Chapter 29: Sleepover
Rick's Point of View
"Hayaan mo na kasi yun! Malamang nakauwi na yun", angal ni Ajax habang nakasunod sa akin.
"Manahimik ka nga! Kailangan natin siyang hanapin. Gabi na at malamang at nasa labas pa iyon", kontra ko.
Hindi ko na pinansin pa ang nga angal ni Ajax at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hinahanap ko si Cassie dahil nakokonsensiya ako sa ginawa ko kanina. Para kay Ajax ay parang hindi big deal iyob sa kaniya, ngunit sakin ay tila'y bumabagabag sa kalooban ko na hindi tama.
Napadaan kami sa iba't ibang tindahan at eskinita ngunit hindi namin siya nakita. Si Ajax naman ay nagbibili ng kung anu-anong pagkain sa mga madadaanan naming tindahan.
"Bilisan mo!", angal ko.
"Teka lang kasi!", kontra niya pa.
Marami na siyang nabiling pagkain gaya ng cabbage yaki, rainbow cake, chocolate tiramisu, at isang pack ng sushi at maki. Ngayon, hinihintay ko siya sa labas ng Cocoa express dahil bumibili siya ng choco pao sa loob.
"Oh, tapos na ako...", sabi ni Ajax habang hawak ang isang supt ng choco pao.
"Para kanino ba kasi iyan?", tanong ko.
"Siyempre, para kay Cassie, pag nahanap natin siya", sabi niya at nagsimula nang maglakad.
Oo nga pala... Kung may balak kaming hanapin siya, dapat may maganda kaming maibigay sa kaniya para makabawi kami sa kaniya. Naalala ko tuloy yung last time na dinala ko siya sa mall. Namimiss ko na ang mga sandaling iyon.
"Hoy! Tara na!", sigaw ni Ajax.
Nagulat naman ako sa biglaan niyang pagtawag. Sinundan ko na siya nang magsimula siyang maglakad. Binigay niya sa akin ang dalawang supot ng kaniyang binili.
"Para may maibigay ka naman kay Cassie pag nahanap natin siya", sabi niya sa akin.
Pinagmasdan ko ang laman ng plastic bag. Inisip ko ang magiging reaksyon ni Cassie pag naibigay na namin ito sa kaniya.
"Salamat, pre", sabi ko.
Habang naglalakad palapit kami sa isang madilim na eskinita nang mapahinto sa paglalakad si Ajax at sinenyasan din akong huminto.
"Narinig mo iyon?", tanong ni Ajax.
"Alin?"
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid namin. Sobrang tahimik sa paligid kung hindi lang sumabay ang mga papel na kumakaskas sa sahig.
Napansin ko nalang na nakalayo na si Ajax sa akin at nakaharap siya sa loob ng madilim na eskinita. Nakaawang ang kaniyang bibig habang nakatingin sa loob. Sinundan ko siya roon habang nakakunot ang aking noo.
"Pre, ano—", napatingin ako sa kung saan man nakatingin si Ajax hanggang sa mapanganga nalang ako sa aking nakita.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Cassie's Point of View
Sa sobrang tagal ko nang hindi nakikipaglaban sa kahit sino, lalo na kapag lalaki, nakakahingal palang magbuhat ng mga katawan. Lalo akong nahirapan dun sa may matipunong katawan pero mas maganda namang kalaban ito.
Habang nakasandal sa pader, nararamdaman kong may iba pang nakatingin sa akin. Handa na sana akong tumakbo ngunit nang makita ko ang dalawang pamilyar na lalaking ito ay natigilan ako.
"What are you looking at?", sigaw ko sa kanila.
Dumapo ang kanilang tingin sa mga lalaking nakasalampak sa sahig. Nanatiling nakaawang ang kanilang bibig habang papalapit sa akin. Hindi ko inalis ang madiin kong titig sa kanila.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...