Chapter 39: Awake
Rick's Point of View
Nakamasid ako sa diyablong nakayakap kay Cassie. Napansin kong suot parin ni Cassie ang kaniyang uniporme ngunit kulay pula ang kaniyang pantaas. Ano bang nangyari sa kaniya at nakapalibot siya ngayon sa mga braso ng demonyong ito?
"Cassie!"
Humarap sa akin ang diyablo ngunit nakatingala lamang si Cassie sa kaniya. Lumaki ang ngisi ng diyablo habang nakatingin sa akin. Dumating naman sina Sir Lucero at Ajax na kaninang humiwalay sa akin para hanapin si Cassie.
"Nakita mo na—", natigilan si Ajax nang dumapo ang kaniyang paningin kay Cassie.
Nang magtama ang tingin ng magkapatid ay nanlisik ang mga mata ni Sir Lucero at tumawa naman ng malakas ang kaniyang kapatid. Niluwagan ng diyablo ang pagkakayakap niya kay Cassie.
"Well, well, well... Hello, brother.", bati ng diyablo kay Sir Lucero.
Kinuyom ni Sir Lucero ang kaniyang mga kamao habang nakatingin sa kaniyang kapatid. "Bitawan mo ang pamangkin ko.", utos niya na may diin sa kaniyang tinig.
Umiling naman yung diyablo at ayaw bitawan si Cassie kaya nanggalaiti ako sa pagtingin sa kaniya. Huminahon naman ako ng kaunti nang hawakan ako ni Sir Lucero sa balikat. Nang ibaling ko ulit ang tingin ko sa dalawang magkayakap ay nakita kong nakayuko naman ngayon si Cassie sa kaniyang dibdib.
Ano bang nangyayari sayo, Cassie?
"Alam ko na ikaw ang ama niya, pero hindi tama ang ginagawa mo para sa kaniya.", sabi ni Sir Lucero.
"Chill ka lang, kapatid. Magigising rin naman siya mamaya. Nagpapahinga lang siya ng saglit.", mahinang natawa ang buwiset na diyablo at hinalikan ang noo ni Cassie.
Kumuyom ang mga kamao ko at nanigas ang panga ko nang makita ko iyon. Oo, anak niya si Cassie. Pero kung masama lang ang pakay niya sa kaniya ay wala siyang karapatan para magpakita ng affection rito.
"I am Zeralf Lucero, the rightful king of the world!", humarap siya kay Cassie matapos siyang magpakilala. "She will be my little princess.", nakita kong hinaplos niya ang pisngi ni Cassie.
Fuck! That's it!
"Bitawan mo siya!".
Sinugod ko siya para mabawi si Cassie ngunit napahinto ako sa paglapit nang marinig kong mahinang tumawa si Cassie. Nanlaki ang mata ko nang makita kong hinugot ng diyablo ang kaniyang duguang kamay mula sa likod ni Cassie. Hindi ko agad napansin na nakasaksak pala ang kamay niya sa likod niya!
Kaya pala nababalutan ng pula ang kaniyang pang-itaas na damit. Nababalutan siya ng sarili niyang dugo. Anong ginawa niya kay Cassie?
Napahinto ako sa pag-iisip at pinagmasdan kong humarap ng dahan-dahan si Cassie sa amin. Nakapikit ang kaniyang mata kaya kitang-kita ang naging maputla niyang kutis na mas matingkad pa kaysa sa kutis ng kaniyang 'ama'.
"A-Anong... g-ginawa mo... s-sa kaniya?", hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Cassie ba talaga iyan?
Napahalakhak ng malakas ang diyablong nakahawak kay Cassie. "Sana magustuhan niyo ang aking prinsesa.", sabi niya.
Parang tumigil ang mundo nang maimulat ni Cassie ang kaniyang mata. Wala na ang kislap sa kaniyang mata gaya ng mga bituin sa langit. Napalitan ito ng kulay itim na kasindilim ng malamig na gabi.
Nginisian kami ni Cassie gaya ng ginagawa ng kaniyang mala-demonyong ama. Sa isang kislap ay nasa harapan ko na si Cassie habang nakahawak sa balikat ko. Huli na nang maihagis niya ako sa ere para mapabagsak ako sa sahig.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...