Chapter 22: Threat
Cassie's Point of View
Mahimbing akong natutulog sa aking kama habang nakayakap sa malambot kong unan nang marinig kong tumatahol si Moonie sa akin para gisingin ako. Napakamot ako sa aking ulo dahil sa antok.
Humikab ako bago pa ako makatayo sa aking kama. Lumabas ako ng aking kuwarto habang nakapikit ang aking mga mata. Alam kong nakasunod sa akin si Moonie dahil dinig ko ang kaniyang paghinga sa aking likuran.
Nang makaapak ako sa pinakahuling hagdan, bigla ko nalang narinig ang pagbagsak ng mga kawali sa kusina. Iminulat ko na ang aking mata at agad akong tumakbo papunta sa kusina. Nadatnan kong nakasampa na sa lababo ang dalawa ko pang alaga habang nilalaro ang tubig sa gripo.
Napailing nalang ako sabay ngiti sa kanila. Akala nila siguro mga bata pa sila sa laki nilang iyan. Mas malaki pa nga sila kesa sa unan ko.
Lumapit ako sa kanila at isa-isa silang ibinuhat at ilapag sa sahig. Pinulot ko ang mga nahulog na kawali at isinabit muli sa kung saan ito nararapat. Bumalik ako sa sala para tignan doon ang oras dahil naiwan ko ang phone ko sa kuwarto. Pagtingin ko doon ay nakita kong 6:30 na. Bumalik nalang ako sa kusina para magluto ng almusal para sa amin.
Habang nagluluto ako ay nakatitig lang sa akin ang mga alaga ko. Naisipan kong kausapin sila dahil sa alam ko naman na marunong sila magsalita.
"Ano nga pala ang mga totoo niyong pangalan bago ko kayo tawagin na 'mga alaga ko'?", tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan silang tatlo bago humarap sa akin. Umiling sila na sinasabi nilang wala silang pangalan noon. Kumunot ang noo ko dahil imposible naman wala silang pangalan since mga kaluluwa sila sa katawang aso.
"How come? You must have one"
Tumayo si Smokie at lumapit sa akin si Smokie. "Wala na po kaming memorya bago pa po kami sumanib sa katawang ito, kamahalan", pagpapaliwanag niya.
Kumunot lalo ang aking noo hanggang sa mapatango nalang ako. Siguro ganun naman talaga ang mga kaluluwa, nawawalan na ng mga memorya pag pumanaw na ang kanilang totoong katawan.
Kung ganoon naman iyon, aalagaan ko sila ng mabuti. Ayokong kapag nawala na sila sa akin ay makakalimutan na nila ako.
Ilang minuto lang ay pumunta na ako sa dining room, dala ang isang plato ng mga pancakes at bacon naman para sa mga aso. Bago ko ibigay ang karne sa mga alaga ko, kumuha ako ng isang piraso. Sure naman ako na kasya na sa kanila yung siyam na piraso.
Pagkatapos namin kumain ay umakyat ako muli sa aking kuwarto. Binuksan ko ang aking closet at nilabas ko ang aking Sunday dress bago ako pumasok sa C.R para maligo. Kakabukas ko palang ng shower ay naririnig ko na ang mga alaga ko na kumakalmot sa pintuan ng C.R.
"Mamaya nalang kayo! Pagkatapos ko rito, kayo naman ang maligo!", sigaw ko para marinig nila sa labas.
Pagkatapos kong magbanlaw at magpatuyo, tinapis ko ang aking sarili sa tuwalya bago lumabas ng C.R. Hindi ko makita ang mga alaga ko hanggang sa marinig ko ang talsikan ng tubig sa loob ng C.R ko.
Nagpatuloy na lang ako sa pagbihis at sinuot na ang aking Sunday dress. If someones is going to ask, I'm going to attend a mass in church. Of course, dadalhin ko ang mga alaga ko as long as hindi sila mag-iingay doon.
Itinali ko ang aking buhok sa isang ponytail at naghimas ng konting pulbos sa aking mukha.
Tumalikod ako para balikan ang mga alaga ko sa C.R ngunit tumambad na sila sa paanan ng aking kama. Basang-basa ang kanilang katawan na nagdulot ng pagkalat ng tubig sa paligid. Napabuntong-hininga nalang ako at sinapo ang noo.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...