Chapter 42: United
Cassie's Point of View
Gabi na nang magising ako na nakayakap sa akin si Rick habang nakabalot kami sa isang malapad na kumot. Napangiti ako sa kaniyang maamong mukha habang natutulog. Buti nalang hindi siya nagising nang haplusin ko ang kaniyang pisngi.
Kinusot ko ang aking mata at humikab. Nilibot ko ang aking paningin sa buong kuwarto. Nagulat ako bigla nang makarinig ako mahinang pagkatok sa pintuan. Akmang tatayo na ako para pagbuksan iyon nang maunahan ako nang kung sino man ang kumatok.
"Hey, Cassie.", bati nito sa akin. Hindi ko man makita kung sino man ang nasa pintuan pero alam kong boses iyon ni Ajax.
Naririnig ko ang yapag niya papunta sa amin. Huminyo siya sa tabi ng kama at binuksan ang lampshade. Napansin ko ang bakas na gulat sa kaniyang mukha nang makita kong natigilan siya at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ako.
Kumunot ako at tinignan ang aking sarili. Pati ako nagulat nang makita kong bra lang pala ang suot kong pang-itaas. Mabilis kong tinakluban ang aking sarili sa kumot. Sinarado nalang ulit ni Ajax ang lampshade para hindi talaga ako makita. Kita ko parin ang bulto niya sa dilim.
"U-Um, s-si Rick ba nasaan? P-Pinapunta ko siya dito p-pero...", tumikhim siya. "... h-hindi na siya bumalik.", sabi niya.
Paano ko ba sasabihin kay Ajax na katabi ko ngayon si Rick na nakayakap sa akin kahit na underwear lang ang suot ko? Manyak pa naman ang isip ng mokong na ito. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at nag-isip ng ideya.
"Baka nandun sa CR. Hintayin mo nalang kami sa labas, magbibihis muna ako.", sagot ko.
Nakita ko siyang tumango at tumalikod bago tumungo sa pintuan. Pagbukas niya ng pinto ay pinasukan ng liwanag ang kuwarto dahil sa ilaw na nanggagaling sa labas. Humarap siya sa akin at ngumiti.
"Anyway, nice breasts.", sabi niya sabay kindat bago lumabas ng kuwarto at sinarado ang pinto.
What the fuck!? Sabi na eh! Nararamdaman kong namumula ang mga pisngi ko sa hiya. Bakit ko ba naman kasi nakalimutan na naka-bra't panty lang ako? Jusko! Si Ajax pa talaga ang nakakita.
Naramdaman kong gumalaw sa ilalim ng kumot si Rick. Buti nalang pala hindi nakita ni Ajax si Rick. Baka kung ano pa ang naisip niya pag nakita niya kami dito sa kama. Nakita niya na nga akong naka-bra lang, paano pa kaya pag nakita niya si Rick sa tabi ko? Green-minded pa naman iyon.
"Cassie...", ungol ni Rick na bagong gising.
Bago pa ako makapagsalita ay naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa beywang ko. Hinaplos ko ang kaniyang ulo at hinalikan siya sa noo.
"Rick, bihis na tayo. Gabi na.", aya ko sa kaniya.
Nakiliti ako nang maramdaman kong bumuntong-hininga si Rick sa beywang ko bago niya pa ako bitawan. Tumayo siya at nag-inat ng mga braso. Naglaway ang bagang ko nang makita ko ang malapad niyang likod na nagco-contract ang muscles habang nag-iinat siya.
Hindi ko agad namalayan na nakatingin na pala siya sa akin. "Like what you see my love?". Nakangisi pa talaga ang mokong.
Umirap lang ako sa hangin at bumanhon na sa kama. Pumunta ako sa tabi ng pintuan at binuksan ang ilaw sa kuwarto kasi hindi sapat yung ilaw sa lampshade. Pagharap ko kay Rick ay bumungad sa akin ang six-pack abs niya at manly chest niya. Akalain mo nga naman na ganito pala ang tinatago ng mokong na ito sa damit niya.
"Picture-an mo nalang kaya para tumagal.", suhestiyon niya.
Mang-aasar pa talaga ang lalaking ito. Pinalo ko siya sa dibdib pero agad din nan akong bumawi sa pananakit ko sa kaniya. Tumingkayad ako at hinalikan ko siya sa labi kasi masyado siyang matangkad para sa akin.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...