Chapter 37: Reason
Ajax's Point of View
What the fuck!? Leaving just like that doesn't make any sense! Iiwan niya kami ng ganun lang? Ano ba kasing nangyari dito para umalis ng ganun kadali? Nakakairita!
Ano naman ngayin ang sasabihin ko kay Rick? Sa mga kaibigan niya? Masasapak ako ni Rick dahil wala akong nagawa para pigilan siya sa kaniyang pag-alis! Napapakamot ako sa sarili kong ulo dahil sa inis. Buwiset! Anong gagawin ko!?
Palakad-lakad ako habang nag-iisip ng paraan kung paano ito ipaliwanag sa iba nang may matapakan akong itim na parte sa damuhan. Hindi... Parang abo. Itim na abo.
Pumulot ako nito ng konti at kiniskis ko ito sa aking mga daliri. Lumilipad ang abo sa hangi kaya napupunta ito sa mukha. Kainis! Sa dinami-daming puwedeng paliparin itong buwiset na abo, sa mukha ko pa! Napuwing pa ako kasi tumama sa mga mata ko.
Mariin kong ikinuskos ang aking mga mata dahil sa pagkapuwing. Buwiset naman oh! Naiiyak tuloy ako.
Teka... Abo? Si Cassie... Shit!
Kumaripas ako ng takbo pabalik sa classroom ko para masabi ko ito kay Rick. He has to know. He loves her, for pete's sake! Wala na akong pakialam kung gaano kalakas ang impact sa sapak ni Rick kapag sinabi ko ito. Him and Cassie are both my friends. And now, one of them left and she's in danger.
I can't let that happen. I'll go get help and bring her back. Ayokong mangyari sa kanila ang naranasan ko. Hindi puwede. Punyeta naman kasi si Rick, hindi pa umamin! Edi sana hindi umalis si Cassie ng ganun lang para maisip niya naman kung ano mararamdaman ni Rick.
Buwiset ka, Rick! Isa ka din, Cassie! Buwiset! Mga torpe, punyeta!
Nang makarating na ako sa classroom namin, ay sinipa ko pabukas ang classroom namin bago pumasok. Hindi ko namalayang may teacher na pala na nakatayo sa harapan. Wow, grand entrance. Gusto kong ngumiti kaso seryoso muna tayo ngayon kasi baka pagalitan ako.
"What in the devil were you doing, Mr. Sovreno!? And where have you been? It's past 9 already!", paninigaw ni Sir Lucero.
Hmm, too late. "Sorry. Akala ko po wala pang teacher.", sagot ko.
"Well, now I'm here, so sit down.", utos niya.
Nakayuko akong pumunta sa aking upuan sa tabi ng puwesto ni Rick. Tinalikuran na kami ni Sir Lucero at nagpatuloy sa pagsusulat sa whiteboard. Sumandal ako ng kaunti palapit kay Rick. Hindi pa ako nakakapagsalita, sumabat naman itong si Rick.
"Huwag kang magsalita, mapapagalitan ta—"
"Walang tayo, so shut up. And Cassie's gone.", sabat ko sa kaniya.
Agad naman siyang humarap sa akin na nakakunot ang noo. Nakaawang bibig niya na parang hindi siya makapaniwala. Hindi.... Ayaw niyang maniwala. He knew it all along na may balak talagang umalis si Cassie pero iniisip niya lagi na hindi niya gagawin iyon sa amin. Now here we are, sitting peacefully in a room while Cassie is chasing danger outside.
Speechless, aren't you? Pinanatili ko ang aking tingin sa harapan para hindi ko siya makita. Pero nang subukan ko siyang sulyapan, nakita kong kinukuyom niya ang kaniyang kamao habang nakatingin pa rin sa akin. Malamang ay masasapak na ako nito. Hanggang sa naramdaman ko na kumapit siya sa braso ko at niyugyog ako para tignan ko siya.
Okay, here we go.
"A-Anong i-ibig mong s-sabihin?", tanong niya. Siguradong nag-aalala na siya kasi dinig ko na ang kaniyang takot sa paniyang pautal-utal na pagsasalita.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...