Chapter 21: True Form
Cassie's Point of View
Nakaupo ako sa damuhan dito sa Loveranda Park kasama ang mga alaga kong aso na naghahabulan naman sa damuhan. Kakatapos lang namin mag-jogging mula sa amin hanggang dito. Maaga pa at sumisikat na ang pulang araw sa langit. Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan ng litrato ang araw gamit nito. Pinicturan ko rin ang mga alaga kong aso na gumugulong sa damuhan.
Pumito ako ng malakas para tawagin sila. Agad naman silang lumapit sa akin at umupo sa aking tabi ngunit si Smokie naman ay humiga na sa hita ko. Napangiti nalang ako sa kaniya bago ko himasin ang kaniyang balahibo. Naramdaman kong ikiskis ni Sunny ang mukha niya sa braso ko. Napansin kong may kinakagat siyang patpat sa kaniyang bibig. I think she wants me to play fetch with her.
Dahan-dahan kong inurong ang ulo ni Smokie at inilagay ito sa damuhan. Tumayo ako at iniwan ang gamit ko malapit kay Smokie. Lumayo ako ng kaunti kay Smokie para hindi ko siya matamaan habang naglalaro kami.
"Alright, ladies! Let's start!"
Hinagis ko ang patpat sa malayo na mabilis naman maagaw ni Moonie kay Sunny. Natawa nalang ako nang makarating na sa akin si Moonie habang kinakagat niya ang patpat na hinagis ko. Lumapit rin sa akin si Sunny ngunit kinagat niya si Moonie sa tainga.
"Hey, no fighting", saway ko sa kanila.
Hinagis ko muli ang patpat bago nila ito habulin. Habang pinapanood silang tumakbo, napatingin ako sa puwesto ko kanina kung saan ko iniwan si Smokie at ang mga gamit ko.
Parang bumagal ang pagtibok ng puso ko nang makita kong wala na si Smokie sa puwesto niya. Instead, may nakita akong isang lalaking nakaitim na polo at pantalon, nakahiga roon sa puwesto kung saan nakahiga kanina roon si Smokie kasama ang mga gamit ko.
Nakaawang ang bibig ko habang lumalapit sa lalaking ito. Habang lumalapit ako, lumalakas ang hilik nito. Lumuhod ako at hinayaang dumapo ang kamay ko sa buhok niya. Naramdaman ko siyang gumalaw sa pagkahiga niya bago siya umupo at humarap sa akin.
This man infront of me looks so strange yet familiar. Ang mga mata nito ay gayang-gaya ng kay Smokie na kulay ng madilim na abo. Maputla ang kaniyang kutis but looks so youthful. He looks exactly at my age.
Gumapang siya palapit sa akin at dumapa sa damuhan. Lumitaw ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Nakatitig lang ito sa akin like any other dogs do, pero ang titig niya ay hindi creepy or weird.
Nilapit ko ang kamay ko sa mukha niya at hinimas ang hinlalaki ko sa kaniyang pisngi. Narinig ko siyang umungol ng malalim at pumikit. Itinutulak niya ang kaniyang pisngi sa kamay ko para idiin ko ang aking hawak. Pumikit siya at inilapag ang kaniyang baba sa kaniyang braso. Ipinatong ko nalang ang kamay ko sa ibabaw ng kaniyang ulo hanggang sa mapanood ko siyang matulog ulit.
Pumikit ako at huminga ng malalim bago ako dumilat ulit. Nakita kong si Smokie na ang hawak-hawak ko sa ulo habang natutulog siya ng nakadapa sa harapan ko.
"Smokie...", I unconsciously said.
Tumahol sina Moonie at Sunny. Napaharap ako sa kanila at nakita kong kinakagat na ni Sunny ang patpat na hinagis ko kanina. Kinuha ko nalang ito at nilapag sa damuhan. Nginitian ko sila ngvsaglit bago himasin ang balahibo nilang dalawa.
Tumingin ako kay Smokie na natutulog pa rin sa damuhan. Natigilan ako nang humikab siya at tumitig sa akin. He still got those cute little grey eyes that keep reminding me abouth what I just saw earlier.
Wow...
Pagkatapos naming maglaro hanggang sa mapagod, kinuha ko na ang mga gamit ko at pumunta sa McDonalds para makakain. Nag-order ako ng chicken para sa mga alaga ko kase yun naman ang kayang kainin ng mga aso. Sa akin nalang yung pancakes at hot choco para sa almusal ko rito.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...