Chapter 16: Unusual
Cassie's Point of View
Usually, I wake up in six in the morning only. Now, I woke up earlier than four, which I never did before. Lagi akong exact sa schedule, except nga lang nung isang araw. Gosh, that was humiliating and I even slept the whole damn day after that.
Habang may oras pa, umalis ako sa kama at pumunta sa closet ko para magbihis ng pang-alis na damit. I kissed my pets' fur before I got out of my room.
I decided na bibisitahin ko ang pamilya ko sa aming clan.
As I walk through the dark forest, I felt sharp eyes on me like it's stabbing with me it's stare. Since I hide my face, they thought I'm just a common prey and they're the predator waiting to pounce on me.
Hindi ko na lang muna pinansin iyon dahil malapit na rin naman ako sa aking pupuntahan at malalaman din nila ang kanina pa nilang hinihintay.
Sa bawat paghakbang ko ay maririnig ang pagdurog ng tuyong dahon at sanga na aking inaapakan. Kahit madilim ang paligid ay alam ko ang aking dinadaanan.
Lahat ng mata nila ay nakatingin sa akin magmula pa nung makaapak ako sa teritoryo nila. Clearly, hindi pa nila ako namumukhaan dahil sa nakatakip na naman ang aking mukha sa isang face mask. Hopefully, na isa sa kanila ang makakilala sa akin dahil nagpakita na rin ako sa kanila noon kahit nakaganito ako.
Si Kuya Richard, which is their clan doctor, ay lumapit sa akin at humarang sa daan para pahintuin ko. Tinanggal niya ang kaniyang salamin at tumingin ng diresto sa akinv mga mata.
"You lost, lil girl?", he smirked.
"I wish to see your leader"
His smirk faded. Pinaningkitan niya ako ng mata na tila'y isa akong kalaban.
"You're gonna have to go through me, missy", pagbabanta niya.
I mentally groaned. They seriously haven't figured out who I am. Napapikit ako bago bumuntong-hininga.
"Trust me...", dahan-dahan kong tinanggal ang face mask ko at ipinakita sa kaniya ang kabuuan ng aking mukha. "You wouldn't want to".
Nanlaki ang mata niya nang malaman niya kung sino ang pinagbabantaan niya. Napanganga lang siya ng saglit bago lumitaw ang ngiti sa kaniyang mukha. Humawak siya sa kaniyang dibdib bago lumuhod sa aking harapan.
"Welcome back", bati niya.
Sunud-sunod na ang pagluhod ng nakapalibot sa amin. Ang mga bata naman ay nagsilapitan sa akin at nagbigay ng iba't ibang bulaklak bilang handog sa aking pagbalik.
"Well, well, well..."
Paglingon ko sa lalaking nagsalita, napagtanto kong si Kuya Grey pala ay parating na. Lumayo sa akin ang mga bata, pati si Kuya Richard, ay nagbigay-daan sa kanilang leader. Pumapalakpak ang kanilang leader habang naglalakad papunta sa akin.
"Maligayang pagbabalik, Lupus Alba"
"Could you please stop the formality here, Kuya Grey. We're family here"
"Well, you should really stop showing yourself in a face mask"
"Uso ito eh, bakit ba?"
Narinig ko siyang tumawa bago lumuhod sa aking harapan. Jusme, Hindi talaga sumasakit tuhod nila sa pagluhod. Konting-konti nalang dumapa na sila sa harap ko. Pero like it or not, they always think of me as their highest, not to brag.
"Kuya... I need to talk to you", sabi ko.
Tumingala siya sa akin bago tumango. Tumayo siya at kinuha ang kamay ko, again with the formality. Dinala niya ako sa isang malaking tent. Mas malaki pa ito kesa sa mga tent ng ibang residente rito.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasiaLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...