Chapter 25: Treat
Cassie's Point of View
Wala akong ganang pumasok sa eskuwelahan. May rason naman ako kung bakit ayaw kong pumasok. Nanghihina pa ako, lagi naman eh. Hindi lang katawan kundi damdamin din.
I don't wanna see any face I know today. I'll stick with my dogs and strangers I'll see on my way when I'll take a walk later.
"Rise and shine, my queen", bilin ni Moonie nang tumalon siya papunta sa kama ko.
Tumango nalang ako at tumayo mula sa aking kama habang kinukusot ang aking mga mata. Hindi na ako nag-abala pang magsuot ng tsinelas kahit malamig pa ang sahig. Paglabas ko ng aming kuwarto ay nadatnan kong nasa sala na sina Sunny At Smokie.
"Good morning, my queen", bati ng dalawa.
I smiled sweetly while walking down the stairs. Tumungo ako sa kanila at hinimas ang kanilang balahibo. Tumabi rin sa akin si Moonie at dinilaan ang kamay ko.
"Hindi po ba kayo papasok, kamahalan?", tanong ni Smokie.
Umiling lang ako. "I don't wanna go".
Bumalik nalang ang kaniyang paningin sa TV. Habang nanonood, biglang lumipat sa commercial tungkol sa mga batang naglalaro kasama ang kaniyang mga aso. Subconsciously, napahawak ako sa mga alaga ko hanggang sa may maalala akong gusto kong sabihin.
"Hey, guys. Why don't we skip the formalities and stop calling me 'my queen' or 'kamahalan'?", sabi ko.
Napaharap silang lahat sa akin. Matamis na ngumiti lang ako sa kanila para siguraduhing hindi naman masama ang iniisip ko.
"Like what?", tanong ni Sunny sa isang matinis at matamis na tono.
Natahimik ako bigla. Hindi ko pa pala naiisip kung ano ang itatawag nila sa akin since ayaw ko naman na tinatawag akong reyna nila. Nag-iisip ako ng malalim habang sila naman ay nanatili ang titig sa akin.
"Ah alam ko na!", sabi ko na may malawak na ngiti. "Since you're like my babies, you'll call me 'Ma'am' or 'Mom'".
Nagsilabasan ang kanilang mga dila na tila'y natutuwa. Niyakap ko sila habang hinihimas ang kanilang mga balahibo. Napansin ko na lumaki na sila lalo. Piling ko na parang kahapon lang mga tuta lang sila.
"Thank you... Mom", bulong ni Moonie.
Napangiti nalang ako at hinigpitan ang yakap. "No, thank you for coming into my life".
Tumagal kami sa puwestong iyon na hindi namin namamalayan na umiingay parin pala ang mga commercial sa TV. Ako ang unang bumitaw sa yakap kasi baka hindi na makahinga yung mga alaga ko kahit malaki na sila.
"Sige na, magluluto na ako. Aalis tayo rito", sabi ko bago tumayo mula sa sofa.
Sinundan nila ako papunta sa kusina. Nilabas ko mula sa refrigerator yung natirang waffle batter. Binuksan ko yung waffle maker para makapagluto na. Habang pinapainit ang makina, binuksan ko ang tubig para maghilamos muna.
Hindi ako pumikit kase ayokong tumambad na naman sa mga mata ko ang biglaang pagsulpot ng mga taong hindi ko naman pinakikialaman pero patuloy akong ginugulo.
Pagkatapos nun ay binalikan ko na ang waffle maker at nakitang mainit na ito. Nilagay ko na dun ang batter at sinarado ang takip para maluto. Napansin ko na nakahiga na sa sahig ng kusina ang mga alaga ko habang naghihintay ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...