Chapter 25: Forgiven
Cassie's Point of View
"Wait lang! May mga kasama akong mga aso, diba!?", sigaw ko kay Rick habang hinahatak niya ako sa kamay.
Tumawa lang siya at biglang huminto sa paglalakad kaya nabangga ako sa malapad niyang likod. Buwiset talaga itong lalaking ito. Hinampas ko siya sa likod niya na ikinatawa niya lamang.
Dapat kasi ay kami lang ng mga alaga ko ang magkakasama eh. Pero mas gusto pa talaga akong isama ng lalaking ito sa kaniya para makabawi sa kaniya. Okay lang sana kase sabi niya libre niya, kaso parang mas excited pa siya kesa sa akin na akala mo siya ang ililibre!
"Saan ba kase tayo pupunta?", sabi ko habang hinihimas ang ilong ko na tumama sa likod niya.
Pinagmasdan niya ang entrance ng Mall na papasukin namin bago ako hawakan ng mahigpit ang aking kamay.
"Pumasok muna kasi tayo para makapamili ka na kung saan mo gusto pumunta", sabi niya.
Bago pa ako makapagsalita ay hinatak niya ako muli sa kamay. Ako naman itong walang magawa ay nagpahatak nalang ako dahil sasakit lang braso ko kung isa pa akong hahatak.
Nang papasok na kami, chineck ng babaeng guard ang bag ko para makapasok. Narinig kong sumitsit yung lalaking guard sa linya ni Rick. Nakita kong pinapaalis niya ang mga aso kong nakasunod kay Rick.
"Wait—",
"No worries, sir. They're mine", pagpigil ni Rick sa guwardiya. "Come on", aniya.
Sumunod naman ang tatlo kong mga alaga sa kaniya para makapasok. Nakita ko ang tinginan ng guwardiya sa mga alaga ko. Punanlisikan ko siya ng mata na agad naman siyang umiwas ng tingin dahil nahuli ko siya.
Humabol ako kila Rick at lumuhod sa harapan ng mga alaga ko. Hinimas ko ang kanilang mga balahibo.
"Sorry ha. Dapat sumunod nalang kayo sa akin", sabi ko sa kanila.
"Opo, ma'am", sagot ni Smokie.
"Alright, good boy", sabi ko sa kaniya at hinimas muli ang kaniyang balahibo bago tumayo at tabihan ulit si Rick.
Nadatnan ko siyang nakatingin sa akin na may 'WTF' face na parang isa akong baliw sa kaniyang paningin.
"Oh baket?", tinaasan ko siya ng kilay.
Nagkatitigan lang kami hanggang sa dahan-dahang lumilitaw sa kaniyang mga labi ang isang malawak na ngiti na agad ring napalitan ng isang malakas na halakhak.
Ngayon naman ay ako ang nakatingin sa kaniya na may 'WTF' face.
Pinalo ko siya sa braso na ikinatawa niya lang lalo. "Ano bang nakakatawa!?".
Pagkatapos niyang tumawa ay huminga siya ng malalim para kumalma. Inakbayan niya ako na may matamis na ngiti sa kaniyang labi. Niyuko ko agad ang aking ulo at tinago ito sa mahaba kong buhok dahil nararamdaman ko na naman na namumula ang mukha ko sa... kilig?
"Pumili ka na ng gusto mong puntahan", sabi niya.
Napabuntong-hininga ako dahil sa ayaw ko pang humarap sa kaniya at sa namumula parin ang aking mga pisngi. Ang ginawa ko nalang ay sumilip ako mula sa mga hibla ng buhok na nakaharang sa aking mukha. Atleast nakikita ko parin ang aking paligid.
Nakita ko lang ang mga fast food restaurant na ilang beses ko na ring napuntahan gaya ng Jollibee, Mcdonalds, Chowking, Greenwich, at Mang Inasal. Naisip kong tanungin muna si Rick kung siya ba ay gustong kumain dahil ayaw ko pa.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
Viễn tưởngLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...