
"Anak, hindi. Hindi ako naging malakas. Nagpadala ako sa takot kaya—"
"No, Papa. You were wounded. Hindi namin alam kung ako ang pinagdaanan mo kaya wala kaming karapatan na magalit sayo and neither do you to yourself. Ang alam namin ay lumaban ka... lumaban ka para makabalik. You're strong, Papa."
Lumambot ang ekspresyon sa kaniyang mukha na tila'y naintindihan niya ako ngunit may pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata na parag hindi niya matanggap.
"I should've been stronger. I should have fought harder so I could come back but my fear got to me. Hell, I didn't even knew I have a daughter all these years. I feel guilty..."
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...